Part 2

395 30 0
                                    

PART 2


 Santi (POV)



"Ops!" sambit ko habang nakatakip ang notebook dito sa hallway at pilit na iniiwasan ang mga nadadaanan.

Namimilog ang mga matang nagmamasid ko habang paunti-unti ang ginagawang hakbang.

Tangina! Na-phobia yata ako sa ginawang panggagahasa ni Isagani sa labi ko! Jusmiyo!

Mabibigat ang hiningang itinapat sa ilong ang dulo ng notebook para makita ko ang dinadaanan bago itapat ulit sa mata ng masuring gumagala sa pupolasyon ng mga estudyante.

May nakita pa akong nagbubulungan at pigil na tumawang mga babae di kalaguyuan.

Aba't!

Napataas ang isang sulok ng labing nagtago ako sa isang beam ng may makitang grupo ng mga lalake at para ako ritong sundalo na nagmamasid sa isang target at kalaban na pwedeng umatake sa labi este saakin.

Nang makitang sala duon si Isagani ay agad kong itinakip ulit ang notebook sa buong mukha ko habang nakatungo kaya't yung sahig lang at sapatos ko ang nakikita ko.

Akmang hihinga na ako ng maluwag dahil medyo malapit na ako sa hagdan papunta sa secondfloor na mapatigil ako sa paglalakad at nangunot ang noo ng makita ang isang pares ng lumang sapatos katapat ng kinatatayuan ko.

Agad akong napangiwi.

"Kuya, alis jan! Nagmamadali ako" nanatiling nakatungo.

Imbes na sundin ako nito ay lalo pa itong inilapit ang sapatos na naging dahilan para magkadikit ang dulo ng luma nitong sapatos sa Stan Smith ko!

Ay, amp! Sino ito?

Salubong ang kilay ng magdesisyon akong ibaba ng dahan dahan ang notebook ko na nanlilisik ngayon para takutin ang lapastangang taong ito!

Ngunit kalahati palang ng mata ko ang hindi natakpan ay agad akong napasinghap ng malakas kasabay ng ibang sstudyante. Narinig ko ang pag-ngisi nito na naging dahilan ng pamimilis ng pagpintig ng puso ko.

Naninindig ang balahibong napapaatras ako ng lakad.

"H-he-he.." nangingiwing sambit ko at halos mapaupo na sa sahig habang nakatingin sa taong nakangisi na parang rapist sa kanto si Isagani. Mamumungay ang mga mata nito at natural ang pagiging messy ng buhok.

Bahagya pa itong sumipol na naging dahilan para mapalunok ako ng laway. Para akong kinakapusan ng hininga at parang gusto ng lumunok ng tubig kahit galing sa septic tank dahil sa sumasara sa lalamunan kom Chossy paba ako?

"Santi..." may kasamang halakhak na sambit nito sa pangalan ko na nagpantindig ng balahibo ko.

Ang sexy shet! Ay! Shit!

"W-wag kang lala-p-pit.." nanginginig na banta ko ng magumpisa itong magakad palapit sa kinaruruonan ko.

Napagisi lang ito habang dahan-dahang lumalapit saakin habing ako naman ay naglalakad lang paatras.

"Saga, wag kang lalapit.." sabay mwestra sa palad na parang pinipigilan siya sa paglapit ngunit napailing lamang ito!

"S-saga no s-swiping!" panggagaya ko kay Dora.

Shit! Asan na ba si Boots?

"Na-ah.." palaro nitong dinilaan ang ilalim ng pisnge habang nakangisi.

Agad nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong umambang tatakbo kayat agad akong napatili bago ko maramdaman ang braso nito na yumayakap sa baywang ko kasabay ng pag-angat ng paa ko sa sahig!

"Waaaaah!" sigaw ko habang nate-teary aye na!

Karma na ba to ng kalandian ko?!

Nagsisigaw lang ako hanggang sa ibaba ako nito habang nakaakap parin galing likuran ko.

"Joke lang kahapon. Huhu!"

Akmang tatakas na ko ng umalingasaw ang mabangong amoy nito na nanuot sa ilong ko at naging dahilan para mapapikit ako.

Dama ko ang hininga nito sa likod ng tenga ko bago magsalita ito na siyang nagpapako sa kinatatayuan ko.

Pakiramdam ko rin ay tatalon palabas sa ribcage ko ang puso dahil sa lakas ng tibok nito!

"Wag mong sabihing joke lang yun. Dahil nung oras na sinabi mo ang mga katagang yun ay parang sinabi mo narin na saakin kana....at wala ka ng kawala."

--------------------------x  

Kiss me, Saga!Where stories live. Discover now