[GMARTL7]
Jessie’s POV
12:03am na. Syempre, tulog na naman ang “halimaw” na kasama ko sa bahay.
Di ko talaga sya tinantanan kahapon. Inasar asar ko siya to the point na tinalikuran na nya ako at di na kinausap hanggang sa mga oras na yon.
-flashback-
"Wow, pre! Girlfriend mo na pala ako, bakit di ko alam yon?" Binuntutan ko pa yun ng tawa.
"Shut up, Jessie." Mariing banta nya sa kin. Pumasok na siya sa driver’s seat. Tumagos naman na ako sa kabilang pinto.
Pi-noke ko sya sa tagiliran pag-upo ko. "Sino ba yung Mitchie na yon, ha, at ganyan ka kasungit? Meh PMS ka noh?" Kunwari na lang di ko alam kung bakit sya asal-ampalaya ngayon.
"Cut it there."
"Ha? Anong puputulin ko? Nababaliw ka na ba?"
Nagdrive na lang sya at todo effort sya na di ako pansinin hanggang sa makauwi na kami.
Habang nagdi-dinner sya, nakatayo lang ako sa tabi nya at sinusundot sya sa braso, ”kwento ka naman kasi… sino ba yung Mitchie na yun?"
"Wala akong narinig," kain ulit.
"Kunwari ka pa, kwento na kasi!" Tinulak ko pa sya kaya muntik na syang makipaghalikan dun sa plato nya.
"Wala akong sasabihin."
"Ang damot damot mo naman! Ang sungit sungit mo pa! Tapos ang tanda tanda mo na kasi laging nakakunot yang noo mo!"
Tumayo sya at humarap sa akin. "Ang kulit kulit mo din! Tapos asal bata ka pa kahit na dapat ay grown up ka na umasta!"
Natameme ako dun ah, napaisip ako ng isasagot. "a-akala mo ang gwapo gwapo mo!"
"At ikaw, maganda? Ganun?" Humalukipkip pa sya.
Humalukipkip din ako. "Oo! Ang ganda ganda ko! Ikaw, maganda ka ba?! Hoy, hoy, hoy! Saan ka naman pupunta?! Hoy! Wag mo kong tatalikuran ha!"
"Magsi-CR ako, sasama ka ba?!"
BINABASA MO ANG
Give Me a Reason to Live
Fantasy☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan niyang gawin iyon bago ang unang patak ng ulan sa taong iyon. Ang unang taong makakakita sa kanya ang dapat magbigay sa...