“Guard!”
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Geoff, “bahala ka nga! Hindi naman nila ako makikita, eh!”
Maya-maya lang ay may pumasok nang dalawang guwardiya doon. “Bakit po, sir?” tanong ng isa sa kanila.
“Ilabas niyo nga ang babaeng iyan!” itinuro ako ni Geoff.
Nilagay ko ang dalawang hinlalaki ko sa magkabilang sentido ko at nagsimulang mag-make face sa kanya. “Magpakapagod ka, sige lang.”
“Sir, sino pong babae?" naguluhan ang mga guwardiya kung sino ang ‘babaeng’ tinutukoy ni Geoff. Gaya ng sinabi ni Peter, iilan lang ang makakakita sa akin.
“Siya, siya!” nagkandahaba pa ang mga daliri niya sa pagtuturo sa direksyon ko, “hindi niyo ba siya nakikita?”
“S-Sir, wala po talaga,” sunud-sunod ang paglunok na ginawa ng mga guwardiya. Nakita ko pa ang lihim na pagsisikuhan nila, “hindi kaya may third eye po kayo, sir? At ang sinasabi niyong babae ay isang White Lady?”
“Pakisabi dito sa mga guwardiya mong hindi ako White Lady,” tumabi ako sa mga nahihintakutang mga guwardiya na naglikot ang mga mata sa paghahanap ng palatandaan na may ‘White Lady’ nga sa loob ng opisina ni Geoff, “gusto mong makita na nagsasabi ako ng totoo sa iyo? Na hindi nila ako nakikita?” tanong ko kay Geoff. Tatawa-tawang nagsimula akong sumayaw paikot sa mga guwardiya, “teach me how to douggie, teach me teach me how to douggie, teach me how to douggie, teach me teach me how to douggie---“
“Oo na! Tama na!” napabuga ng hangin si Geoff. “Just stop dancing!”
“Sir? Ano po ‘yun, sir?”
“Ah, wala. Sabi ko, umalis na kayo, sorry.”
Kakamut-kamot na umalis ang mga guwardiyang tinawag ni Geoff. Kahit naman siguro ako kung nasa katayuan nila ako ay mapapakamot talaga ako.
“What do you need? Oh, please tell me and be gone!” naupo na ulit siya sa swivel chair niya habang minamasahe ang noo niya. Nakapikit pa siya.
Huminga muna ako ng malalim, “kailangan ko ng tulong mo, bro, kailangan ko ng dahilan---“
“Jessie, nakalimutan kong sabihin sa iyo na hindi mo dapat sabihin sa kanya ng diretso ang misyon mo, bigyan mo lang siya ng clues,” boses 'yun ng magaling na si Peter. Parang tumatagos lang sa kisame.
“What?” pinitik ni Geoff ang mga daliri niya sa harapan ko nang hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.
“Ha? Ano, basta magsama na muna tayo hanggang hindi ko pa nagagawa ang misyon ko. Iyan na lang muna ang masasabi ko sa ngayon,” napakamot ako sa likod ng ulo ko.
“What?!” dumagundong na naman ang boses niya, “ni hindi nga kita kilala!”
“Relax, kalma. Kaluluwa lang ako, hindi ako bingi,” huminga ako ng malalim, “ako si ‘Jessie.’ Hayan, alam mo na ang pangalan ko, ha? Hindi naman ako habangbuhay na mangungulit sa iyo. Ngayon lang naman kasi talagang kailangan.”
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago iyon pinunit ng napakatinis na tinig.
“Tito G!” may nagbukas ng pintuan at isang batang babae ang pumasok.
Nakita kong awtomatikong ngumiti si Geoff nang makita ang bata, “hi, Eunice, where's yaya?”
“Outside, hmm,” nilagay ng bata ang hintuturo niya sa ilalim ng labi niya at inilibot ang paningin sa loob ng opisina bago napako ng tuluyan sa akin ang tingin niya. Ang ganda-gandang bata. Kahit alam kong hindi niya ako nakikita ay ikinaway ko pa rin ang kamay ko. Nagulat na lang ako nang gumanti din siya ng kaway. “Hello po. Visitor ka po ni Tito G?” tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Give Me a Reason to Live
Fantasy☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan niyang gawin iyon bago ang unang patak ng ulan sa taong iyon. Ang unang taong makakakita sa kanya ang dapat magbigay sa...