Part 7

307 18 0
                                    

Chapter 7:


Santi (POV)


Diretso lang ang tingin ko sa daan habang nagsasalita si daddy.


"Santi, we'll be having a family dinner. Go home early." bilin ni dad na tinanguan ko lang.


"Why so silent? Are you okay?" anito bago ilapat ang likod ng palad sa noo ko.


"Daddy! I'm not a kid anymore! I'm fine," nakalabing ani ko bago tanggalin ang kamay ni daddy


Masyado kasi nila akong bini-baby! Porket ako ang bunso. Dalawa lang kasi kami ni Kuya kaya halos lahat ng luho namin nasusunod. Masyado kaming ini-spoil ni daddy.


"Alright, alright.." natatawang sabi ni dad.


Nang malapit malapit na kami sa gate ng school ay agad nanlaki ang mga mata ko ng mamataan sa waiting shed malapit sa guard house si Saga!


Agad akong napakagat labi ng maramdaman ang pamimilis ng tibok ng puso ko!


Tinotoo nga nito ang chinat saakin kagabi na hihintayin niya ako sa labas ng school.


Eh late na ako ng 30 minutes dahil tinanghali pa ako ng gising! Ibig sabihin hindi rin nito papasukan ang first subject niya?!

"D-dad. Stop the car.." kabadong sambit ko.


"Why?" takang tanong ni dad kaya napapikit ako ng malapit na naming madaanan si Saga!


"B-basta! I-I'm just going to buy something.." sabay turo sa sari-sari store sa tapat ng campus! Shit ni never ko pa ngang natrt bumili sa sari-sari stores eh!

Nakita ko pa ang pagkunot noo pa ni daddy ngunit hininto narin ang sasakyan sa tapat ng store mismo



Agad ko nalang itong hinalikan sa pisnge at lumabas ng sasakyan niya.

"Santi-----"


"Bye, dad! Take care!" pagputol ko sa sasabihin nito bago isara ang pinto!


Bahagya ko pang pinalo ng marahan ang sasakyan para sabihing umalis na ito.



Pagka-alis ng sasakyan ay kinawayan ko pa ito hangang sa lumiko na at hindi ko na makita.

Kagat labi akong pumihit paharap sa katapat na waiting shed bago magtama ang mata namin dalawa.

Nakakunot lang ang noo nitong naatitig saakin. Nakasakbit pa ang polo sa balikat at isang strap lang ng bag ang suot habang nakapapulsa.



Agad akong pinagtaasan ng balahibo sa klase ng pagtitig niya saakin.


Hinintay ko munang dumaan ang isang sasakyan bago humakbang habang nakikipagsabayan sa titig niya.


Dalawang hakbang pa lamang ng humakbang din ito patawid na siyang nagpakabog sa dibdib ko.



Sa laki ng hakbang niya ay agad siyang nakalapit saakin bago pabalikin sa dating pwesto at agad na hinawakan ang batok ko bago walang sabing hinalikan ang noo ko at sinabing, "Goodmorning, Santi.." sa isang malamig na boses na naging dahilan para kagatin ko ng mariin ang labi dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman.




"G-good morning..." utal na bati ko bago tumingo.


"Saglit," aniya bago ibaba ang bag sa semento at kunin ang polo sa balikat.


Nasa akto itong isusuot na ang polo ng kuhanin ko ang nasa sementong bag niya bago yakapin sa harapan ko at agad na napa-iwas tingin ng bahagya itong tumigil bago kinagat ang labi na parang pinipigilang umagat ito.


Pagkatapos niyang ibutones ang polo ay agad niyang kinuha ang bag niya at isuot ang dalawang strap na siya pinagtakahan ko.

Usually kasi ay isang strap lang ng bag ang isinusuot nito.

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyo at akmang maglalalad na


"Akin na," aniya habang nakapukos ang natural na mugtong matang ani nito na lalong nagpadagdag sa kakisigan niya.


"Y-yung ano?" bago napakapit sa shoulder bag na dala ko dahil sa kaba.



"Give me you bag," diretsong sambit nito na siyang nagpamilog sa mga mata ko.


"H-ha? N-no way!" taas kilay na ani ko.


Pinagtaasan din ako niti ng makapal niyang kilay!


Ayoko nga! Nakakahiya! Kalalaki niyang tao magbubuhat ng purple na shoulder bag?! Shit! Bat shoulder bag pa kasi dinala ko ngayon!?



Itinaas ko pa lalo sa balikat ang bag bago higpitan ang hawak.


"Akin na Santi. Baka malate pa tayo sa second subject.." cool lang na ani niya.


At wala na akong nagawa ng siya na mismo ang kumuha nito.


Agad na namula ang mukha ko ng isuot nito iyon sa balikat bago ibinulsa ang isang kamay habang yung isa ay pinaghawak niya sa kamay ko bago kami tumawid ng pedestrial line at pumasok ng campus!


Nang makapasok kami ay agad akong napatungo dahil sa hiya! Hindi dahil hiya sa iba. Kundi dahil hiya kay Saga dahil dala nito ang bag ko! Nahihiya ako sakanya!


Pahagya kong inangat ang ulo para tignan ang nagandang likod ni Saga at ang kamay nitong nakahawak sa kamay ko.

Nangunguna itong maglakad habang nakapamulsa parain at tuwid na nakatayo.


Para siyang diyos kung titignan dahil sa gandang hubog ng katawan nito isama mo ba ang kagwapuhan at maputing balat nito!


Pinapasadahan ko siya ng tingin ng aksidentng dumapo ang mga mata ko sa itim na chucks nito na medyo kupas na ang kulay kaya't agad akong napaiwas ng tingin dahil sa paninikip ng dibdib..




Nang nasa may hallway na kamy ng marinig ko ang kanya-kanyang bulungan ng mga nadadaanan namin ni Saga!


"Sht! Bakit hawak niya ang kamay ng maarteng yun?"


"Hala! Nakakainis naman! Bakit siya pa?!" lalo akong napatungo ng marinig iyon dahil namumula na ang mukha ko hindi dahil sa hiya kundi dahil sa inis!


Mga bwesit kayo! Pag itong si Saga sinagot ko.....sht! Sinagot?!

Ano ba Santi! Crush palang! Wag malandi!



-------------------------x

Kiss me, Saga!Where stories live. Discover now