[GMARTL15]

2.6K 89 33
                                    

[GMARTL15]

Jessie's POV

5:00 am kami nagbyahe ni Geoff, ako pa nga naging alarm clock nya kasi di na naman sana sya magigising.

"Hanu va yan! Hinay hinay naman!"

Napapreno kasi si Geoff, ano na naman bang drama to? Eto na naman ba yung moment na sasabihin ni Geoff yung linyang "ang ganda ng view noh?"

"Wait here."

Talagang maghihintay lang ako dun...

Nakita kong yumukod sya sa harap ng kotse...ano na naman bang drama ng gwapong si Geoff?Ilang sandal lang ay bumalik na sya... at may dalang tuta.

"Ano yan?"

"Ano pa kundi aso, tuta, aw aw..."

Ginawa pa ako tanga! "Alam kong tuta pero aanhin mo yan?"

"Gagawing Carousel ni Eunice, okay ba?"

Pilosopo talaga eh. "Tss."

"Nakita ko nga kanina, kawawa naman, so kukunin ko na lang... tutal asong kalye lang naman sya... ikaw nga na biglang sumulpot ay tinanggap ko, tong aso pa kaya na ako mismo nakakita?"

"Sana di na lang ako nagsalita."

Ngumisi sya, tinabi pa nya yung aso sa kin, kulay black yung aso... tuta pala, "anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ko.

Nagda-drive na si Geoff, "ikaw, anong gusto mo?"

"Since kulay black sya...hmmm..."

"Blacky?"

"Hindi! Whity! Yey! Sya na si whity! Hehe..." natuwa naman ako sa aso kahit papanu kasi tumahol sya, medyo pumiyok pa nga kasi di pa yata sya sanay tumahol.

"Tch. Nakita mo ng black ang kulay pero 'whity' ang pinangalan mo... haha."

"Magdrive ka na nga lang... ahy , pre! Umihi si whity! Wahaha! Hayan! Ang panghi na ng upuan!"

Natawa ako sa reaksyon niya, napangiwi kasi sya habang kumawag naman ang buntot ni Whity.

7 hours passed.....

(Fast forward na yun)

Nasa bahay na kami ni Geoff at nasa garden naman si Whity kung saan may maliit na doghouse.

"Saan mo balak pumunta ngayon?" Tanong sakin ni Geoff.

"Sa Ecklavou general hospital, alam mo ba dun?"

"Ha? Anong gagawin mo dun? Di ka naman naka-confine doon ah?"

"Ang dami pang tanong, dalhin mo na lang ako dun, please?" kelangan kong mabisita si Peter...wala lang, para asarin din sya na ampangit nya sa malapitan, wahaha!

Nagpunta na nga kami ni Geoff doon sa ospital na yun... "anong pangalan hahanapin ko?"

"Tanungin mo yung nasa room 123."

Pumunta kami sa nurse station, "good afternoon, sir," ngiting ngiti ang baklang nurse na nandoon, pero sa tingin ko naman, OJT pa lang sya doon..

"Sige lumandi ka lang, pag ako nabuhay, isusumbong kita sa teacher mo," sabi ko sa bading.

"Good afternoon... i'm here to visit the patient at room 123, kaibigan nya ako," tugon ni Geoff.

Ngumiti ng matamis yung bakla, "ah, si Mister Petriatico Macabangbang the fourth?"

Naubo pa kami pareho ni Geoff sa pangalan...tinatanggap ba sa simbahan ang ganung pangalan ng mga batang bibinyagan? AmbantoT!

"Ah... uhuh! Oo..." sagot ni Geoff sa gitna ng pag-ubo.

"Ah, andito na pala si Miss Natasha, sya na lang po kausapin nyo, sya po yung bantay ni---"

"Wag mo ng sabihin, okay na," pigil ni Geoff... baka ihitin na naman kami ng ubo.

Paglingon naming pareho sa Natasha na sinasabi ng nurse...

Laglag ang panga ko...

Yung Natasha sa Baguio at Natasha sa ospital ay iisa! Tss, pinatulan nya si Peter? "Habulin mo pre! Dali!"

"Ah, miss!" -si Geoff

"Yes?" Sagot nung si Natasha.

Lumapit kami, nasa harap na kami ng room 123 at hawak na ni Natasha yung seradura ng pinto, ICU room pala yun. "Sabihin mong kaibigan ka ni Peter."

"Kaibigan ako ni Peter..." pilt na sagot ni Geoff.

Ngumiti yung babae, "ah, ganun ba? Pasok kayo."

Pagpasok namin, di pa pala yun yung mismong kwarto...may isusuot ka pang parang hospital gown, at mask para makapasok sa isa pang kwarto... "sumunod ka na lang sa kanya." Tinutulak tulak ko pa si Geoff.

"Wala akong nababalitaang kaibigan nitong si Palits," wika ni Natasha nung nasa loob na kami ng kwarto... "sabagay, malihim naman talaga sya at di naman talaga kami magkaibigan noon pa."

Nakita ko si Peter dun...mas nakakaawa pa pala kalagayan nya sakin... "tanungin mo kung kaanu ano sya ni Peter at ilang buwan na silang nandito."

Tinanong naman ni Geoff yun.

"Five months na syang nandito... nung isang buwan ko lang nalaman na ganito kalagayan nya... he bumps his car near to death... ewan ko sa kanya...pero ako ata may kasalanan..." naiiyak na si Natasha... "sabi ng doctor, wala na daw... baka di na sya mabuhay eh... ako lang yung naniniwala... na kaya pa nya *sniffs*" hinaplos nya buhok ni Peter, "Peter... we'll have our baby in five months time... kaya gumising ka na jan at awayin uli ako!"

Oh my! "Hala ka , Geoff! Patahanin mo sya!"

"Ssshhh... tama na... ssshhh..." para namang sanggol ang pinapatahan netong si Geoff! Yinakap pa ni Geoff si Natasha...

Selos alert!

Hmp! Abat ?! tsansing na yan! "Tama na! Namimihasa ka na eh!"

"Okay, miss... okay ka na?"

Wi-nipe muna nya luha nya, "i'm sorry kung naging emosyonal ako... sorry..."

"It's okay..." sagot ni Geoff.

Lumabas na kami ng kwarto.

"Thank you sa pagdalaw, ha?"

Yun ang huling sinabi sa min ni Natasha. Tss. Pag nagkita uli kami ni Peter, ihahampas ko na talaga ang ulo nya sa great wall of china!

Napakawalang kwenta nya!Bat di pa sya bumalik sa katawan niya? May isang tao na nahihirapan para sa kanya...tss... Natasha really loves Peter kahit gaano pa kapanget ang pangalan nung damuhong iyon!

***

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon