Part 16

197 19 0
                                    

Chapter 16


Santi (POV)


"Asaan kana?" kinagat ko ang pangibabang labi habang tinitignan ang aking repleksyon sa salamin.


Naglalagay ako ng lipbalm ng marinig ko ang boses ni Isagani kausap ang driver.


"Kasasakay palang ng motor, honey.." narinig ko ang mahinang tawa nito na nagpainit sa mukha ko.


"Uhmm...Ingat ka.." nahihiyang sambit ko.


"Alright. I love you.." mahinang bulong nito na nagpainit ng sobra sa pisngi ko. May narinig pa akong impit na tili sa kabilang linya! Jusko, Isagani.

"I...I love you too.." bago ko patayin agad ang tawag dahil sa hiya!


Ngayon na ang araw na ipapakilala ko si Isagani kila Mommy at Daddy.

Medyo kinakabahan ako ngunit mas nangingibabaw ang aking pagkasabik!


Siguradong matatanggap nila Mommy si Isagani dahil bukod sa mabait ito ay natalino pa!


Maya maya lang ay narinig ko na rin ang doorbell sa labas ng gate.

Sumilip ako sa aking bintana. Nakita ko si Isagani na siyang kinakausap ni yaya.

Dali dali nitong pinapasok si Isagani ng lumabas si Mommy.

Maya maya lang ay pumasok na sila ng bahay.

Tumingin muna ako sa salamin bago bumaba.


I'm wearing a dark blue dress at sandals. Nakalugay lang din ang mahaba kong buhok.


Pagbaba ay agad kong namataan si Mommy at Isagani na nag-uusap habang nakangiti.

Napapakamot pa sa batok si Isagani na nagpabilis sa tibok ng puso ko!


Nang mamataan ako nito ay agad ding bumaling saakin si Mommy!


"Oh my God, Santi! He looks so handsome!" matinis ang boses ni Mommy na nagpamula kay Isagani.


Akmang lalapit na ako sakanila ng marinig ko ang pagtikhim ni Daddy na nagpakaba saakin.

"Dad.." sambit ko. Tinapunan ako nito ng tingin bago bumaling kay Isagani na palapit sakanya at agafd na kinamayan si Daddy.


"Goodevening, Sir. Ako po si Saga.." pakilala nito sa sarili na tinanguan lang ni Daddy kaya't napakagat labi ako bago lumapit kay Saga.


"Naku! Doon na tayo sa dining area at kumain na!" sambit ni Mommy.


"Sige po, Ma'am.." magalang na sabi ni Isagani na nagpakunot sa noo ni Mommy.


"No iho! Just call me Tita!" masayang sambit ni Mommy bago ako kindatan na nagpatungo saakin habang nakangiti, "Tito na rin saakin, iho!" bilang sambit ni Daddy na nagpatawa saamin.

Parang may humaplos sa puso ko ng makita kung paano humanga si Saga sa pamilya ko.


Nang hawakan ko ang kamay nito ay napabaling ito saakin.


"Thank you.." bulong nito na ginantihan ko ng ngiti.


"Tabi nalang kayo jan!" masayang turan ni Mommy.


Maya maya lang ay nagumpisa na kaming kumakain.


Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si Daddy.


"Anong grade kana, iho?"


"Grade 12 po." magalang na sagot ni Isagani na nagpatango kay Daddy.


"Anonh course mo?" tanong naman ni Mommy.


"Engineering po." nakangiting sagot ni Isagani.


"Wow." manghang sambit ni Mommy.


Kung ano ano ang kanilang pinag-uuspan. Minsan ay isinasama ako.


"By the way.." si Mommy, "Alam mo bang hindi sasama saamin si Santi dahil sayo?" parang kinikilig na taning nito na nagpamula sa mukha ko!

"Mom!" suway ko na nagpatawa kila Daddy.


"Hayy. Ngayon lang yan hindi sasama. Favor naman Saga?" parang may binabalak si Mommy na nagpakunot sa noo ko.


"Ano ho yun?" parang kinakabahang tanong ni Saga.


Nagkatinginan muna sila ni Daddy.


"Pakibantayan naman si Santi ngayong bakasyon. Kahit araw-araw ka rito ay ayos lang. Maari ba?" namilog ang mga mata ko sa narinig! Akala ko ay ipapapilit nila kay Saga na sumama ako.


Narinig ko ang pagpapakawala ni Saga ng hangin na parang napanatag. Yun din kaya ang iniisip niya.


Napakagat labi ako.


"Sure, Tito," bumaling ito ay Daddy, "Tita.." bumaling ito kay Mommy bago saakin.


"I will take care of her...Besides, she's my queen after all.." bago hawakan ang kamay ko kaya't naitakip ko ang isang palad sa mukha na nag-ani ng tawanan sa hapag!


----------------x  

Kiss me, Saga!Where stories live. Discover now