Chapter 9:
Santi (POV)
Prente lang akong naka-upo sa assigned chair ko. Kasalukuyan ding naka-upo lang si Ma'am habang naglalaptop.
Puro kwentuhan lang ang mga kaklase ko sa kadahilanang walang ginagawa.
Pinasadahan ko ang relong pambisig ng makitang ilang minuto nalang ay magla-lunch na.
"Bes! May dala kang Toblerone?" tanong saakin ni She.
Inirapan ko lamang ito bago inilabas ang isang toblerone ko.
Nanlalaki ang mga matang tinignan niya ito bago kunin.
Tinaas ko ang isang sulong ng labi dahil sa reaksyon niya. Kulang nalang ay kagatin niya pati ang kahon ng tsokolate ko.
"Huy, ikaw She! Wag na wag mong bibig-----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito.
"Guys! Laki ng toblerone ko! Gusto niyo?!" sigaw nito na nag-agaw ng atensyon ng mga kaklase namin at halos masubsob ang mukha sa kina-uupuan namin ni She kung makalapit ang mga ito.
Bwesit! Sakin yan! Imported eh!
Pasimple ko na lamang pinektusan si She ng sabihin nitong, "Pila-pila! Walang magtutulakan. Lahat makakatikim. Marami pa sa bag ni Santi.." na naging dahilan para madigawan ang mga kakalse kong plastic!
"Class!" natahimik ang lahat ng hampasin ni Ma'am ang sariling lamesa
"Buti nga sainyo.." bulong ko naman.
Akmang ngingisi na ako ng sabihin nitong, "Pahingi din ako Santi! Aherher." pabebeng sambit nito!
Naman oh!
Maya-maya lang ay nagsilabasan na ang aking mga kaklase pati si She ay lumabas na rin ng sundin siya ng boyfriend niyang si Cardo-este-Dalisay-i mean, Coco-joke! Si Martin!
See? Kung makalandi ang babaitang yun parang walang boyfriend!
Kinuha ko na lamang ang compact mirror ko sa bag bago ayusin yun buhok ko. Dinilaan ko muna ng kaunti ang labi para mas pumula ito.
Akmang aayusin ko ulit ang buhok ng may bigkang tumikhim sa likuran ko kaya't agad ko nabitawan ang compact mirror ko bago naitukod ang mga palad sa lamesa habang nakatingin sakanya.
"Ano kaba!" sigaw ko bago hawakan ang dibdib tsaka pinulot ang compact mirror kong nagkaruon ang crack sa gitna!
"I'm sorry.." sambit ni Saga bago dilaan ang ilalim ng pisnge
Inirapan ko lamang ito bago itago ang compact mirror sa bag ko
Akmang isasara ko na ang bag ko ng hawakan ni Isagani ang tagiliran ko bago bumulong.
"Dimo na kailangan yan. Maganda kana..." aniya bago halikan ang buhok ko na siyang nagpalakas sa tibok ng puso ko!
Shit!
"H-hindi ako n-nagpapaganda n-no!" kandautal kong tanggi.
Dinilaan ulit nito ang ilalim ng pisnge na siyang nagpasexy sakanya sa paningin ko!
Jusko po!
"Shall we go?" akmang kukunin na nito ang kamay ko ng biglang magsalita si Ma'am Nere na nandito rin pala sa loob!
"Mr. Ramos.." tawag nito kay Saga.
"Ma'am.." magalang namang sagot ni Saga.
"Paki-lagay naman ito sa table ko dun sa faculty room.." utos nito kay Saga na siyang nagpakunot saakin!
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...