Chapter 13
Santi (POV)
Nakaupo lang ako rito ng may lumabas na babae sa isang kwarto katabi ng pinasukan ni Saga.Kunot noo akong tinitigan nito. Akmang babatiin ko ito ng bigla niya akong pinanlisikan ng mata!
"Hoy! Sino ka?!" sigaw nito na nagpagulat saakin."A-ako po-" hindi ko natuloy ang sasabihin ng ituro ako nito!
"Alis!" sigaw nito.
Akmang tatayo na ako dahil sa gulat nang biglang lumabas si Saga at bago pa ako maiyak sa takot ay ikinulong na ako nito sa mga bisig niya.
"Inang! Ano ba?!" bulyaw ni Isagani sa matanda."Sino pa iyan, Isagani?!" sigaw ng babae kaya't lalo kong hinigpitan ang kapit sa damit ni Saga bago mas lalong idiin ang mukha sa dibdib nito.
Imbes na sagutin nito ang matanda ay hinimas lang nito ang likuran ko, "damn, honey. Ayos kalang? Shh.." pag-aalo niya ng marinig nito ang hikbi ko.
Hanggag ngayon ay tumataas parin ang balahibo ko dahil sa takot. Nasa isip ko parin ang panlilisik ng mata ng babae saalin at kung paano ako nito sigawan.
Sobra akong natakot....ngayon lang ako nasigawan ng ganun...
"Tahan na, honey...I'm sorry.." patuloy ni Saga.Narinig ko ang malutong na mura ng matanda.
"Putangina, Isagani! Sino ba iyan?! Kasintahan mo?! Nakuha mo pang makipagrelasyon eh wala ka na ngang naibibigay saaking pera?!" bulyaw ng matanda kay Saga.
Narinig ko ang footstep nito palapit saamin. Kumislot ako kaya agad akong iniilag ni Isagani. Narinig ko kung paano nito paluin si Saga sa balikat at braso kaya't impit akong napahikbi. Dinig na dinig ko kung paano tumama ang mga hampas nito kay Saga.Nakapikit si Saga habang dinadama ang mga palong natatanggap sa Ina. Napaadaing pa ito ng mahina dahil sa ginagawa ng ina.
Walang patid ang pag-agos ng aking luha habang nakatitig sa pawisan at nkangiwing si Saga.
Puno ng luha ang aking mata ng nagmulat ito.Tinignan ako nito at parang nanghihingi ng tawad bago pahiran ang luha ko gamit ang hinlalaki nito.
"You're safe...don't worry.." aniya ng nakangiti bago ulit napangiwi ng isang palo nanaman ang ipinukol sakanya na lalong nagpaluha saakin.Agad na sumikbol ang galit sa aking dibdib! Gusto kong pigilan ang sarili dahil pagbaliktarin man ang mundo ay nanay parin ito ni Saga.....nanay parin ito ng lalaking mahal ko....
Umalis ako sa bisig ni Saga na siyang nagpagulat sakanya.
"Santi!" aniya ng balingan ko ang nanay niya.
Anong use ng pagiging palaban ko sa ibang tao kung sariling mahal ko eh hahayaan kong maganito?!
Ipinikit ko ng mariin ang mata. Pati ito diko maimahe. Di ko lubos maisip na ganito ang nararanasan ni Saga pag-uwi galing eskwelahan. Nagtratrabaho na nga siya doon.
"Tama na!" matapang kung sabi bago haawakan ang kamay ng matanda.
Nanlilisik ang mga mata nito saakin. Nakaramdam ako ng kaba ngunit isinantabi ko muna.Akmang sasampalin ako nito ng pigilan ito ni Saga.
"Ano ba?!" protesta nito habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Saga.Nakita ko kung paano manlisik ang mata ni Saga sa nanay niya bago bumaling saakin.
Nakita ko kung paano mag-iba ang ekspresyon nito ng makita ako. Mula sa nanlilisik na mga mata ay naging maamo ito na parang tupa bago balingan ulit ang ina.
"Wag na wag niyong idadapo ni daliri niyo sakanya..." malamig at puno ng awtoridad na sambit ni Saga.
Ni ako ay napako sa kinatatayuan dahil sa lamig ng pananalita nito.
Naramdaman ko rin kung paano tumaas ang balahibo sa batok hanggang sa braso ko.
"I-isagani.." kanda-utal na sambit ng nanay ni Saga. Hindi ito makapaniwalang bumaling saakin at kay Isagani, "Kinakaya mo na ako ng d-dahil lang sa babaeng iyan?" sabay duro saakin.Bahagya akong kinilabutan ng tinignan ako nito ng masakit.
"Inang! Ano ba?!" sigaw ni Isagani bago tabigin ang kamay nitong nakaturo saakin, "Wag na wag niyong ituturo si Santi!" sigaw nito sa ina bago sabunutan ang sariling buhok bago ako balingan.Puno ng sakit at pagod ang mata nito. Bahagyang nanikip ang dibdib ko dahil sa eksena.
Nang makita ako nito ay pilit siyang ngumiti ngunit nagmukhang hilaw lang ito.
Lumapit siya saakin bago hawakan ang palapulsuhan ko.
"Aalis na tayo.." aniya at siya na mismo ang bumuhat sa bag ko.
Malapit na kami sa may pintuan ng sumigaw ang mama nito.
"Bumalik ka Isagani! Hindi mo pa ako binibigyan ng pera pambayad utang!" aniya na nagpamura ng mahina kay Saga.
Binalingan ako nito, "pasensya na kay Inang...ganun lang talaga siya simula nung iniwan kami ni itay.." paumanhin nito bago nag-iwas ng tingin.
Nangunguna siya sa paglalakad habang hawak ng mahigpit ang kamay ko.Pinasadahan ko ang likod nito.
Nakasuot lamang siya ng gray tshirt at itim na jersy short at medyo gulo ang buhok. Naka-tsinyelas lang din.Basa rin ang puting batok nito dahil sa pawis. Kahit nakatalikod lang ay kita parin kung gaano ito kagandang lalaki!
God is so unfair! How could this man be like this?! So beautiful...
Napakagat ako sa pangibabang labi ng maramdaman ko ang pamimilis ng tibok ng puso!
Damn, Santi! Nakuha mo pang pagpantasyahan si Saga sa lagay na ito?!----------------------x
HEEEEEY! BWAHHAHHAAHA! GANDA N
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Roman pour AdolescentsNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...