Chapter 14
Santi (POV)
"Sorry kanina.." nakatungong paumanhin ni Isagani ng nasa may paradahan na kami ng motor papunta sa bayan.
"Ayos lang. Atsaka, hindi mo na ako kailangang ihatid sa bayan!" kunot noong turan ko rito.
Nabigla naman ako nang bigla akong akbayan nito. Dalawa palang kaming nasa loob ng motor at kailangan pa raw na tatlo ang pasahero bago lumuwas ang motor.
"Kailangan. Baka kung mapano ka." magkasalubong ang kilay nito.
Bumaling siya sa labas kaya't malaya ko siyang natitigan.
Malaking tao si Isagani kaya't kung hindi ako aakbayan nito ay baka hindi kami magkasya rito!
Malakas ang tibok ng puso ko habang pinapasadahan ang mukha nito. Nagmamalaki rin ang matangos nitong ilong at kahit naka side view ay halata parin kung gaano kalalim ang mga mata nito na nasa baba lang ng makakapal ngunit perpekto nitong kilay.
Bumaba ang tingin ko sa leeg nito ng makita kong namumula ito.
Kumunot agad ang noo ko!
Nabigla pa ito ng hawakan ko iyon! Tinignan ko hanggang sa batok! Namumula rin iyon at may bakat ng kamay.What the hell!?
"A-aray.." daing niya bago ilayo ng bahagya ang ulo.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib! "Patingin.." matigas kung sabi.
Bahagya ako nitong tinitigan bago hawakan ang pulso ko."Ayos lang yan." nakangiting aniya na lalong nagpasikip sa dibdib ko!
"Kailan kapa sinasaktan ng nanay mo?" parang may nakabara sa lalamunan ko na naging dahilan para mag-init ang gilid ng mga mata ko!
I....I just can't imagine na may mga ganung magulang....namulat ako sa isang masaya at buong pamilya.
Hindi kami pinapalo ni Daddy o ni Monmy! Pati nga sigawan birhira lang!
Naramdaman ko nanaman ang pamamasa ng pisngi ko dahil sa luha na nagpataranta kay Isagani."H-hey...I'm sorry.." aniya bago pahiran ang luha ko gamit ang hinlalaki nito na lalo lang nagpa-iyak saakin.
Narandaman ko ang paglapat ng malaking palad ni Isagani sa batok ko bago niya isandal ang noo ko sa leeg nito.
"Shh..sorry, honey." mabibigat ang paghinangang paumanhin nito.
Hinawakan ko ang mahigpit ang damit nito."Ayaw kong masaktan ka.." parang batang sumbong ko sa gitna ng aking paghikbi.
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya't kinurot ko ito na siyang nagpadaing sakanya bago hinalikan ang noo ko.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Dad ng halikan ko ito sa pisngi.
"May pununtahan lang po ako.." ngumiti ako ng pilit bago halikan ni Mommy na kabababa lang ng hagdan.
"Hey, baby. Kakauwi mo lang?" nginitian ako nito bago bumaling kay Daddy.
"Yes, Mom. I'll just go upstairs to change my clothes!" paalam ko sakanila bago umakyat papunta sa kwarto.
Kakatapos ko lang kumain at magtoothbrush.
Humiga na ako sa kama. Kanina pa ako paikot-ikot ng higa ng maalala ko ang nangyari kanina.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin maatim na ganoon ang nadadatnan ni Saga pagkagaling sa eskweka.
I....I just can't imagine. Masakit sa dibdib.
Hindi sana siya ang nag-eeffort ng sobra saaming dalawa kahit siya ang lalake.
I want to make some efforts too. Yung tipong hindi niya maiisip na may problema siya. Gusto kong may use din ako as his girlfiend.And besides...mahal ko siya. Mahal ko si Isagani.
Ipinikit ko ang mga mata. Pinakiramdaman ko ang puso ko. Kasabay ng mukha ni Saga....sobrang lakas ng tibok nito.
Hindi pala imposibleng mahulog agad sa isang tao? Masyado yatang mabilis. Masyadong mabilis yung tipong pakiramdam ko ay malulunod ako hangga't sa hindi na makaahon dahil sobrang lalim na.
Napahawak ako sa aking dibdib at pinilit na matamaan ng antok ngunit hindi ko talaga magawa.
Akmang itetext ko na si Saga nang biglang mag-ring ang phone ko.
Ayan nanaman ang nagkakarera kong puso nang makitang si Isagani.ang tumatawag.
Kagat ang labing sinagot ko ito bago itapat sa tainga ko.
Buntong hininga ni Saga ang bumungad saakin.
Napatingin ako sa wallclock ko na siyang naririnig ko lang bukod sa paghinga namin ni Saga.
9:56pm na. Kadalasan ay alas otso ako natutulog.
"Honey..." paos ang boses nito.
Ipinikit ko ang mga mata, "hmm?"
"Bakit gising kapa?" malambing na tanong nito.
Napakagat ako sa labi, "Hindi ako.makatulog.." pag-amin ko bago yakapin ang aking unan at bahagyang isiniksik ang mukha ruon.
"Ako din...miss na agad kita.." narinig ko ang mahinang pagtawa nito na nagpakabog ng sobra sa dibdib ko!
Oh, fuck you, heart! Calm the shit down!
"Kantahan mo 'ko.." pagwawala ko sa usapan dahil sa lakas ng tibok ng puso.
Narinig ko ulit ang umaandar na kamay ng relo habang hinihintay na magsalita si Isagani.
Kinagat ko pang-ibabang labi at akmang papalitan ulit ang usapan nang naiwan ang bibig kong nakaawang.
"Girl, It's been a long, long time comin'" bahagyang sumikip ang dibdib ko sa paos ngunit malamig nitong boses."But I, I know it's been worth the wait..yeah." Patuloy nito na nagpapikit saakin ng mariin.
"Yeah. It feels like springtime in winter. It feels like Christmas in June.." sa klase ng pagkanta niya ay nahahalata mong dinadama niyay talaga ang bawat salita. Yung tipong.nadadala ka niya.
"It feels like heaven has opened up it's gate for me and you..And everytime I close my eyes. I thank the lord that I've got you.." Narinig ko ang paghina ng boses nito bago bahagyang tumukhim.Napangiti ako ng marinig ang pag singhot nito.
"And you've got me too.." tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa emosyong naririnig ko kay Saga.
"Sleep tight, honey. I...I love you.." natahimik ang kabilang linya pagkatapos niyang sabihin iyon."Mahal na kita, Isagani.." mas lalo kitang minahal.
------------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...