[GMARTL3]

3.3K 125 28
                                    

Jessie’s POV

“'Di ka ba 'pwedeng gumala muna sa labas nang hindi naman kami nagmumukhang baliw nitong pamangkin ko kapag kinakausap ka namin?” tanong ni Geoff sa akin. Nasa office na kami, gaya ng dating nangyari, pinagkaguluhan na naman ang magaling na lalake ng kanyang mga fans, businessman lang, eh, may admirers na.

“Saan naman ako pupunta? Eh, 'di ko nga maalala kung saan ako iniluwal ng nanay ko, eh! Sana bata ulit ako,” pinasadahan ko ng tingin ang walang kaproble-problemang si Eunice.

“Bata ka naman, isip-bata!”

Joke na ba yun? Ang corny niya, ha? Parang shunga lang.

“Sorry naman, 'ha? Matanda ka naman kasi mag-isip, eh! Nahihiya naman ako sa 'yo,” hinampas ko siya sa braso, hindi iyon pabiro, talagang nilakasan ko. Halos mapasubsob pa siya sa paperworks niya, buti nga sa kanya!

Tumalim na naman mata niya nung tumingin siya sa 'kin.

“Ah, makikipaglaro nga pala ako kay Eunice, nakalimutan ko, ba-bye!” nakakatakot pa naman siya kung makatitig.

“Hi, Tita Jessie! 'Wanna play dolls with me? They’re cute, eh?”

“Yes naman diyan,” pero 'di ko hinawakan, baka matakot 'yung bata kung makikita niyang tatagos lang sa akin 'yung manika niya.

“Bakit 'di mo hawakan? Ang mga bagay na importante sa taong nakakakita sa 'yo ay maaari mong mahawakan. Pasensya na kung late info, ba-bye!" nagulat ako nang pati pala sa 'kisame' ng opisina ni Geoff ay maaaring sumulpot si Peter. Namumuro na rin talaga siya, eh, masyadong late kung magbigay ng impormasyon!

Tri-ny ko hawakan yung doll ni Eunice habang nakalapag sa sahig.

Flashback:

“Wow, mama! Ang ganda ng manika! Akin ba 'to?” tanong ko kay mama habang tinitignan ang naka-kahong manika.

“Oo naman! Tig-isa kayo ng ate mo,” sagot ni mama sakin, tinignan ko si ate Mylene na nakaupo sa bangko sa labas ng kubo namin, ngiting-ngiti siya.

Hanggang gabi, 'yung manika pa rin ang nilalaro namin ni ate. Hinihintay naming dumating si papa galing sa trabaho, ipapakita namin 'yung biniling manika ni mama para sa amin.

“Ignacio!”

Napalabas kami ng bahay ni ate nang marinig ang sigaw ni mama, may dugo! Nakita naming duguan si papa! Lumapit kami. Umiiyak na si mama at ate pero ako, 'di ko maintindihan ang nangyayari, hawak-hawak ko pa rin ang manika na halos sinasakal ko na kasi 'yun ang pinagbubuntunan ko ng  tensyong nadarama ko.

Ilang araw na nakalilipas. Wala na si papa, sabi ni mama, binaril daw si papa... ano 'yung baril Lagi namang tulala si mama, nagtatrabaho lang siya sa buong maghapon at diretso ng matutulog sa gabi. Dati-rati, niyayakap niya ako sa pagtulog pero ngayon, si ate na lang ang tumatabi sa akin, kasama namin yung manika. 'Di ko binibitiwan.

Ilang taon pa ang nakalipas na ganun na lang ang nangyayari... graduate na si ate ng highschool at ako naman, second year pa lang. Naintindihan ko na 'yung nangyari kay papa 'nung bata kami. Na dahilan kung bakit bumigay na rin ang katawan ni mama. Iniwan na rin nya kami paglipas ng mga taon.

End of flashback.

“Tito! Tita Jessie is fainting! Something's wrong with her, tito!” nagising ako sa boses ni Eunice, agad kong binitiwan 'yung manika... isa palang masamang pangyayari sa buhay ko ang hatid ng mga manika.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon