[GMARTL14]

2.7K 91 16
                                    

[GMARTL14]

Jessies POV

Ganun pala yun? Tss! Kainis ha! Sa dinami rami ba naman ng pwede kong makita, yun pa! Eeh! Nakakainis talaga!

Pabagsak akong umupo sa sofa at itinukod ang isang kamay doon.

Chuweng! "At bakit busangot ang mukha ng beybe ko?"

"Oy Peter, nanjan ka pala," kunwari surprised akong makita siya. Isa pa kasi tong Peter na to, ang daming sikreto!

Ngumiti sya sa kin, "sama ka saken."

"Saan naman?"

Shwing! "Dito."

"Oy ABS-CBN! Anong gagawin natin dito? Ahy si kuya Kim oh! Oh my--- si Korina at si Kabayan!"

"Making ka kay Kuya Kim… shh!"

"At hayan nga po mga kapamilya, maulap ulap po ngayon sa metro Manila at pati na rin po sa ilang bahagi ng Luzon dala ng hanging Amihan. Isa po itong magandang balita sapagkat hindi na tayo maghihintay pa ng matagal para sa ulan, sampung araw na lang po at dadalaw na po ang pinakamamahal nating ulan… at yun ay unang mararanasan ng ating mga kababayan sa Luzon."

"And cut!" Shwing! Balik uli kami sa bahay ni Geoff sa Baguio. "Hehe. Anong say mo?"

Naningkit ang mga mata ko, "say ko? Say kong patayin kita bet mo?!" Isa lang kasi ang ibig sabihin ng malapit na pagpatak ng ulan…yun ay ang kukunti na lang ang panahon ko para sa misyon. "At kukunti na rin lang ang panahon ko para mabayaran ko yung utang ko kay Geoff! Uwaa, Peter! Tulungan mo ko!"

"Kaw talaga, mas inuna mo pa yung utang mo kay Geoff… tss… misyon muna kasi bago ka makipag-loving loving! Kung di ka lang siguro kaluluwa, baka hindi lang halik ginawa nyo ni---oh panu yan, alis na ko? Hehe."

Tinignan ko kasi ng matalim si Peter kaya di na nya tinuloy yung sasabihin nya.ang dumi talaga ng utak nya kahit kelan, "wag ka munang umalis."

"At bakit?"

"Saang ospital ka nakaconfine?" Heto na to!

"Uh? Wala!"

"Bakit ba? Para naman mabisita kita noh!" Ang daya talaga ng Peter na to, "di pa kasi sabihin!para namang gagahasain ko yung katawan mo noh! Speaking of gagahasain… pwede na rin…," evil grin.

Para namang nandiri si Peter sa sinabi ko kasi lumayo pa sya sakin. "Sira ka talaga kahit kalian!"

"Shavehen mo na kashi! Shege na, Fheter?"

"Tss! Ecklavou General Hospital, room 123, masaya ka na?"

"Oo! Mahahalikan pa kita!"

Chuweng! At sa hangin dumapo ang mahiwagang halik ko… "sayang, Peter! Kaw rin! Ikaw na sana second kiss ko! Wahaha!"

"Jessie!"

Mula yun sa kwarto ng malanding si Geoff, ano na naman ba kelangan ng lalakeng yun sa kin?? Tss. Umakyat ako sa kwarto nya… "o, bakit?" Di ako lumapit sa kama niya, baka kung ano pa ang makita kong “exhibition” na giniagawa nila ni Mitchie dun.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon