Part 11

212 15 1
                                    

Chapter 11



Santi (POV)


Dala ko ang mga libro ko nang makalabas ako ng classroom.


Bahagya pang sumirko ang puso ko nung mamataan ko si Isagani na nakasandal sa beam habang nakatingin sa relo.


Maya-maya lang din ay bumaling saakin nito.


Ilang sandali akong hindi huminga ng magtama ang mata naming dalawa.


Ngumiti ito saakin ngunit parang pilit.


Anong problema niya?

Kaagad nalang akong lumapit dito. "Sorry natagalan.." tumingin ako sa wrist watch ko. Last subject nanamin ang kaso may binilin si Ma'am para sa gagawing report kaya natagalan," ayos ka lang?" ulit ko nang hindi ito nasagot.


"Hmm..pwedeng ihatid nalang muna kita sa gate? Kailangan ko na kasing umuwi.." parang balesang sambit nito.


Dati-rati kasi ay inihahatid pa ako nito sa may bus stop kahit iba ang way ng paradahan ng mga tricycle na siyang sinasakyan niya.


Imbes na um-oo ay nag-aalala kong tinignan ito.


"May problema ba?" tanong ko rito.


"W-wala..may problema lang sa bahay." aniya


"Sasama ako.." bigla ko nalang nasabi.

Nakita ko kung paano ito tumingin saakin habang namimilog ang mata na napalitan din agad ng ngiti.


Napatungo tuloy ako. I...just want to know what's his problem.

"Bakit naman?" may naglalarong ngiti sa labi ni Saga ngayon!

"W-wala.." iwas ko ng tingin. Oo wala! Santi, wala!

"Nah-uh.." aniya at akmang tatalikuran na ako.

"H-hoy! G-gusto ko lang malaman ang problema!" sigaw ko sa nakatalikod na si Saga.

Umuling lang ito! Pag ako nabwesit!


"Malamang sasama ako dahil girlfriend mo ako!" kaagad namilog ang mata ko sa mismong nasabi kaya't agad kong itinakip ang palad sa bibig.


Nakita ko ang pagbaling saakin ni Isagani bago tumakbo sa kinaruroonan ko at hawakan ang magkabilang baywang ko.


"Paki-ulit.." aniya bago dilaan ang ibabang labi na siyang nagpatingin sa paghinga ko pagsamantala.


"A-ayaw.." umiwas ako sa mapupungay nitong mga mata na kasalukuyang nakatitig saakin.

Pakiramdam ko tuloy ay hinahalungkat ng titig nito ang kaibuturan ko. Ramdam na ramdam ko ang impact ng titig niya hanggang sa puso ko na naghahatid ng milyon-milyong boltahe sa buong katawan ko.


"Say it again...honey.." mas malambing na aniya na siyang nagpahina sa tuhod ko. Agaran akong napakapit sa malaking braso nito na nakahawak sa baywang ko dahil sa kaisipang malulusaw ako sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ni Isagani sa baywang ko na parang alam niya na naghihina ako.


"Hmm?" nahihirapang bulong nito bago ipulupot ang braso palibot sa baywang ko kaya't agad tumama ang dibdib ko sa dibdib nito. Napapikit ako nang tumama rin ang tainga ko malapit sa leeg niya. Amoy na amoy ko tuloy ang natural pero lalaking-lalaking amoy nito.

Pikit mata kong pinilit magsalita, "K-kase girlfriend mo ako.." taas baba ang aking dibdib habang ramdam ko rin ang kanya.


Lalo akong nanghina nung ikiniskis nito ang ilong sa sentido ko bago halikan ito.


"K-kiss me, Santi.." aniya kaya't nakurot ko ito sa tagiliran. Bahagya lang itong tumawa at umaray.

"Line ko yan!" pilit pinasigla kong sinabi.

Halakhak nito ang namayani sa tainga ko.


Mabuti nalang at nasa hallway kami kung saan may nga puno at kakaunti nalang ang estudyante dahil nagsi-uwian na.

"Say it to me, then.." bulong nito.


"K-kiss me, Saga.." bago ako huminga ng malalim.


Maingat nitong hinawakan ang baba ko bago itapat sakanya at agad na inilapat ang labi sa mga labi ko.

Ngunit hindi kagaya nung dati ay nakalapat lang ito. Walang gumagalaw. Nakalapat lang talaga.


"I'm inlove you, honey..." huling kataga nito.


--------------------x  

Kiss me, Saga!Where stories live. Discover now