Chapter 5:
Santi (POV)
"Kanina kapa tanong ng tanong She ha! Pag ako nabwesit bibigwasan kita ng three times!" inis na na wika ko.
"Ene be nemen keshe! Bakit mo sinabing halikan ulit?! hinalikan kaba niya?!" over acting na tanong ni She dahil nagwa-walling pa ito dito sa loob ng classroom. Wala ang prof kaya hayahay ang buhay.
"Oo nga! Ang kulit mo!" inis na turan ko bago ipukos ang paningin sa binabasang libro.
Mahilig talaga akong magbasa ng libro gaya ngayon feeling ko kasi ng talino ko everytime na nagbabasa ako. Atsaka iyong mga binabasa ko ay kapupulutan talaga ng aral dahil------
"Tae naman Santi! Ayos lang sakin kung dictionary basahin mo pero Fifty shades of gray?!" sabay hablot sa libro ko.
Sabi ko nga.
Inirapan ko na lamang ito bago hawakan ang magkabilang balikat.
Nakita ko ang pag-ngiwi nito.
"Wag maarte bes. Imported na toblerone kinain ko.." sambit ko.
Agad akong binatukan nito.
"Aray" daing ko.
"Bwesit ka! Di namigay?!" nakalabing aniya.
"Pag imported akin lang, tanga." pagtataray ko.
"Oo na! Knows ko na! Tara na sa caf!" bago walang pasabing hilain ako.
"Bwesit ka She! Wag mong hawakan kamay ko! Imported na lotion ginamit ko!" suway ko rito.
"Oh edi ikaw na imported! Baka nga pati ikaw nilagay pa sa kahon at pina-LBC simula nung lumipat ka rito sa U.S!" pagtataray nito.
"Bwesit ka."
Nang makapunta sa caf ay agad akong umupo bago inibot ang paningin. Mukhang may kulang eh.
Wala yata si Isagani ngayon?
Baka wala ng mailibre. Tss. Isang linggo naring panay ang libre saakin. Sinabi pang manliligaw ko siya!
Manliligaw? Soft drinks tas biscuit? Mugo-mugo tas burger lang mung first day?
Baka sa susunod na niyang candy nalang ang maibigay nun saakin?
Tss.
"Huy! Babaeng imported! Tara na at pumila ng makabili na! Gutom na zoo ko!" nagmamadaling pagyaya ni She.
"Oo na! Oo na!" pagsuko ko bago tamad ba tumayo. Bahagya kong pinasadahan ang buhol gamit ang daliri bago tumayo.
Inilibot ko ng paningin sa buong caf. Halong lahat may kanya-kanyang mundo.
May kumakain habang nag-uusap. Naka-upo lang habang nagkwekwentuhan. Kumakain habang magtatawanan at magsusubuan. Ew.
Iniwas ko nalang ang tingin dun sa dalawang magkasintahan.
"Ang sweet ni Kuya Zero kay Miss Pres!" biglang bulong ni She saakin patukoy sa lalaking pilit na sinusubuan ang nagtataray na babae.
Infairness ang hot nung guys. Ganda rin ni Ate.
"Putangina ka Zero! pag yang kutsara nalunok ko gagawin kung mangkok yang etits mo!" agad akong napangiwi sa isinigaw nung babae.
"Wag naman sweetheart! Baka di tayo magkaroon ng mini Zero at Aira!" nakangising sabi nung lalake
Naku! Line ng ma fukboi!
Hinayaan ko na lamang ang mga iyon bago pumila kasama si She.
Iginagala ko parin ang mata lalo na sa glassdoor at umaasang makita siya.
Tangina. Wala na yatang baon yung dahil skkin kaya di napasok!
Tss. Ang layo niya sa mga dati kung manliligaw. Araw-araw may imported na chocolates. Tss.
Umirap ako sa kawalan bago umabante since tapos na sa pag-order si She.
"Anong order mo, neng?" tanong nung matandang tindera.
"Large fries tas Mugo-Mugo." order ko.
Pinagkrus ko muna ang braso sa tapat ng dibdib bago bumaling sa glassdoor habang hinihintay ang order ko.
Tanginang Saga yun ah. Ganun talaga manligaw? Walang effort?
Napakunot noo ako ng marinig ang mahinang hagikhikan ng mga nakapila.
Hindi rin nakaligtas saakin ang bulungan ng iba.
"Ang gwapo talaga! Sayang nga lang at mahirap."
"Siya talaga yung matatawag mong almost perfect!"
"Heto oh," biglang sabi nung Ale kaya agad akong napabaling sa counter.
Pagtingin sa counter ay agad napaawang ang bibig ko sa nakita. Ramdam na ramdam ko ang pamimilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas ng pintig nito at ramdam ko angmamimigat ng paghinga ko.
Halos itago ko ang mukha ng napabaling sa gawi ko ang pawis na mukha nito.
Nagtama ang namimilog nitong mata sa namimilog ko ring mata.
Napakagat ako ng labi ng agad itong napatungo na parang nahihiya bago kunin ang mga maruruming plato.
"Hugasan mo nalang yan, iho tapos kumuha kana ng pagkain na gusto mo." bilin ng matanda na nagpasikip sa dibdib ko
Hindi ko alam pero nahihirapan akong huminga dahil sa natuklasan.
Habang nagfa-flashback saakin ang nahihiyang pagiwas ni Isagani sa mga tingin ko. Sa pawisan nitong uniporme at mukha. Lalo na sa sinabi ng matanda.
Bahagya pa akong natulala kung hindi lang ako kinalabit ng ibang nakapila sa likod ay tiyak na nakatayo parin ako doon.
Bumalik ako ng lamesa namin ni She na nanghihina...hindi ko narin maintindihan ang pagtatalak saakin ni She.
Nakahawak lang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng pintig nito. Hindi dahil sa kilig....kundi dahil sa sakit.
Saga, bakit? Naiinis ako sa sarili ko. Nahihiya ako sa iniisip ko. Nahihiya ako dahil minamaliit ko ang mga efforts mo para lang ligawan ang katulad ko.
-------------------------x
![](https://img.wattpad.com/cover/102613417-288-k419278.jpg)
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...