Chapter 15
Santi (POV)
Nakahalumbaba ako rito sa lamesa habang nilalaro ang pancake na inihanda ni Manang para maging almusal.
"Stop playing your breakfast, Santi. Atsaka bakit ayaw mong sumama?" nakakunot noong tanong saakin ni Mommy habang si Daddy naman ay paminsan-minsan lang na sumisipsip sa kape niya.
"I'm fine here, Mom. Para naman maiba." reklamo ko.
Ilang linggo na rin ang lumipas at ilang araw nalang ay bakasyon na. Mag g-grade 12 na ako sa susunod. At kagaya ng mga nakaraang bakasyon panay ang out of country namin.
Pinaalam saakin kanina na pupunta kami sa Australia at doon magbakasyon pero tinanggihan ko. Ag dahil nanibago sila saakin dahil ngayon lang ako tumanggi ay panay ang usisa saakin.
"Naku, Santi! Alangan naman na maiwan ka rito! Sasama rin ang kuya Lester mo saatin!" reklamo pa nito.
"Mommy. Mas gusto ko dito..." gusto kong dugtungan ang sasabihin ngunit kinakabahan ako.
Akmang itutuon ko na ang atensyon sa kinakain ng magsalita si Daddy.
Dahil ba ito doon sa lalaking hinintay ka sa harap ng school niyo noon?" seryosong tanong ni Dad na nagpakaba saakin!
Paano nila nalaman?! Wait...
Akmang tatanungin ko na si Daddy ng magsalita si Mom.
"Sinong lalake?" seryoso ring tanong ni Mommy!
Oh my God!
"M-mom-----" naputol ang sasabihin ko ng umaliwalas ang mukha nito!
"Oh God, Santi! May boyfriend kana anak?" tuwang tuwa si Mommy habang palipat lipat ang tingin saamin ni Daddy na parang humahanap ng sagot
"Nakita ko siya noong hinatid ko si Santi." tumikhim ito, "Nagpababa itong anak mo sa sari-sari store kaya't nagtaka ako at sinundan ko siya. Kailan mo balak sabihin saamin?" may bahid na tampo sa tinig ni Daddy.
Napakagat labi ako. So, all this time ay alam ni Daddy ang tungkol kay Saga?
Napatungo ako, "He's name is Isagani, Mom, Dad. Boyfriend ko po siya..." pag-amin ko. Nanatili akong nakatungo dahil sa kaba. Ngayon lang ako nagpakilala sakanila ng boyfriend! No boyfriend since birth ako kaya wag kayong ano!
"Dalhin mo siya rito!" masayang sambit ni Mommy. Napailing nalang si Daddy habang nakangiti bago ako kindatan!
Oh, God. I really love them.
"Sure!" masayang sagot ko.
Bahagya kong pinupunasan ang pawis ni Saga dito sa rooftop dahil kakatapos lang niyang magtrabaho sa caf.
"Seryoso, honey?" medyo naiilang na tanong nito bago uminom ng mineral na tira ko kanina.
"Naman! Don't worry. Mabait sila!" nakangiti kong sabi bago sumandal sa malapad nitong balikat dahil umakbay saakin ito.
Bahagya akong napapikit ng nanuot sa ilong ko ang umaalingasaw na mabangong si Isagani.
"Sige. Kailan daw?" tanong nito bago halikan ang sentido ko na nagpalakas ng tibok ng puso ko!
Diyos ko, Saga! Bakit gayan ka kung kumilos?!
"S-sa sabado.." nautal pa ako dahil sa kalabog ng dibdib ko.
"Alright..." kita ko ang pangamba sa mukha nito habang nakatuon ang paningin sa baba nitong building.
Iniyakap ko ang kamay palibot sa katawan nito bago isiksik ang sarili sa dibdib na siyang nagpatawa ng mahina sakanya kaya't mas lalo kong isiniksik ang mukha dahil sa hiya.
Malakas ang tibok ng puso ko na halos gustong kumawala sa ribcage ko.
"Hear this.." ani Saga bago iusog ang tainga ko sa tapat ng dibdib niya.
Pagkalapat ay agad kong narinig ang lakas ng tibok ng puso niya katulad ng akin! Para itong nakikipag-karera sa isang laro na walang finish line!
Nanatili lang ako sa pakikinig. Wala akong ibang marinig kundi ang heartbeat lang naming dalawa na parang lumilikha ng isang magandang musika...
"Ganyan ang epekto mo saakin, Santi." niyakap nito ang katawan ko, "Lumalakas ang tibok ng puso ko marinig ko lang ang pangalan mo....maamoy ko lang ang bango mo..." bahagya nitong sininghot ang buhok ko, "marinig ko lang ang boses mo....maramdaman ko lang ang katawan mo...makita ko lang ang mukha mo...." Napapikit ito, "Damn! Hulog na hulog na ako sayo.." ngumiti ito bago dilaan ang ilalim ng pisngi bago umiwas ng tingin.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkislap ng sulok ng mga mata nito kasabay ng akin.
-------------------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...