Chapter 10

473 17 2
                                        

Ace.

Nasa covered court ako ngayon naka upo sa bench.Bakit ko nga ba tinanggap yung sinabi ni teacher Joanne?dahil ba mahal ko si Janica?pwede rin! Hay naku ang gulo.

"Sinong iniisip mo dyan?" Nagulat ako kasi may nagsalita sa likod ko pagka tingin ko sya pala.

"Ano ba naman yan bakit mo ako ginulat?" Tanong ko,umupo ito sa tabi ko at tumingin sa malayo

"Kanina ka pa kasi dyan,naka tulala atsaka parang ang lalim ng iniisip mo! Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Harvey

"Kaya nga anong iniisip mo?" Nagulat nanaman ako kasi may nagsalit boses ng lalaki at babae.

"Hazel? Jayden?"

"Oo kami nga" sagot ni Jayden,umupo silang dalawa sa tabi namin ni Harvey

"Saan si Janica?" Tanong ko

"Wala pa eh,tulog pa sya" tumingin ito sa relo nya,"atsaka 6:30 pa lang,7:00 gigising yon"

"So maka balik nga tayo,sino bang iniisip mo? Ace?" Tanong ni Hazel

Sasabihin ko na nga ba? Ilang weeks ko ng itinago ito,pero baka magalit sa kin si Jayden? Bahala na nga,kainis naman nito oh!

"Si...."

"Si?" Sabay sabay nilang tanong

"Si Janica" yumuko ako para hindi makitaang reaksyon ni Jayden

"Ummm. I smell something fishy bro! " sagot ni Harvey

"Parang amoy isda" dagdag ni Hazel,binatukan naman sya ni Harvey,"Araaayyyy! Kainis toh! Anong problema mo ah?"maangas na tanong nito

"Tangeekkk! Kaya nga fishy di ba?ang slow mo!" Sagot ni Harvey

"Mabalik nga tayo! Bakit mo naman iniisip si Nica?" Tanong ni Hazel

Ini angat ko ang ulo ko tumingin ako kay Jayden naka ngiti lang ito at tumango!

"You like Nica?" Tanong ni Hazel

Umiling ako kaya nag sad face ito,"Eh a---"hindi na nya itinuloy ang sasabihin nya nang magsalita ako

"I dont like her,because.....I LOVE HER" sagot ko tumingin ako kay Jayden naka ngiti lang ito sa kin.

"Grabe sya oh! May tama ka bro" Harvey

"May tama? Ibig sabihin.....parang baliw ganon?" Tanong ni Hazel,binatukan tuloy sya ni Harvey,"Araaaayyyy ko! Nakaka dalawa ka na ah! Alam ko naman yung ibig sabihin eh"sagot nito

"Ano?" Sabay sabay naming tanong

"May tama.....edi ibig sabihin.....BALIW KA SA KANYA! Eto naman oh!" Sagot nya

"Ano ang iyong maiipayo sa iyong magiging bayaw?" Pang asar na sabi ni Harvey,tumingin kaming lahat kay Jayden

"Baliw! Bayaw ka dyan hindi pa sila kasal noh!" Sagot nito tumingin sya sa kin at sumeryoso ang mukha nya.Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin nya!Kainis! "Ok lang naman sa kin si Ace basta wag lang nyang sasaktan at lolokohin si Janica. Dahil kung hindi baka kung ano pang magawa ko!" Sagot nito,kahit kinakabahan ako sa last sentencd na sinabi ni Jayden.Naging masaya naman ako sa iba pa nyang sinabi kasi pumapayag daw sya.

"Guys,alam nyo ba nung minsan nagtanong sa kin si Janica" singit ni Hazel lahat kami naka tingin sa kanya

"Ano namang tinanong nya sayo?" Tanong ni Jayden

"Kung....paano mo malalaman kung inlove ka! Yun ang tinanong nya sa kin"

"Seriously? Akala ko ba bitter yang kapatid mo? Bakit nagtanong nang ganon?" Tanong ni Harvey

"Ewan ko! Weird nga eh ngayon lang ulit sya nag topic ng ganun!" Sagot naman ni Jayden

"Isa lang ang na iisip ko! Na iisip nyo rin ba?" Tanong ni Hazel

Ano ba yon? Teka...wala naman syang kinekwento este sila!

"Teka,teka?pwede bang paki sabi sa kin yung kwento?atsaka paano naging bitter si Janica?" Tanong ko

"Ayyy sorry Ace,naka limutan namin na hindi mo pa pala alam" sagot ni Hazel,tumingin ito kay Jayden at tumango naman ito parang hudyat na ikwento lang ito sa kin.

"Ganito kasi yon,nung 4th year high school kami,may naging boy friend si Janica yun ay si Chr---" natigil ang sinasabi ni Hazel ng may tumawag sa kanya

"Speaking of" sabi nito lumayo ito,pero sapat iyon para marinig ko ang sinasabi ni Hazel,"Hello?....Nica?....Oh bakit ka napa tawag?.....Nasa school ka na....Ummm nasa covered court kami.....oo kasama ko sila...sige pumunta ka na dito.....bye"lumapit ito sa kin at tumango,"Pupunta na sya dito on the way na daw sya,itutuloy ko na ang sinasabi ko sayo Ace. Naging boy friend nya si Christian Lim yung bago nating kaklase"

Paano?sya?hindi ako maka paniwala sa mga narinig ko,"paano sila naghiwalay?"tanong ko

Atat na atat na akong malaman!

"Naka buntis si Christian nalaman yon ni Nica kaya naisip nya na hiwalayan na lang si Christian at isa pa yung babaeng na buntis ni Christian ay yung babaeng nakita nya na kahalikan nito.Pero hindi na nagsalita si Nica kasi mahal na mahal nya si Christian,kaso ayun naka buntis nga kaya hindi na napag tiisan.Kaya ayun bitter sya hindi sya naniniwala sa forever,sa tadhana,sa destiny at feeling nya wala ng matinong lalaki,na lahat ng lalaki manloloko.Atsaka takot na rin syang mag mahal ulit" sambit nito



Ganun naman pala ang napag daanan ni Janica,ang g*go naman pala ni Christian ang bait bait ni Janica ginanon nya lang! Anong klase sya? Hini na ba sya naawa?


"Nica?" Sabi ni Harvey naka tingin sya sa likod namin.



Nagulat ako kaya tumingin na rin ako! Naka tayo si Nica sa likod namin. At tamang tama ang pag tingin ko dahil pumatak ang luha nya sa pisngi nya.Nang makita nya na naka tingin na kami sa kanya mabilis itong tumakbo palayo. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Jayden.


Alam ko masakit,alam ko! Ayaw lang nya sigurong nababanggit ang tungkol sa ex nyang nanloko sa kanya!Bakit parang tinutusok tusok ang puso ko.


"I think she needs space" sambit ni Jayden




Papasayahin kita Janica,papasayahin kita.Pangako ko yan sayo

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon