Chapter 5:
Santi (POV)
"Huy, Santi! Tinatawag ka ni Ma'am!" biglang tawag saakin ng kaibigan kong si Sheila.
"H-ha?!" namimilog ang mga matang tanong ko dahil sa kaba.
Naku! Terror pa naman itong teacher namin sa subject na 'to!
Sa gulat ay agad akong napatayo! Bakit kasi hindi ako nakikinig? Bwesit kasi yung Isagani'ng yun! Laging natakbo sa isipan ko! Chos.
"Yes, ma'am? C-can you repeat the q-question?" kabadong tanong ko sa nagsusulat sa whiteboard na si ma'am Modelo.
Agad akong napakunot noo ng marinig ko ang pigil na hagikhikan ng aking mga kaklase pati narin si Sheila na napapalo ba sa arm chair niya.
'Tangina! Mali ba grammar ko?'- sa isip ko.
Nalukban ako ng kaba ng taas ang kilay na pumihit paharap saakin si Ma'am.
"What are you saying?" taas ang isang sulok na labing tanong nito.
"Your q-question ma'am. C-can you repeat it?" agad akong napa-cross finger ng hawiin nito ang buhok bago dahan-dahang lumapit saakin.
"Miss Aquino. May hindi ba ako alam na tinanong sayo?" puno ng sarkastimong tanong nito.
Kaagad naman akong nagtaka bago makita sa sulok ng mata ko si Sheila na nagpipigil ng tawa.
Ang dakilang gaga! Niloko nanaman ako?!
"Ma'am. W-wala po. Charchar lang yun. He-he." alanganing sambit ko.
"Since natanong mo naman yan. Ikaw nalang ang magrereport bukas. Class dismiss." bago ako talikuran
Shutangina! Bakit lahat ng sinasabi kong biro tino-totoo!
Nakahiga ako rito sa study shed since kaunti lang ang estudyante rito dahil class hour pa.
"Hoy, lokaret! Bat ka nanaman nakahiga sa lamesa?! Baka mahigaan mo yung laptop ko! Ano ba!" biglang sigaw ni Sheila na kadarating lang at may hawak na coke in can.
"Una sa lahat, lagi na akong nahiga rito as in palagi. Pangalawa wag kang feeler! Wala kang laptop gaga!" pagtataray ko bago ipikit ang mata.
Mahangin kasi dito sa study shed. Napapalibutan ng mga puno kaya sa twing vacant dito ako nahiga lagi.
Nakapikit ang mga mata habang sumusubo ng maning imported ng paluin ng marahan ni Sheila ang paa ko.
"S-santi.." mahinang tawag nito.
"Tangina ka Sheila! Wala akong tulog kagabi kaya wag kang ano jan, baka maano kita ng ano!" asik ko habang napikit parin.
"Bes!" tawag ulit nito bago kurutin ng mahina ang paa ko.
"Bwesit ka Sheila! Kung gusto mo ng mani bumili ka nalang! Saakin to!" badtrip kong wika ng tawagin ulit ako nito at ngayon pinalo na ng malakas ang legs ko.
"Aish! Wala kang laptop na nahigaan ko kaya pwede-------Isagani?!" gulat kong utas ng mamataan si Isagani na kunot-noong nakatingin saakin.
Nakita ko rin si Sheila na namumula ngayon. Palibhasa nakakita ng pogi.
"Oh, kelangan mo?!" kunot noo kung tanong kay Isagani.
Napapalo ako kay Sheila ng kurutin nito ang leeg ko ng makalapit siya bago bumulong saakin.
"Hoy gaga! Yummy to. Wag mong tarayan. Absent lang ako kahapon may na encounter kanang pogi?!" magkadikit ang mga ngiping bulong nito.
Inirapan ko siya bago bumaling kay Saga.
Nagtama ang natural na mamugtong mata nito sa mata ko.
"Hoy, Isagani! Kung balak mo nanamang halikan este alukin na ilibre-------" hindi ko natapos ang sasabihin ng matakpan ang mata ko ng kung ano na naging dahilan para hindi ko siya makita.
"Tangina Sag------"
"Here." biglang sambit nito bago iwagayway ang isang supot ng burger at mugo-mugo na nagpabilog sa mga mata ko.
"S-saga.." utal na sambit ko ng maramdaman ang pamimilis ng pintig ng puso ko.
"Yan na yung pangako ko. Simula ngayon liligawan na kita." aniya bago ako talikuran ng nakatulala nanaman sa magandang hubog na likod niya.
Hindi ko na ininda ang paghampas saakin ni Sheila dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa burger at mugo-mugo na ibinigay ni Saga.
---------------------------x
Feedbacks only! Add me here on facebook para updated kayo kung may UD na o wala
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...