Chapter 10
Santi (POV)
"Bumibilis ang pagtibok ng puso ko, honey..." parang nahihirapang bulong ni Saga!Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Diko maigalaw pati ang paa ko. Basta nakakapit lang ng mahigpit ang kamay ko sa polo nito. Pati ang paghinga ko ay bahagyang tumigil ng ilang segundo.
"S-saga.." kandautal kong tawag sa pangalan nito."Hmm?" masuyong aniya.
Napapikit ako habang paulit-ulit na naglalaro ang tinig nito sa aking utak. Na parang isang sirang plaka.Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa suyo ng tono ng pananalita nito.
"G-gutom na ako.." pikit matang sabi ko dahil wala akong makalap na salitang pwedeng sabihin dito.
Bahagya itong humalakhak gamit ang baritonong boses.
"Sabi na eh.." aniya bago hawakan ang kamay ko papunta sa caf.
Batid ko ang tinginan saamin ng mga tao habang papasok sa cafeteria. Paano ba naman kasi, agaw pansin ang paghawak ni Saga sa kamay ko habang ang isang kamay nito ay nakapamulsa at kung maglakad ay parang kanya ang eskwelahan! Jusko, Isagani!
"Upo ka muna rito. Puntahan ko lang si Aleng Esing.." tukoy nito sa taga-benta rito sa caf na siyang umutos kay Isagani rati."Sige.." sagot ko nalang kaya't nilapag na nito ang kanyang bag bago nagdiretso sa counter.
Nakita ko kong paano sila nagngitian na dalawa. Bahagya ring tumingin saakin ang matanda habang nagsasalita na siyang nagpamula sa tenga ni Isagani.
Nagtataka man ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ito bago kunin ang ipad at earphone ko.
Inilibot ko ang mga mata sa buong caf habang nakikinig ng musics ng mamataan ko si Saga na papalapit na sa table namin dala ang isang tray.Kaagad kong tinanggal ang earphone sa tainga bago balingan ang laman ng tray.
Isang sukat ng kanin at kaldereta tsaka isang grape juice.
Ngumiti ito saakin bago umupo at ilapag sa tapat ko ang mga binili nito na siyang nagpakunot sa noo ko."B-bakit isang order lang?" tanong ngunit nginitian lamang ako nito bago hawakan ang palapulsuhan ko at ilagay ang kutsara sa kamay ko.
Tulala ko paring pinagmamasdan ang bawat galaw ni Saga.
"D-di ka kakain?" hindi ko alam ngunit kabado ang tono na lumabas sa boses ko."I'm still full. Eat now, Santi.." nakangiting aniya na siyang nagpasikip sa dibdib ko bago bumaling sa order nito.
"Dali na para hindi ka malipasan," masiglang aniya na siyang lalong nagpabigat sa dibdib ko.Sa totoo lang ay may pera naman ako rito! I can afford to buy these kind of foods! Ngunit ayoko lang manliit si Saga sa sarili niya.
Kahit gutom na ay pinagkrus ko ang braso sa tapat ng dibdib bago tignan ng masama si Isagani.
"Busog na ako.." mataray na sambit ko. Kailangan kong gamitin sakanya ang katarayan ko kahit sa totoo lang ay sakanya lang ako tumutiklop.Nakita ko kung paano kumunot ang noo nito.
"Ano? A-akala-----" pinutol ko na ang sasabihin nito sa pamamagitan ng pagkuha ng bag at tumayo."Busog na ako, tara na!" anyaya ko rito bago hawakan ang palapulsuhan niya
Kinagat ko ang labi dahil sa nagbabadyang luha! Damn it, Santi!
Pakiramdam ko ay nanginginig ako hindi dahil sa gutom kundi dahil sa takot..Takot sa mga iniisip ko ngayon. 'Really, Santi? Mas mabuti pang magutom kaying dalawa kesa lang siya?' tanong ko sa sarili.
Hindi kaya....mahal ko na si Isagani?
Posible ba 'yon?
Posible bang mahulog sa isang taong sandali mo lang nakilala?Ipinikit ko ang mga mata kaya malayang nahulog ang mga pinipigilan kong luha.
Hawak parin ang kamay ni Saga ng mapahawak ako sa naninikip na dibdib.
Ayokong ipakita ang luha sakanya ngunit siya na mismo ang humila sa kamay ko paharap sakanya kaya't agad na nagsalubong ang namimilog nitong mga mata sa namumugto kong mata!
"Santi.." aniya ng bigla kng itago ang mukha sa dibdib nito dahil sa hiya.
"Honey...anong problema?" masuyong tanong nito bago himasin ang likod ko."Alis na tayo rito.." mahinang bulong ko.
"A-alright.." parang nag-aalinlangang pahayag nito.
Pinunasan ko muna ang luha bago maglakad kasama ni Isagani.Nang nakalabas na ay meron paring nga napapatingin saami lalo na nung tumapat saakin ang nakakunot noong si Isagani bago iipit sa likod ang tainga ko ang takas na buhok.
"Where do you wanna go?" tumingin ito sa relong pambisig, "vacant niyo ng one hour diba?" aniya bago dilaan ang ilalim ng pisngi.
"Rooftop tayo.." nakalabing sambit ko na nagpakibot sa labi nito."Sige.." aniya
Nang makarating kami sa rooftop ay agad naming naramdaman ang simoy ng hangin na siyang nagpapalipad sa buhok at palda ko.
Bahagya ring hinahangin ang polo nito na hindi naka butones.
Pareho kaming nakatingin sa baba kung saan kita ang elementary department. Tanaw ang nga batang nasisitakbuhan at naglalaro sa playground. Napangiti ako ng mapait.Mga larong hindi ko naranasan...
Napailing ako.
Napakagat labi pa ako ng maramdaman ko nanaman ang anghang sa sikmura dahil sa gutom."May chocolates at waffles ako. Gusto mo?" tanong ko kay Saga.
Bahagya lang itong tumango bago ilagay ang bag sa semento at umupo.
Habang ako naman ay nanatili lang na nakatayo habang sinusuri ang semento na medyo may buhangin.
Narinig ko ang bahagyang paghalakhak ni Isagani bago walang pasabing tinaggal ang polo sabay lapag sa tabi.
Namilog ang mata ko lalo na ng tapikin nito iyon. "Tabi tayo.." aniya na siyang nagpabilis sa pintig ng puso ko!
Hinawakan nito ang kamay ko kaya't wala na akong nagawa.Agad ko nalang inilabas ang mga chocolates na hindi naibigay ni She kanina sa classmates namin para kainin namin ni Saga.
"Sabi na eh....gutom ka," may multo ng ngiti sa labi nito ng makita kong paano ko buksan ang malaking waffles at kagatin kaya namula ako!
Damn, Santi!
--------------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...