Chapter 17
Santi (POV)"Let's watch a movies! Come on, guys!" biglang sigaw ni Mommy ng makababa ako galing kwarto upang magbihis ng pajamas dahil yun rin ang sinabi saakin ni Saga upang hindi raw ako lamigin dahil sa ikli ng suot.
Nang makababa ay agad akong binalingan ni Mommy bago kindatan na nagpangiti saakin.
Namataan ko rin si Isagani na naka-upo na sa maluwag na sofa kadugtong ng kay Daddy.
Ilang oras na rin dito si Saga. Hindi makaalis dahil kay Mommy.
Napangiti ako ng mapasadahan ang suot nito. Naka-plain shirt iyo sa ilalim ng longsleeve checkered at fit pero kupas na pantalon. Tinanggal na rin nito ang kanyang dark blue na convers shoes dahil naka-indian seat ito sa malaking sofa katulad ni Daddy. Pareho rin silang may hawak na rootbeer in can.Nag-uusap ang mga ito at parang nag-aasaran na naghatid ng saya sa puso ko.
"Hey, baby. Samahan mo akong kunin ang ibang pagkain sa kusina." nakangiti si Mommy. Tinanguan ko ito bago sumunod. Nang makitang nakahanda na ang pop corns at junk foods pati drinks ay agad kong ipinusod ang buhok in a messy way bago buhatin ang mga ito.
Dala ang bowl ng popcorn at junk foods ng mapalingon saakin si Saga at agad na tumayo para kunin ang iba kong dala. Ganun rin si Daddy ng makita si Mommy.
"Mukhang may pinagmahan itong si Saga, Santi!" natatawang sambit ni Mommy na nagpatawa saamin.
Bahagya pang pinasadahan ni Isagani ang suot ko bago itong umiling habang nakangiti.
Napakagat labi ako. Naka pink pajama lang ako at maluwag na nike tshirt na white at suot ang mabalahibo kong sleeper.
Nang maka-upo na si Dad ay agad siyang tinabihan ni Mommy. Napangiti pa ako ng agad na niyakap ni Dad si Mom mula sa likuran bago iplay ang naka pause na video.
Maya maya lang ay umupo na rin si Saga. Sumandal ito sa headboard bago abutin ang braso ko ay paupuin sa gitna ng hita niya!
Nakahiga ang isang paa nito habang yung isa ay nakatukod upang pagsandalan ko ng siko.
Hinawakan din nito ang braso ko at ilapat ang palad sa batok ko upang isandal sa medyo malapad nitong dibdib.
Parang kinikiliti ang tiyan ko nang ipulupot nito ang kanang kamay sa baywang habang yung kaliwa ay itinukod sa headboard ang siko habang hawak ang rootbeer.
Nakangiti ako, nakatuon ang mga mata sa flatscreen. Sa sulok ng mga mata ay kita ko kung paano kami pagbulungan nila Mommy at Daddy habang nakangiti.
Napapikit ako nang amuyin ni Saga ang buhok ko hago haplusin ang tagiliran ko na nagpataas sa balahibo ko!
Bahagya kong tinahilid ang mukha upang tignan siya. Sakto rin na nakatagilid ang kanya kaya't bumunggo ang ilong ko sa ilong nito.
Ngumiti ito ng matamis bago ipahid ang ilong sa ilong ko.
Sa huli ay hinalikan nito ang tip ng ilong at noo ko bago.haplusin ulit ang tagiliran ko at bumulong, "I love you, honey...thank you so much.." masuyo at puno ng lambing na sambit nito.
"I love you too, Isagani.." bago siya pinatakan ng halik sa labi.
----------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...