Janica.
"Congrats!" Sigaw nina Hazel, kuya at Harvey
"Haha! Thank you, guys. Salamat sa pagtulong." Naka ngiting sabi ni Ace. "Janica, gusto kong makilala ang mama mo at sana pati.. papa mo." Sabi ni Ace.
Yeah. Alam na nya na nagbabae ang papa namin. Na sumama na sya sa kabit nya. Pero wala daw problema dun sabi ni Ace, kahit na ano pa man daw ako tatanggapin nya ako.
"Oo, sige ba Ace. Itetext ko lang si mommy." Sabi ni kuya at lumayo nang konti
Alam na rin ni mama na nililigawan ako ni Ace, dahil hiningi na daw ni Ace ang kamay ko sa mommy ko.
"Okay lang daw, mamayang dinner. " sabi ni kuya kaya tumango na kami.
"Tara na nga, may klase pa tayo." Sabi ni Harvey.
"Oh bakit kayo sasama sa min?" Tanong ni Hazel. "Magka iba naman ang building namin sa inyo." Dagdag pa nya
"Ihahatid lang kita, Jollibee."
"Hoy kayo! Mahiya nga kayo sa endearment nyo. Buti pa si Ace at Nica, babe. Eh kayo? McDo at Jollibee." Sabi ni kuya.
"Tara na nga lang, Harvey. Magkalapit lang naman tayo nang building." Sabi ni kuya, sabay akbay kay Harvey. "Babye Nica. Ace ah?"
"Oo, bayaw." Sagot nya kaya siniko ko sya. Na ikinatawa nya.
"Bawal pa PDA ha?" Singit naman ni Hazel sabay lakad palayo.
Hala? Bad trip ata. Haha.
Naglakad na kami ni Ace habang nasa harapan namin si Hazel, magka hawak ang mga kamay namin.
"Thank you." Sabi nya kaya nilingon ko sya.
"Saan?" Tanong ko
"Kasi sinagot mo ako."
"You deserve my YES." Naka ngiting sabi ko.
"Tss. Haha." Sagot nya.
Nasa room na kami kaya tinanggal na namin yung kamay namin sa isa't isa. Mahirap na baka office na patutunguhan nito.
***
"Ace, isama mo pamilya mo sa bahay mamaya." Sabi ko sa kanya. Uwian na kaya lumabas na kaming room.
"Huh? Baka maka abala pa kami ah?" Sabi nya kukunin ko na sana ang bag ko nang kunin nya, ganyan na yan e. Simula pa nung nililigawan nya pa ako. "Ako na."
"Okay lang, tinext rin naman sa akin ni mommy e." Sabi ko.
"Okay." Sagot nya at lumabas na kami nang kwarto
"Una na ako, Ace at Nica ah? Andyan na sundo ko." Paalam ni Hazel at ang tinuturo nyang sundo nya ay ang boyfriend nya.
"Sige, ingat." Sabi ko.
"Ingat, Harvey ah?" Ani ni Ace
"Oo. Thanks." Sagot ni Harvey at naglakad na sila patungong parking lot.
"Oh, Janica. Tara na?" Tanong ni kuya sa akin at binalingan nya nang tingin si Ace. "Kita na lang tayo mamayang dinner Ace ah? 7:00 o'clock in the evening."
BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Fiksi RemajaSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?
