Janica.
Nagsilapitan naman ang mga guard sa gulong nangyari kaya ayun andito kami ngayon sa office ng market.
"Ano ba talagang nangyari? Ms. Lopez?" Tanong nung manager na lalaki sa akin.
Naka tingin naman silang lahat sa akin. Kaya ikinwento ko lahat ng nangyari habang naka yuko at umiiyak si Hazel naman ay hinihimas ang likod ko.
"Ms. Lopez? Mag sasampa ka ba ng kaso?" Tanong nya pero umiling na lamang ako.
"Hindi po. Pero sana po wag na lan nyang ulitin sa iba." Sabi ko
"Sigurado ka ba dyan?" Tanong ulit nya, tumango na lamang ako.
"Okay. Makaka alia na kayo." Sabi nya kaya nagsitayuan na kami.
Nang maka labas na kami ay tiningnan ako ni Christian na para bang nagtataka.
"Kasama mo ba si Ace? Asan sya? Bakit ikaw lang mag isa? Bakit di ka nagsampa ng kaso?" Sunod sunod na tanong ni Christian
"Ahm.... kasi... ano."
"Oo. Kasama ko sya." Agad akong napa tingin sa likod ko andun nga sya.
Andun sya kasama ang best friend nya...
"Eh g*go ka pala e! Bakit mo sya iniwan mag isa?! Ha?! Di ba, girlfriend mo sya?! Bakit mo na lang sya hinayaang magpunta dun ng mag isa?!" Sigaw ni Christian. Hindi pa siguro nya nakikita si Angel
"Hindi ko sya pinabayaan. Sabi nya pupunta lang sya ng DQ kaya pinabayaan ko sya." Pabalik na sigaw ni Ace
"Sayo na rin nanggaling! Pinabayaan mo sya! Pinabayaan mo syang mag isa dun!" Pabalik na sigaw ni Christian sabay suntok kay Ace kaya napa upo si Ace sa sahig, dali dali naman syang tumayo at sinuntok din si Christian.
"Tama na nga yan!" Sigaw ni Hazel
Inawat naman na ni Harvey silang dalawa. Hinawakan ni Harvey sa braso si Christian habang si Angel naman ay niyakap sa likod si Ace.
Niyakap nya...
Bigla na lang nag dilim ang paningin ko, sinugod ko si Angel atsaka sinabunutan. Dahilan para maka kalas sya sa pagkaka yakap nya kay Ace.
"Ahhh." Sigaw nya at sinabunutan na rin ako
"Walangya ka! Ahas ka! Masyado ka ng malandi! Nung una si Christian tapos ngayon si Ace! Wala ka na bang sinasanto?! Lahat na lang inaagaw mo?! Napaka walang hiya mo!" Sigaw ko.
Inawat naman kami nila Ace, Christian, Hazel at Harvey.
"Tama na." Sigaw ni Ace kaya napa tigil kami.
Sinamaan ko ng tingin si Angel, ganun din sya sa kin. Napaka walang hiya nitong haliparot na toh!
Nilapitan din naman ako ni Christian sabay hawak nya sa mukha ko. Tiningnan ko sya sa mga mata nya. Mga mata nyang puno ng pag aalala.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nya sabay tingin sa gawi ni Angel. "Sinong may gawa--- Angel?" Tanong nya
Bigla na lang nanlaki ang mga mata ni Angel. "Christian?"
"Magka kilala kayo?" Tanong ni Ace na ikinabahala ko
BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Ficção AdolescenteSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?
