Chapter 6:
Santi (POV)
Nakadapa lang ako sa queen size bed ko habang kumakain ng milky way at nagf-facebook sa laptop ko.
Panay lang ang scroll ko habang tumitingin sa mga post ng kaklase ko.
Nagbabasa ako ng isang post sa isang page ng biglang nagpop-out ang isang message galing kay She.
Sheila Cabrera •
Bes! Nakita mo ba fb ni papa Saga? Hihi! 😍💓
Santi Montero •
Parang tanga 'to!
-------
Agad akong napahawak sa dibdib ko ng mabasa ang pangalan ni Saga.
Shit!
Santi Montero •
So? Anong pake ko?
Seen√
--------
Wow! Seen? Tsaka ano raw sabi ko? Walang pake? Eh kanina ko pa nga sinessearch eh! Kanina pa sumasakit ulo ko kakahanap!
Sinubukan ko uling isearch ito.
Ang daming result na lumalabas pero hindi ko alam kong sino sa mga to! Ni hindi ko alam kong anong apleyido niya!
Ayoko ngang itanong kay She! Tiyak na aasarin lang ako non!
Akmang isasara ko na ang laptop ko sa sobrang inis ng may biglang friend request ang lumitaw
At nang binuksan ko ito ay agad na bumungan saakin ang isang pangalan na hindi ko mahanap-hanap!
Isaga Ramos
Confirm | IgnoreIlang beses ko pang pinikit-pikit ang mga mata nang naaksidente kong na-click ang confirm! At dahil sa gulat ay naclick ko ulit ang pangalan nito!
Bago ko pa isara ang LT ko dahil sa gulat ay bahagya ko pang nakita ang napakagwapong mukha nito na siyang sobrang nagpakalabog sa dibdib ko!
Isinubsob ko sa mukha sa unan bago magsisigaw at nagpagulong-gulong bago tumayo at tumingin sa salamin!
Gulo-gulo ang buhok. Gusot na Nike shirt at pajama kasama ang pamumula ng pisnge
Taimtim kong dinama ang mabilis na tibok ng puso bago napakagat labi at pumikit.
"Tangina, Isagani. C-crush naba kita?"
------------------------x
Baliw na ng dakilag imported. HAHAHA! Feedbacks!-Madam
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...