[GMARTL9]

2.9K 106 15
                                    

[GMARTL9]

Jessies POV

Nakatagilid ako sa kama ni Geoff, nakatukod ang isang kamay ko sa malambot na unan at ipinatong doon ang ulo ko habang pinagmamasdan ang likod ni Geoff. "Sige na kasi, pre, payag na kasi," alam kong gising sya kasi 8 am na. ayaw lang nya akong kausapin, "minsan lang naman please?"

Poke dito…

Poke doon ang ginawa ko sa kanya.

Tapos yinugyog ko naman balikat nya.

"Ano ba, Jessie!?" Pumiksi sya at humarap sa kin.

Hinanda ko naman ang pagkasweet sweet kong ngiti. It’s now or never! "Punta na kasi tayo…birthday yun ni Eunice, iyong pagkacute cute mong pamangkin. Hehe. Sige na. Payag ka na di ba?"

"Alin ba sa salitang ‘hindi’ ang di mo maintindihan at ieexplain ko sayu?! Ang kulit ng pinaglihian sa yo!"

"Ang tigas naman ng ulo mo, eh. Bakit din ba di mo maintindihan na---"

"Na ano? Ha?"

"Na---" ano nga ba? Dapat mabait pala ako! "Na maganda ako! Hehe…. Sige na kasi!" Wala na akong masabi eh, baka kung sabayan ko yung init ng ulo nya, lalo syang di pumayag.

"Ahy ewan ko sayong babae ka." Tumayo na sya at lumabas ng kwarto.

"Saan naman pupunta yun?"

***

Geoffs POV

Ang kulit talaga ng babaeng iyon. Kaluluwa na nga, gusto pang makisali sa party. As if naman may makakakita sa kanya doon eh ako lang naman at si Eunice ang nakakakita sa kanya. Baka pag dumalo kami, pagmukhain pa nya akong tanga sa pakikipag-usap sa kanya.

Sabi ng ayaw ko eh. Isa pa, sinabi nyang ayaw ko daw intindihin na maganda sya eh wala naman akong sinabing ganun, sa katunayan nga, maganda sya--- ano bang iniisip ko? Hindi sya maganda, ahm, oo, maganda naman sya pero kahit na! makulit pa rin sya at napakaingay nya!

Tumayo na ako at lumabas. Narinig ko pang tinanong nya ang sarili nya ng “saan naman pupunta yon?” nadadamay na nga yata ako sa kabaliwan nya kasi pati ako ay di ko rin alam kung saan ako pupunta at kung bakit ako lumabas ng kwarto eh kwarto ko nga yun.

Tch. Ang gulo na ng buhay ko mula nung dumating sya.

Bumaba na lang ako sa kusina at nagtimpla ng paborito kong tsaa. Bumalik ako sa kwarto ko dala ang tsaa…..

Para lamang makita na nagta-trampoling na sa kama ko si Jessie.

Langya talaga. Ang lakas ng topak nya. ilang minuto lang ako nawala ay nakaisip na agad sya ng paraan para sirain ang kama ko.

"Jessie, get off my bed!"

"Jessie, get off blah blah blah…" gaya nya sa sinabi ko pero non-stop pa rin sya sa pagtalon talon, tumawa pa sya, "ngayon lang naman eh! Samahan mo ko! Wuhoo!"

Binaba ko ang tsaa ko sa bedside table at sumpa ako sa kama… hindi para samahan sya sa katangahang naisip nya kundi para pigilan sya sakalokohan nya.

Pero dahil magalaw yung kama, hindi ko nabalanse ang katawan ko… bago ako bumagsak, nahawakan ko pa yung kamay nya kaya pareho kaming lumagabog sa sahig..

***

Jessie’s POV

Tawa ako ng tawa pagbagsak namin ni Geoff sa sahig. "Pre, ano ba yan, hindi ba masyadong masagwa tong ayos natin? Ampanget ha, ako yung nakapatong sa yo!" Tama yun, ako nga yung nasa ibabaw ni Geoff.

"Umalis ka na nga! Ang sakit ng likod ko eh!"

Hayan, binulyawan na naman nya ako. "Eh kesa naman ako yung nadaganan  mo, para naman akong nabagsakan ng bakulaw nun! Hahaha!"

Umalis na ko sa pagkakapatong sa kanya. Medyo naaasiwa na rin kasi ako sa ayos namin. Parang ako pa yung nangrerape sa kanya.

"Tch! Imposible ka talagang babae ka! Di ka nga kumakain pero ang bigat mo naman!"

Iningusan ko sya. "Ewan ko sa yo. Slim pa nga ako eh, sexy oh, you see that?" Nagpose pose pa ako sa harap nya, umupo na kasi sya, "gandam di ba? Maiinggit sa alindog ko ang sino mang babae!"

Naglakad pa ko ng parang model.

"Ewan ko sa yo." Nagtungo sya sa cr.

"Gusto mo samahan kita , pre?”

O_______O

Haha. Ganyan kalaki mata nya. di ko naman tototohanin yun,  gusto ko lang syang biruin at makita ang reaksyon nya. humagalpak na  naman ako ng tawa. "Epal ka naman, pre, buksan mo na nga yang tv at manonood ako…" pwumesto na agad ako sa kama..

Nakasimangot naman syang sumunod sa sinabi ko... kahit kalian talaga di na sya natutung ngumiti sa kin.

"Pero punta tayo sa party ha? Ha? Ha?"

"Whatever," yun lang at pumunta na sya sa banyo.

After 666 years lumabas na sya, bagong paligo... macho naman nya... namamanyak ako! Shet! Nilulumot utak ko sa katawan nya!

"Dito ka lang, may pupuntahan ako, manood ka na lang."

"Ha? Sama ako, pre!"

"Dito ka lang sabi e."

Wala na kong nagawa nung umalis sya. San naman kaya lakad nya? Di naman sya naka-business suit? Hmm?

Bahala na nga lang sya sa buhay nya!

Tanghali...

"Eh bat wala pa yung lalakeng yun?"

talagang wala pa sya... nabo-bore na rin ako sa pinapanood ko... di ko nman mailipat lipat yun.... Hmm...

Makalabas nga muna...

***

Author: Ahyst… mag-iisip pa ko... haha.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon