Chapter 18
Santi (POV)Kumakain lang ako ng popcorn habang nakatutok ang mga mata sa tv. Si Saga naman ay paminsan-minsang iniinom ang rootbeer katulad ni Daddy.
Bahagya akong napatawa noong sumayaw-sayaw yung babae sa palabas habang ipinapakita ang mga suot na damit duon sa lalaki.
Natawa rin si sila Mommy pati ni Saga. "Hey..." masuyong suway ko kay Isagani nang amuyun nito ang buhok ko bago halikan ng mariin."Hmm?" malambing na tanong nito bago mahinang tatawa.
Napa-aray ito noong kinurot ko ang kanyang brasong nakapulupot sa baywang ko.
Nasa ganun kaming posisyon nong bumaling saamin si Mommy. Napatingin pa ito sa braso ni Saga bago ngumiti ng nakakaloka.
Akmang susuwayin ko na ito nong bumaling ito kay Isagani.
"Nga pala, iho? Taga saan ka?" tanong ni Mommy. Bumaling rin si Daddy ssaamin.
"Mangaldan po, Tita. Sa Alitaya," tukoy nito sa baranggay nila.
"Kamusta naman ang Mama mo?" nakangiti paring tanong ni Mommy. Agad akong napabaling kay Saga nang umiwas ito ng tingin at biglang nawala ang ngiti.
Gusto kong patigilan sa pagtanong si Mommy ngunit natatakot ako na baka mas lalong magtaka ang mga ito.
"Ayos lang naman po.." magalang na sagot ni Saga.
"That's good. Eh ang Papa mo?" tanong naman ni Daddy.Napatikhim ako bago pasimpleng hinawakan ang kamay ni Saga at himasin.
Nginitian ko ito. "Wala na po ang Papa ko..patay na po.." nakita ko ang gulat sa mga mata ni Mommy at Daddy. Parang napapahiyang tumungo si Mommy. Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib kaya't pinagsalikop ko ang daliri namin.Bumaling saakin si Saga bago pilit na ngumiti, "We're sorry to hear that.." mahinang paummanhin ni Mommy.
"It's fine, Tita. Matagal na rin po iyon.." nakangiti na si Isagani.
Akmang babaling na kami sa pinapanuod nang magtanong nanaman si Mommy!"Ano palang trabaho nang Mama po?" nakangiting tanong ni Mommy na nagpapikit saakin.
Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Saga sa kamay ko. Imbes na luwagan ko rin ang pagkakahawak ay kas lalo ko itong hinigpitan bago halikan.
Ramadam ko sa likod kung paano huminga ng malalim si Isagani.
"Wala po.." kita ko sa sulok ng mata kung paano tumungo si Isagani.
"Hmm...sinong naghahanap buhay sainyo?" napaharap si Mommy kay Daddy.
"Ako po." mabilis na sagot ni Saga bago ngitian sila Mommy. Nakita ko kung paano bumaling saakin si Mommy at parang nag-aalala kay Isagani.
"Well...." biglang tumikhim si Daddy. Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat ni Saga. Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Kinakabahan din ako sa sasabihin ni Daddy.
Akmang magsasalita na ako nang tapikin ni Daddy ang balikat ni Isagani.
"I like you for my daughter." kinindatan ako ni Daddy kaya't agad kong tinanggal ang braso ni Saga at agad na yumakap kay Mommy at Daddy.
I am so lucky to have them as my parents!-------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Teen FictionNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...