HER PONT OF VIEW
"Ang pogi niya! Sheeeeet!"
"Ang hot pa! Eeeeckk."
Bulungan ng mga nadadaanan ko kaya't naka kunot-noo agad ako bago nilapitan yung dalawang kerengking na babae na halos mangisay na sa kilig.
"Sinong pogi at hot?" tanong ko naman. Hello? Hot daw eh! Hayok ako dun. Ano ba!
Tinignan nila ako bago sumagot, "Si Kuya Isagani po!" sagot nung isa. Pi-no-po ako dahil nasa senior high na ako habang sila nasa junior palang.
Pero Isagani? Tangina! Pangalan palang ang baho na. Sinong barkada si Basilio?
"Transferee?" tanong ko.
"Opo! Bye na Ate!" paalam nila bago nagtatakbo. Ay, tanga. Diko natanong kung anong year.
Akmang maglalakad narin ako ng may bigla akong nabunggo. Agad akong napa-aray dahil tumama iyon nsa dibdib ko! Bato ba? Semento? Beam ba nabunggo ko?
"Sorry," malamig na turan nung nakabangga ko kaya agad kong iniangat ang pningin ko dahil ang tangkad niya! Jusmiyo!
"Tse! Di natingin sa daan!" pambabalewala ko sa sinabi nito! Pero bwesit! Ang hot niya!
Lalagpasan ko na sana siya para magtanong sa iba kung sino si Isagani ng may sumigaw sa likuran ko.
"Hey, Isagani!" agad na namilog ang mga mata ko sa narinig.
Akmang haharap na ule ako ng marinig ko ang malamig na boses nung Isagani. "Don't call me with that way, man. Just call me Saga," aniya na nagpapako sa kinatatayuan ko.
Ang hot nung Saga nyeta.
Humarap ako sakanya at nakitang kasama na niya yung barkada. Base sa unipormeng suot nito ay nakumpirma kong ka-level ko ito.
Akmang maglalakad na sila ng umalingawngaw sa buong corridor ang sigaw ko.
"Kiss me, Saga!" na naging rason para mapaharap ang namimilog na mga matang si Saga.
-----------------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Genç KurguNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...