Jessie's POV
Ikatlong araw sa lupa:
"Gising na, bosing! Gising, gising, gising, gising, gising!!" halos magsumigaw na ako sa tapat ng tenga ni Geoff, mukhang pagod na pagod talaga siya sa pag-aalaga---rather paghabol kay Eunice kahapon bago kinuha 'yung bata ng yaya niya kinahapunan. "Sus! Ang bingi-bingi naman! Hihintayin kita sa baba, ha? Ba-bye!" Bumaba na ako pero 'di talaga ako naghintay 'dun kasi pumasok ako sa library niya na noong isang araw ko pa gustong pasukin. "Wow, ganda ng library," inilibot ko ang paningin ko sa loob niyon.
"Eherm, nagpaalam ka ba?"
"Pakialamerong Peter talaga, oo. Paano ka naging anghel sa ugali mong 'yan? Tss. Pero infairness, ha, thanks for sponsoring my outfit today, sana bukas naman, eh, 'yung cocktail dress," naka-dress naman ako kaso plain na kulay pink na may ruffles pa sa ibaba, 'yung tipong ginagamit ng mga batang bibinyagan.
"Anong ginagawa mo diyan? Para namang may mahahawakan ka diyan, 'no?" sabi pa niya.
"'Pake mo? Ugh!Tumigil ka nga! Ano ba naman kasi 'to, 'di ko man lang maramdaman, nakakainis, ha!" pinasok ko 'yung kamay ko sa shelf ng libro. Tumatagos lang sa 'kin 'yung mga makakapal na encyclopedia at dictionary. "Ops. Teka," tumigil ako. "Peter, may naramdaman ako."
"Eh, pakialam ko sa 'yo?"
"Ulol! Meron talaga! 'Di ito joke, 'no?" mayroon talaga akong nararamdaman. Wow! Another bagay na pinahahalagahan ni Geoff! Or ni Eunice? Ay, kahit sino sa kanila! Suspense 'yung ginawa ko, mabagal na inilabas ko 'yung parang papel na ewan na nahawakan ko. Nakaipit kasi iyon sa isang libro. "Wow, Peter! Larawan, oh!"
"Ha? Saan? Patingin nga!" Chuweng! Nag-appear si Peter sa tabi ko.
"Teleporter ka rin? Astig ka, ha! Gusto ko rin ng powers na ganyan!"sabi ko na nakatingin sa kanya... Sa larawan sya nakatingin.
"Ganda ng babae ah... Seksi oh! Witwiw!"
Tinignan ko rin yung larawan... Si Geoff yun na may... Kaakbay na babae? Huh?
"Eennnggkk. Talo ka na, isang molecule ka lang kung ikokompara sa babaeng yan oh. Tch tch tch"
"Bugok... Hmp. Napakapakealamero mo talaga." Tinitigan ko ulit yung larawan, "sino ba tong babaeng to? Hmm?"
"Tignan mo, may note sa likod, ehem ehem... Ako na magbabasa para cool ang dating... Dear Geoff, happy 6th monthsary, honey. Hope we'll make it to our first anniversary. Love, Mitchie..."
Katahimikan...
Katahimikan ulit.
"Alis na ko! Babush!" Chuweng!
Binalik ko na yung larawan... Hmmm, pinahahalagahan ni Geoff yung larawan... Bakit naman kaya? Err. Nahahawa na rin ata ako kay Peter, nagiging pakialamera na rin ako. Bad bad bad... "Misyon muna bago landi... Misyon misyon misyon... "
"Hoy, babae! Anong ginagawa mo rito?"Whew! si Geoff oh! Sumilip sya sa pinto. "Sumagot ka naman! Tch. Putol na ata dila mo. Sumunod ka na lang sa kusina..."
Umalis na sya... Marahas na ipinalig ko ang ulo ko... Wah! Ano ba yang tumatakbo sa ulo ko! Eeh! Kaasar talaga! Sumunod na ko sa kanya sa kusina, kumakain sya ng instant cup noodles, oo nga pala, wala na si Marie.
BINABASA MO ANG
Give Me a Reason to Live
Fantasy☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan niyang gawin iyon bago ang unang patak ng ulan sa taong iyon. Ang unang taong makakakita sa kanya ang dapat magbigay sa...