Chapter 19
Santi (POV)
"Alis na po ako, Tita, Tito." binesohan ni Mommy si Saga. Tinanguan din ito ng nakangiting si Daddy."Hatid mo na sa labas, Santi. Bye, iho! Balik ka rito, ha!?" masayang mungkahi ni Mommy. Napangiti ako, ganoon din si Isagani.
"Opo, Tita. Thank you po." sagot ni Saga bago kami lumabas ng bahay.
Nang nasa tapat na ng gate ay agad kong hinawakan ang kamay nito na agad naman niyang hinigpitan.
Nang makalabas kami ng gate ay agad itong humarap saakin bago hawakan din ang isa ko pang kamay at matagal na hinalikan ang noo ko. Nakangiti ko namang iniyakap ang braso sa baywang nito habang nakalapat parin ang labi nito sa noo ko.
Malakas ang pintig ng aking puso dahil sa sayang nararamdaman.
Maya maya lang ay ikinulong din ako nito sa mga bisig niya at agad na bumulong sa tainga ko.
"Thank you so much, Santi." huminga ito ng malalim. Napapikit ako habang dinadama ang yakap niya. "Your parent are so amazing..." napangiti ako bago tumango habang nasa dibdib nito ang pisnge ko. "You're pretty amazing too, honey." iniangat nito ang baba ko kaya't agad na nagtama ang paningin namin.Parang may kung anong lumilipad sa ilalim ng tiyan ko noong dilaan nito ang ilalim ng pisnge habang namumula.." I love your outfit." kinagat nito ang pang-ibabang labi bago mag-iwas ng tingin.
Damn it.
Namumula ko naman itinago ang nag-iinit sa mukha sa dibdib niya. Bahagya itong yumugyog gawa ng kanyang halakhak.
Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko na nakapajama lang ako at tshirt!
"Nakakainis ka!" nakalabing sigaw ko bago paluin ang dibdib niya. Ang tigas. Lalo kong isinubsob ang mukha sa dibdib niya kaya't agad nitiong ipinulupot ang braso sa batok ko bago amuyin ang buhok ko.
Napangiti ako noong bahagyang gulamaw ito na parang isinasayaw ako. Para akong bata na pinapatulog niya.
Napapikit tuloy ako.Hindi magkamayaw ang sayang nararamdaman ko. Parang gustong sumabog ng puso ko dahil sa nararamdaman.
Nasa ilalim ng buwan kasama ang lalaking pinakamamahal ko. Ako na siguro ang pibakamasaya at pinakamaswerteng babae sa gabing ito.
"I love you so much, Santi. Sobrang mahal kita." humalakhak ito. "Mahal na mahal kita.." bahagyang humina ang boses nito, "I love you to the moon and back, honey.." halos pabulong nang sambit nito na nagpatigil ng tibok sa puso ko.Namuo ang luha sa mga mata ko. Napahalakhak nanaman ito ng mahinang suminghot ako.
Napakaswerte ko sayo, Saga. Hindi ko alam kung anong mabuting nagawa ko para ibigay ka saakin.
Pinilit kung ngumiti at may luha ang mga mata nang lingunin ko siya.
Nginitian ako nito bago ilapat ang ilong sa ilong ko.
"Don't cry.." namamaos ang boses nito.
"Mas mahal kita.." nakangiti kong sagot bago sakupin ang dalawang pisnge nito at halikan siya ng mariin sa labi.
--------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...