Chapter 12
Santi (POV)
"Diyan kana sa loob," nakangiting turan ni Saga habang itinuturo ang loob ng motor kung saan may isang babae ang nakasakay.
Napangiwi naman ako. Kasiya ba kami diyan?
Binalingan ko si Saga, "S-saan ka?"
"Dun oh," turo nito sa tabi ni manong driver.
Seryoso nga?
"T-tabi nalang tayo.." alanganin kong sabi.Napangiti namn ito bago kinamot ang ulo.
"Maiinitan ka," katwiran niya.
Napatingin ako sa mini skirt ko. Debale naka long socks naman ako.
"Please.." paki-usap ko kaya't wala ng nagawa ito.
Totoo nga ang sinabi ni Saga. Ramdam ko ngayon ang init ba tumatama sa legs ko.
Hindi ko rin alam kong saan ako kakapit. Itataas ko pa ang kamay para lang humawak sa handle na hinahawakan din ni Saga.Napapagitnaan ako ni Manong at ni Isagani.
Muntik na akong napatili ng biglang pumreno ang driver!
What the fuck?!"Manong. Wag niyong biglain. Baka mapano girlfriend ko," malamig na bilin ni Isagani bago hawakan ang braso ko at ikulong ako sa bisig nito.
"Hawak ka sa braso ko.." bulong nito na siyang nagpalakas ng tibok nang puso ko.
Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Saga. Ramdam ko ang tigas nito na siyang nagpamula sa pisnge ko.
Grade 11 palang kami pero kung ikukumpara sa iba si Isagani ay mas malaki at firm ang katawan nito!
Imbes na isipin ang kamay ni Isagani na nakapulupot saakin ay mas pinili ko nalang na ipanatili ang mata sa daan.Wala na kami sa highway. Puro na rin bahay at bukid ang nadadaanan namin. Bayan kasi ang saamin habang sina Saga ay baranggay na.
Napatingin ako sa nilagpasan naming boundary.'WELCOME TO ALITAYA'
Medyo malayo ang kila Isagani. San Jacinto pa kasi ako.
Habang nakatitig pa sa nakapaskil na baranggay nila ay hindi ko namalayan na nakatitig pala si Isagani saakin! At talagang ang lapit ng mukha nito saakin. Tumatama nga sa pisnge ko ang hininga nito!Nabigla nalang ako nung ilapat nito ang labi sa pisngi ko!
Tinampal ko ito ng mahina na siyang ikinahalakhak niya."Manong, para.." sambit ni Saga.
Timulungan akong makababa nito.Nakatayo lang ako sa tabi niya nang dukutin nito ang barya sa bulsa
Nagbigay ito ng benteng barya, "dalawa kami.." aniya.Nang makaalis na ang motor ay inilibot ko ang paningin. Karamihan sa nakikita ko ay puno ng mga manga at tanim ng mga palay.
Iilan palang din ang bahay."Tara," ani Saga bago hawakan ang kamay ko.
Mula sa kinatatayuan namin ay natanaw ko ang mga batang tumatalon ng makita si Isagani
"Kuya Saga! Kuya Saga!" masayang turan ng isang cute na bata."Pareng Kiro!" masayang salubong ni Saga habang nakahawak parin sa kamay ko.
Pinagmasdan ko kung paano itap ni Saga ang ulo nito.
"Andiyan na si Inang!" sabi ng bata.
Nawala ang ngiti sa labi ni Isagani baho bumaling saakin.
"Sige. Una na kami ni Ate Santi mo ha? Lalaro tayo mamaya," ngiti ni Saga bago higpitan ang hawak sa kamay ko.
Nangdiretso kami ng lakad hanggang sa huminto si Isagani sa isang simpleng bahay. Semento ito ngunit hindi pa napipinturahan. Pati ang pinto ay kawayan lamang.
Napakagat ako ng labi dahil sa paninikip ng dibdib.Halos hindi ko lubos maisip na may mga ganitong bahay na kayang tirahan ng mga tao.
Ang ang taong iyon ay ang lalakeng may hawak ng kamay ko ngayon.
"Tara?" pilit ang ngiting anyaya nito saakin.Nag-aalangan pa ako kung tatanggalin ko ang suot na sapatos o ano dahil inalis ni Isagani ang kanya.
Akmang hahawakan ko na ang black shoes ko ng magsalita si Saga.
"Wag mo ng tanggalin ang sapatos mo.." aniya.
Nang makapasok kami ay agad ako nitong pinaupo sa isang mono block.
"Gusto mo ng tubig?" tanong nito saakin.
"W-wag na.." pilit ang ngiting tanggi ko.
Nakita ko kung paano ito umiwas ng tingin."Stay here...magbibihis lang ako," paalam nito na siyang tinanguan ko lang.
Ayokong ipakita sakanya na nanghihina ako ngayon. Ayokong ipakita sakanya na nasasaktan ako sa kaisipang ganitong buhay ang mayroon siya.Fuck, Santi! Paano mo nagawang maliitin ang mga efforts nito noon?
-----------------------x
YOU ARE READING
Kiss me, Saga!
Novela JuvenilNakukuha lahat ni Santi lahat ng gusto niya. Siya ang binansagang 'imported'. Ngunit paano nalang kung ang gustong makakuha sakanya ay si Isagani/Saga na isang 'mahirap' ngunit ubod naman ng 'yummy'? Story cover was made by: @AnonymousBlackStone ...