[GMARTL24]

2.6K 95 11
                                    

[GMARTL24]

Jessie’s POV

Tatlong katanungan lang ang nasabi ko nung magising ako sa mahaba’t mahimbing na pagtulog.

Una: “Ate buntis ka?”

Pangalawa: “Ate, sino siya?” Tukoy ko sa ‘asawa’ daw ni ate.

At pangatlo: “sino ka?” Para sa lalakeng feeling close na nakipagunahan pa keh ate Mylene sa pagyakap sa akin nung magkaroon ako ng ulirat.

Sino ba siya? Kahapon lang ako nagising at sya na agad yung nabungaran ko…tingin tuloy ng mga doctor eh nobyo ko siya. Please lang naman!katatapos lang ng sakit ng ulo ko kay Jimmy kaya imposibleng pumulot uli ako ng baton a ipinukpok sa ulo ko.

“Jessie, ito oh, prutas… okay daw to sayo sabi nung doctor mo,” alok na naman ng lalake. Kahapon, bumili sya ng bungkos ng bulaklak na nilagay pa nya sa vase at talagang nilagay pa niya sa bintana. ‘Geoff’ daw ang pangalan nya.

“Ah… eh… thank you,” at napangiwi na lang ako ng lihim.

After eight days na pag-o-observe sa kin ng mga doctor na parang mikrobyong di pa nadi-discover, lumabas na kami ng ospital. And guess what, kasa-kasama pa rin naming yung lalakeng di ko kilala pero parang kilala ni ate.

“Talagang di mo maalala si Geoff?” To the nth time na tanong sakin ni ate Mylene.

Pati sya ay hindi makapaniwalang di ko raw kakilala yung si Geoff, “nope. Artista ba sya? O baka naman ambassador? Hmmm? Or baka naman---“

“Nakita ka raw nya noong kaluluwa ka pa.”

At wala akong ginawa kundi humagalpak na naman ng tawa plus rolling in the floor pa ako. Kalokohan talaga.

One day, niyaya naman ako ni Geoff…ewan ko kung saan kami pupunta.

“This is my house,”anunsiyo nya. nasa harap kami ng two-storey house na halatang pag-aari ng mayaman.

“Eh?” Agad kong pinag-cross yung kamay ko sa tapat ng dibdib ko, “kuya, wag po.”

“Haha. Youre really funny. Come inside.”

Ah ganun? Tinanggihan niya ang alindog ko?

Giniya nya ako papasok sa loob ng bahay. May bata doon, at isang asong itim.

“Tita Jessie!” Tumakbo palapit sakin yung bata at yumakap sa kin. Lumapit din yung aso na kumakawag pa yung buntot, “tapos na po ba yung laro nyong ‘kunwari-di-nyo-ko-nakikita’?”

Laro? Ni minsan ay wala akong nilarong ganun ang title. At saka, sino ba tong batang to? Weird. Naging artist aba ako nung comatosed ako?

Pero parang pamilyar sa kin yung bata… yung aso… yung bahay… si Geoff…

“Eunice, your tita Jessies not feeling well, so lumabas muna kayo ni Whity ha?”

Sumunod naman yung bata sa iniutos ni Geoff.

“Whity? Ang tindi naman ng sayad sa ulo ng nagpangalan sa itim na asong yun,”komento ko.

“Gusto mong malaman kung sino nagpangalan sa kanya?”

“Hmm? Sino?”

“Ikaw.”

“Ako? Panung ako? May sayad ka din ata eh. :|”

“Nah. Halika sa taas,” nagpatiuna na syang umakyat. Sumunod ako sa kanya, “ito ang kwarto ko.”

“Ah, maganda sya. Parang di kwarto ng lalake kasi maayos siya,” sinuri ko pa yung kwarto.

Narinig kung bumuntong hininga sya, “magulo nga dati yan eh. Kaso naging maayos na… mula ng… mawala ka.”

“Ha?” stage 1000 na yata ang sayad nitong si Geoff, “panu naman ako mawawala dito eh never pa naman akong nagpunta dito.”

“You used to jump on top of my bed… you used to sing for me… you used to make me laugh… you used to make me fall in---“

“Taym pers muna!” Pumipitik yung sentido ko.

“You really don’t remember me, do you?”

Ano nga bang nalalaman mo , Jessie? Tss! Magisip ka dali! “I…really don’t know. Parang oo pero mahirap paniwalaan… kasi pag naaalala kita… sakit ang nararamdaman ko.”

“Im… sorry…”

“Nasabi mo na yata sakin yan noon… at parang masakit marinig… parang napakasakit para sakin yung dalawang salita na yan. Sino ka nga ba , Geoff?”

Tumakbo na ako palabas. Narinig ko pa yung pagtawag nya sa akin pero di ko na sya liningon.

Sino ba sila? Anong naging parte nila sa buhay ko?

Naramdaman kong nababasa yung pisngi ko. Tumingala ako. Di naman umuulan…sh*t umiiyak ako! “Ala, ano bang nangyayari sakin?”

“Nagmamahal ka lang.”

Paglingon ko, may nakita akong lalakeng saksakan talaga ng gwapo. Sino naman ito? Patuloy pa rin sa pag-agos yung luha sa pisngi ko.

“Sabi ko, tutulungan kita, di ba?”

Tss! Di ko na sila maintindihan!

“15 days kang nakibaka para sa buhay mo. At sa 15 days, nagmahal ka.”

“Sino ka ba?”

“Peter.”

“Peter?” May pumasok na naman sa alaala ko. Daig ko pa ang na-amnesia! Pamilyar naman sakin tong lalakeng to. Di ko lang alam kung saan at paano ko siya nakilala. Wala naman akong social life bago ako maaksidente kaya imposibleng nakilala ko sila sa party o kung saan man possible.

“Di mo talaga ako nakikilala? Ako yung nag-chu-‘chuweng’ noon bago ako mag-appear sa harapan mo.”

Warning signal.

And I passed out.

***

Author: wooshoo! Patience lang po ha? Baka two to three chapters na lang, ending na kaya po stick with this story!salamat po ng million times!

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon