PART 3
Santi (POV)
"Tara na!" anyaya ni Isagani habang papalabas ako ng classroom.
"Lubayan mo nga ako, Saga!" mataray kong ani
"Ayoko."
"Pwede ba!" asik ko ng hawakan nito ang palapulsuhan ko.
"Sabi ng joke lang yung sinabi ko nun eh! Kulit mo! Tsaka, manyak ka! Talagang tinotoo mo!" galit kong wika.
Nakita ko ang bahagya nitong pag-ngisi bago kagatin ang ibabang labi!
Ay, tangina!
"Pwede ba! Tigilan mo na ako! Sorry na!" asik ko na parang maluluha na. Jusmiyo ka Isagani!
"Na-ah. Sama ako." nakangsing pang-aasar niya
"Heh! Kakain ako!" pagsusungit ko bago siya pamaywangan
Itong si Isagani dalawang araw na tong ganito! Parang tanga. Hinihintay ako tuwing lunch kahit hindi ko naman sinasabi!
"Libre kita,"
Agad ko itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Mukha tumpak. Sobrang gwapo. Mukhang anime ang mukha. Perpektong jawline, ilong at malaman ang labi. Pati kilay sobrang kapal! Maputi pa!
Ang kaso...medyo luma ang uniform pati slacks at luma ang sapatos.
Mataray ko itong nilingon, pinagtaasan ng kilay. "Sure ka?"
Nakita ko ang pag-iwas nito ng tingin kasabay ng pagdila sa ilalim ng pisnge na siyang nakagawiian na niya.
Agad akong natamaan ng kung ano ng makita ang dumaloy na hiya sa mata nito at lungkot na bumalatay sa mukha
Shit ka, Santi! Bakit ba walang preno ang bibig mo!
Batid ko naman na scholar lamang itong si Isagani. Napag-alaman ko rin na galing pa itong sa probinsya.
Ngunit kahit ganun ay marami paring nagkakagusto sakanya.
Nakatayo ito sa harapan ko, kapansin-pansin ang magulo nitong buhok at pagkabukas ng tatlong butunes ng polo na nagpalakas sa kanyang dating.
Nakadagdag pa ang natural na mugto ng mga mata nito na hindi nakakasawang titigan!
Hindi nakakaligtas saakin ang pasimpleng hagikhikan ng mga taong nadadaanan siya.
"Sorry.." biglang sinabi nito na nagpalaglag sa panga ko lalo na ng talikuran ako nito.
"S-saga.." bigong sambit ko kaya't napatigil ito sa paglalakad
"I'll treat you tomorrow...i promise." maawtoridad na sambit nito na nagpalakas ng tibok ng puso ko.
Fvck, Saga!
Nanghihina akong nakatitig sa magandang hubog nitong katawan habang naglalakad papalayo saakin.
Agad nalang akong napapikit bago lumabas ng gate upang hintayin ang driver ko.
-------------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...