Chapter 32 - The Truth

316 9 0
                                        


Janica.



"Magka kilala kayo?" Tanong ni Ace, na ikinabahala ko






Agad akong napa tingin sa kanya. Nang maramdaman nyang naka tingin ako sa kanya ay tumingin rin sya sa kin.




"Magka kilala kayo?" Tanong ulit nya.






"S-sya ang dahilan kung bakit kami n-nagka hiwalay ni Nica." Sabi ni Christian, agad akong napa tingin sa kanya. Naka tingin pala sya sa kin.





"ANO?!" Sigaw ni Ace kaya lumapit na ako sa kanya at hinawakan yung dalawang kamay nya, habang naka tingin sa kanya. Naka tingin din sya sa kin.






Kailangan na ba talaga toh?! Ngayon na ba talaga?!





"S-si Angel. Sya yung nabuntis ni Christian dati. Si Angel sya yung dahilan kung bakit kami nagka hiwalay. Si Angel na best friend mo. Si Angel na first love mo." Nanghihina kong sabi habang sunod sunod na tumutulo ang mga luha ko, wala na kong pakialam dun. Hinayaan ko na lang silang tumulo.




"Siya? Si Angel?" Mahinang tanong sa kin ni Ace.



"Sya... Oo sya. Sya yung dahilan kung bakit hindi na ko naniniwala na walang forever, sya yung dahilan kung bakit wala ng tadhana para sa kin." Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya. "Pero, simula ng dumating ka nagbago lahat ng yun. Ikaw ang nagsilbing ilaw para sa kin. Kung wala ka hindi ko malalaman ang rason kung bakit kami nagka hiwalay ni Christian. Ang rason na, alam ko sa sarili ko na tayo talaga ang itinadhana para sa isa't isa. " Ngumiti ako sa kanya at ganun din sya sa kin.





Binitawan nya ang kamay ko. Dahil hinawakan nya ang mukha ko.





"Alam ko rin naman sa sarili ko na... ikaw, ikaw talaga ang itinadhana sa kin. Kaya siguro nawala si Angel, para makilala kita. Para mahanap ko yung babaeng mamahalin ko at mamahalin ako ng sobra. Yung dahilan ng pagbalik ng mga ngiti at tawa ko. Yung babaeng dahilan kung bakit ko nagagawang maging masaya." Naka ngiti nyang sabi.





"Papa." Agad kaming napa tingin sa nagsalita. Si Angel.




May katabi syang lalaki na nasa 40 pataas ang gulang. Ang lalaking pamilyar na pamilyar sa kin. Ang lalaking kinagagalitan ko. Ang lalaking nan iwan sa min ng basta basta.




Napa tingin sya sa kin. Habang naka ngiti pero ng masilayan nya ako ay unti unting nabura ang mga ngiti nya sa kanya labi. Unti unting bumuo doon ang pangungulila.





Pangungulila? Imposible!




Unti unti syang humakbang palapit sa kinaroroonan ko. Habang ako naman ay naglakad ng naka harap sa kanya.





Hanggang sa sinabi nya ang mga katagang...









"Janica? Anak ko."

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon