Chapter 20
Santi (POV)
"Nakasakay na ako..I'm with Daddy and Mommy.." nakangiti kong sambit.
"Alright. Naka-loud speaker ba?" tanong ni Isagani sa kabilang linya.
Napakagat labi ako, "Yes," ani ko bago balingan si Mommy at Daddy na nasa front seat.
"Hello, Saga!" Matinis ang boses na bati ni Mommy"Morning, Iho." nakangiti namang bati ni Daddy. Lalong lumawak ang.ngiti ko.
"Goodmorning, Tito and Tita. Drive safetly po." magalang na ani Saga.Bahagya pa siyang kinausap ni Mommy, minsan ay nasingit din kami ni Daddy.
Nang nasa harap na kami ng simbahan ay agad ko ng pinatay ang tawag.
Pagkababa ng kotse ay agad kong namataan si Saga na naka-upo sa isang bench. Sa harap ng simbahan. Kausap nito iyong Ale na nagtitinda ng mga candy.
Saktong pagbaba nila ng sasakyan ay siyang pagbaling din saamin ni Saga.
Iniipit ko ang kumawalang buhok sa aking tainga bago kawayan si Saga na nakangiting nakatingin saakin bago nagpaalam doon sa Ale.
"Goodmorning, Saga." bati ni Mommy ng makalapit si Saga. Binesohan niya ito.Ganun din si Daddy bago sila nagman-hug.
Bahagyang bumulis ang tibok ng puso ko noong ako ja aang binalingan niya."Hey.." bati ko bago kinagat ang labi.
"Hi." ani Saga bago kamutin ang batok at dinilaan ang ilalim ng pisnge. Nakapamulsa ito.
Nakaramdam ako ng awkwardness ng lapitan ako nito-parang pareho yata kaming naiilang- bago hapitin ang baywang ko at halikan ang noo ko.
"Goodmorning, honey.." mahina at malambing na bati nito saakin.
Naalala ko nanaman yung halikan naming dalawa noong gabing iyon.
Oh my God. Namumula ang pisngi ko.
Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Mommy.
Ramdam ko ang kilig na nararamdaman ni Mommy.
Nagpapasalamat ako dahil tanggap niya kami ni Saga.Napasok ulit sa utak ko ang pinag-isapan namin ni Mommy after kung ihatid si Saga sa labas noon.
Kilig na kilig daw siya saamin ni Saga. Naalala niya raw kasi yung kabataan nila ni Daddy doon sa US noon.
Laking Amerika sila kaya't sanay na sila sa PDA. Hindi bigdeal sakanila iyon.
"Let's go inside." nakangiting sambit ni Mommy bago humawak sa braso ni Daddy at ganon din kay Saga!
"Mommy!" nakalabing sambit ko bago hilain ang isang braso ni Saga.
"What?" inosenteng tanong ni Mommy. Narinig ko ang pigil na tawa ni Saga at Daddy kaya't pinalo ko ng marahan ang braso ni Saga.
"Girlfriend niya ako, Mom! May Daddy kana!" pumadyak pa ako na lalong nagpatawa sa lahat.
Napangiti ako ng bumulong si Mommy kay Saga."Sabi sayo. Hindi ka ipapahawak sakin yan. Selosa yan si Santi." nangingiting sabi ni Mommy na nagpangiti kay Isagani.
Umiling ito bago ako balingan at hawak sa kamay ko.Naiiling na naunang maglakad sila Mommy at Daddy.
"Come on," baling nito saakin bago pagsalikupin ang kamay namin.
"Tse!" pagtataray ko bago pabirong kinurot ang tagiliran niya.
Umaray pa ito na parang ang sakit ng pagkakakurot ko.
"Sorry po." paglalambing ko agad bago halikan ang balikat niya.
"Hurry, kids!" baling saamin ni Mommy kaya't binilisan na namin aang paglakad papasok ng simbahan.
Sumama kasi sila Mommy. Kami lang sana ni Saga eh ang kaso sumama rin sila. Aalis din naman sila after ng misa.
Nang makapasok ng simbahan ay puno na. Wala ng maupuan kaya't pumwesto na kami ni Isagani sa likod.
Si Mommy at Daddy nakahanap ng mauupuan sa may bandang gitna.Sinenyasan pa nila kami at nginitian.
Nakatayo lang kami habang nagsasalita ang pari sa harap.
Bahagyang pinisil ni Saga ang palad ko kaya't binalingan ko ito.
"Hmm?" tanong ko rito sa isang malambing na tono.
Namula ito bago tumungo para tignan ang kamay naming magkahawak.
Kumunot ang noo ko noong itaas nito iyon bago halikan.
Napangiti ako.
Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon. Parang may kung anong humaplos sa puso ko ng isa isang halikan ni Saga ang daliri ko habang nakapikit.
Uminit ang sulok ng mga mata ko habang nakatitig sa mukha niya. Sa buhok niya...sa matangos nitong ilong habang dinadama ang init ng halik siya.
Napalunok ako ng maramdaman ko ang panlalabo ng mga mata ko. Kasabay non ay ang pagmulat niya ng mata bago titigan ang mga mata ko. Punong puno iyon ng sinseridad.
Napasinghot ako ng naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na saakin ang lalaking ito.
Hindi parin ako makapaniwala na mahal ako ng lalaking katabi ko ngayon.
Never kong na-imagine na magkakagusto ako sa lalaking katulad niya.
Pero dahil sa tadhana....dahil sa tibok ng puso ko na para pala sa lalaking ito. Napakasaya ko ngayon.
Hindi masukat ng kahit ano ang sayang nararamdaman ko. Lalo na noong magsalita ito. "I love you so much, Santi. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito." bahagya nitong hinalikan ang sentido ko. "Sa simbahan na ito....ipinapangako kong hinding hindi kita sasaktan. Hinding hindi na kita pakakawalan." napahinto ito bago huminga ng malalim, "at sa simbahang ito..." ngumiti ito saakin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, "dito kita gustong pakasalan.." nga katagang binitawan nito.Bago pa tumulo ang luha ko ay naramdaman ko na ang labi nito sa labi ko pati ang pagtulo ng luha nito kasabay ng akin.
-------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Novela JuvenilNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...