[GMARTL17]

2.6K 86 16
                                    

[GMARTL17]

Jessie's POV          

Nagmukmok lang ako kahapon kasma si Whity… si Geoff kasi, bumisita sa office at 6pm na nakauwi.

Ngayong araw naman, may nahahagap akong unidentified vibes mula sa kung saan… di ko maexplain kasi UNIDENTIFIED nga eh.

Tulog pa si Geoff, 8:30 pa lang ng umaga eh.

Ding… dong… ding… dong…

"Uy! <eh tao,Whity!"

Ding… dong… ding… dong…

"Ano ba yan, Whity! Di makapaghintay eh!"

Ding… dong… ding… dong…

"Tara, gisingin na natin amo mo… may atat sa labas eh."

Patuloy pa rin sa pag-ding-dong yung nasa labas kung sino man iyon.

Patakbo naman akong umakyat sa hagdan…nung bubuksan ko na sana yung pinto… Bigla namang bumungad sakin yong nagmamay-ari ng most handsome face in planet Earth--- Jokes! --- si Geoff. "G-goodmorning! He-he. May tao sa labas na gustong iparating sa yon a gumagana pa yung doorbell mo. ^____^"

Nakangiti sya sa kin ah, "goodmorning din, titingan ko na nga rin eh…" yumuko sya ng konti, "hi, Whity."

Nakain nun?

Nagpatiuna na syang bumaba, sumunod na lang kami ni Whity. Lumihis ng daan yung tuta, pero ako, sumunod keh Geoff hanggang sa buksan nya yung gate.

"H-hi, Geoff."

Surprise surprise! Andito ang tanyag na ex at ang pilay na third party--- Noon! Ang galing! Sina Mitchie at Dereck.

Ang pinagtataka ko lang, magaan pa rin yung loob ni Geoff hindi yung parang noon na ang bigat ng dating.

"Pwede ba kaming pumasok?" Si Mitchie

Ang kapal di naman ng mukha nya oh!

"Ayaw! Huwag, bad vibes yan. Mapapasok ng masamang ehemplo ang iyong kaharian!" sigaw ko keh Geoff.

Pero di nya ko pinansin, "oo naman," at niluwangan na nya yung gate para makapasok yung dalawa.

Nagwhistle ako tapos hinarang ko yung paa ko sa daraanan ni Mitchie… then…

TUMAGOS SYA SAKIN!

Pano nangyari yun? Noon lang nahahawakan ko pa sya taz ngayon hindi na?

Laglag ang korona ko.

Nakapasok na sila pero heto pa rin ako at nakanganga… pinilig ko yong ulo ko… pumasok na ko sa loob.

"Hindi ko alam na may alaga ka palang asong kaly , Geoff," yun ang nadatnan kong sinabi ni Mitchie.

Nanlaki naman agad ang butas ng ilong ko, "asong kalye daw, Whity? Bite!" Nagkukuskos ng balahibo nun si Whity.

Pormal pa rin yung mukha ni Geoff habang nakamasid sa magjowakers,  “ano bang kailangan nyo?”

"Pare," si Dereck yan, "nandito kami para linawin ang lahat," walang mababakas na pagsisisi sa mukha nya. Parang okay lang sa kanya lahat eh.

"Hmm,"pinagsalikop ni Geoff yung mga palad nya, "sabi ko nga, may girlfriend na ako---"

"At ako yun, ipagpatuloy mo, Geoff," kering keri ko naman daw ang pagiging gf kuno.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon