Chapter 21
Santi (POV)
Magkahawak kamay kami ni Saga na nagpaalam kina Mommy at Daddy.
"Bye, Mom, Dad." hinalikan ko sila sa pisngi.
"Bye po, Tita, Tito." humalik si Mommy kay Saga habang nakangiting tinanguan lamang siya ni Daddy.
"Take care, babies!" matinis ang boses ni Mommy na nagpatawa kay Daddy kaya't napalo ito sa braso.Napapangiti ako habang umiiling.
Nang makaalis ang sasakyan nila ay sakto namang nagmessage na si She.
Sheila:Nasa mall na kami, bes. Pero lilibot muna kami no Martin! Hintayin niyo nalang kami sa Starbucks.
Napalabi ako bago ipalibot ang kamay sa braso ni Isagani at isandal ang ulo sa braso nito. Hanggang balikat niya lamang ako.
Agad kong naramdaman ang paghalik nito sa may sentido ko na nagpangiti saakin.
"What did she say?" tukoy nito sa text ni She."Hintayin nalang daw natin sila sa Starbucks. Let's go?" hinarap ko ito.
Bahagyang namula ang mukha nito bago nag-iwas ng tingin. Sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Naramdaman ko rin ang pag iinit ng pisngi ko.
"Jeep tayo?" tanong nito bago dilaan ang ilalim ng pisngi.
"Sure!" masayang sambit ko.
Akbay ako ni Isagani ng maglakad kami papunta sa jeep stop.
Batid ko ang pasimpleng pagsulyap saamin ng aming mga nadadaanan. May narinig pa akong impit na tili kanina.
Napalabi ako ng pasadahan ang suot ni Isagani. Nasa sweat shirt ito na kulay abo. Itinaas ang sleeve hanggang siko. Naka faded jeans na pinaresan ng itim na Vans shoes.
Nakakainis dahil medyo hapit sa seksi niyang katawan iyong kulay abong sweat shirt! Expose pa ang kamay nitong halata ang litid. Pinapasadahan pa nito minsan ang mushroom cut niyang buhok pataas ngunit may bumabagsak paring kaunting hibla sa noo nito na juskong mahabagin! Nakakaakit tignan!
May narinig ulit akong impit na tili kaya't agad na naningkit ang mata ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi. Hindi ko rin namalayan na kinukurot ko na pala ang matigas na tagiliran ni Isagani!
Bahagya itong napaaray kaya't nakalabi ko itong binalingan.
"Why did you pinch me?" natatawang tanong ni Saga.
"Wala.." umiwas ako ng tingin. Ayokong mahalata nito na nangangalaiti ang kaloob looban ko dahil sa lantaran na pagkabighani nila kay Isagani!
"You jealous?" tumikhim ito. Seryoso ako nitong tinitigan.
Tinignan ko ito ng masama.
"I'm not!" nautal pa ako. Fuck, Santi!
"Okay." parang natatawang sambit nito.
Nang nakarating na kami sa may jeep stop ay halos sumabog na ako sa galit!
May mangilan ngilan kasi rito ay halatang estudyante pa lamang.May magbabarkada pa kaedaran yata namin doon sa may bandang dulo na pasilip silip sa kinaruruonan namin!
Nangunot ang noo ko. Kagat labing hinigpitan ang kapit kay Saga.Halos mapasinghap pa ako- kasama ang mga saksi sa ginawa ni Isaganing paghapit sa baywang ko at paghalik saaking ulo!
Yung magbabarkada ay hindi na nakatiis! Tumili na ang mga ito ng malakas!
Namula ang aking mukha. Kumalabog ng sobrang lakas ang aking puso! Pakiramdam ko'y malulusaw ang aking tuhod dahil sa panghihina ng bumulong ito saaking tainga!"You're jealous. Don't worry, honey. Sayo lang ako. I'm all yours." bago dampian ng halik ang punong tainga ko!
"Ang gwapo ni Kuya!"
"Ang hot niya!"
"Taken na bes!""Best couple! Perfect!"
Gusto kong lapitan yung huling nagsalita at yakapin ng mahigpit!
Nang may tumigil ng jeep ay lumakas ang bulungan.
"Di muna ako sasakay! Para makatabi ko si Kuya!"
"Ako rin!"
Napailing nalang ako.
Akmang maglalakad na kami papasok ng jeep ngunit bumulong muna ako kay Saga, "Ang gwapo kasi ng boyfriend ko. Ang daming nagkakagusto kaya kailangang bantayang mabuti." tumaas ang isang sulok ng aking labi kasabay ng aking kilay."Doon ka sa pinakadulo. Katapat si Lolo para ako ang makatabi nila. Mahirap na." inirapan ko ito na nagpalaglag sa panga niya!
"Teritoryo kita kaya shut up kana lang." dugtong ko pa.
Masunurin naman ito at sinunod ang bilin ko. Good boy.
-----------------------X
HELLO SA MGA READERS NITO! ISINAMA KO PO ITO SA ISANG WRITING CONTEST. PAKIVOTE NAMAN ANG ENTRY 54 AT 55. ITO PO ANG LINK. SALAMAT PO!
NASA COMMENT BOX PO ANG LINK! :)
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...