***Janica's Point Of View***
Gosh! What's wrong with me?! Bakit ako nag blush sa sinabi nya kahapon?!
No,no,no! A BIG BIG NO! Hindi pwedeng mangyari ito, ayaw kong ma inlove. Nagugustuhan ko na si Ace! Hindi ako makaka payag!
Nagmahal ako at nasaktan tapos ngayon magmamahal ulit at masasaktan?! Napaka laking gaga ko naman nun!
"Oh Nica, what's that face?" Tanong ni Hazel
As usual, nasa room. Nanaman kami, lagi kasing dito ang tambayan eh!
Napalingon ako sa gawi nya, naka taas ang isang kilay nito na para bang naghihintay ng sagot ko. "Pagmumukha ng nag iisang maganda sa balat ng lupa." Pagmamayabang na sagot ko sa kanya.
Irap lang ang sinagot nya sa akin. Sabay sagot ng.... "Hindi nga ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka ni Ace eh." Pabulong nitong sabi.
Anong sabi nya? Hindi ko narinig, medyo pabulong kasi pagkaka sabi nya eh.
"Anong sabi mo?"
"Ah wala, sabi ko sobrang ganda mo." Pabirong sabi nito.
"Thank you." Sagot ko
Yung sinabi ni Ace kahapon.....
***Flashback***
"Umm...kasi m-may sasabihin sana ako." Nauutal na sabi nya
Ano naman kaya yun?.
"Ano yun?" Walang emosyong sabi ko
Nakikita ko sa gilid ko na naka tingin sya sa akin, yung mga matang mayrong nais sabihin pero hindi nya alam kung saan magsisimula.
Tumingin ako sa kanya, tama ako naka tingin sya sa akin. Nakikita ko sa mga mata nya ang kaba at takot. Bakit naman sya kinakabahan? At natatakot? Mayron ba akong hindi nalalaman dito?
Natawa ito atsaka umiling.
"W-wala.....w-wag mo nang isipin yon." Nauutal nyang sabi.Okay?
***End Of Flashback***
Wait,asan kaya si Ace? Ano ba yan.
"Nica?" Tanong ni Zel
"Yess?"
"Paano kung na inlove sayo ang tinuturing mong kaibigan, anong gagawin mo?" Sabi nito
Napatingin ako sa kanya at nakita ko na naka tingin din ito sa akin, ano bang sinasabi ng babaeng ito? "Bakit mo naman natanong yan?" Tanong ko
Bigla na lang itong umiwas ng tingin sa akin at halos hinfi na sya mapakali, "W-wala....wag m-mo nang i-isipin yon." Sagot nya bago tumayo.
"Wait! Saan ka pupunta?" Tanong ko at tumayo na rin ako galing sa pagkaka upo ko kanina.
"Ahh....a-ano sa library." Sagot nya atsaka mabilis na naglakad.
"Sandali Hazel" Sigaw ko
Bahagya itong tumigil at tumingin sa akin. "Bakit?" Sigaw na tanong nito.
"Ehhhh..... Hindi kasi dyan ang daan. Sa kaliwa. Papunta ka kasing kanan eh." Natatawang sagot ko
Isa lang masasabi ko. WEIRD!
***Ace's Point Of View***
Ano ba yan late na ako! Shemay! Mapapagalitan ako nito eh.
Nang nasa tapat na ako nag school ay hinabol ko na ang hininga ko. Tumakbo kasi ako para kahit konti manlang maka abot ako sa second subject ko. 8:50 am na kaya!

BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Dla nastolatkówSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?