[GMARTL2]

3.7K 142 50
                                    

Geoff's POV

Pagkatapos kong tanggapin siya sa bahay ko, ito pa ang igaganti niya sa akin?! Sasabunutan ako!? ‘Yung babaeng ‘yun talaga! Hindi ko alam kung maiinis ba ako kasi ang ingay-ingay niya o dapat matuwa kasi may nag-iingay na ulit sa buhay ko.

Inaantok talaga ako kasi pagod ako sa trabaho---ahh, trabaho... napahiya pa pala ako sa trabaho kanina dahil na naman sa babaeng ‘yun! Totoo pala na may mga taong nasa langit na pero pinabalik sa lupa? ‘Di talaga kapani-paniwala! Baka siguro pinabalik siya sa lupa ay dahil marami na siyang nagawang kasalanan nang dahil sa kakulitan niya. Psh. Nakipag-break pa ako kay Angelie para matulungan lang siya. Ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako sa sinabi niya? Nagpaniwala naman agad ako.

Pagkatapos nang mahaba-habang pagmumuni ay bumaba na rin ako. Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng long table, natatakam ‘ata siya sa nakahanda doon.

"Bakit ‘di ka kumain?" tanong ko, sana nga lang at wala yung kasama ko sa bahay at natutulog na, si Marie, baka isipin pa niya na nababaliw na ako.

"Hello, mamang malaki?! Kaluluwa nga ako di ba?! Ssan naman pupunta ang kakainin ko kung saka sakali?! ‘Di ko nga mahawakan ang kutsara oh, oh, nang-iinis ka pa yata, eh!"

Talaga ngang ‘di niya mahawakan ang kutsara.

"Eh, bakit nahahawakan kita? At nahahawakan mo ako?" kumuha na ako ng pagkain ko.

"Kasi nga po, ikaw ang nakatakda na makakatulong sa akin, sus, businessman na naturingan, walang utak!"

‘Yun pa ang isa sa kinaiinisan ko sa kanya, masyado siyang pilosopo. Napangisi ako ng bigla akong may naisip, "’di ka makakain, ‘di ba?"

"Hindi nga, eh! ‘Di makaintindi, pre?!"

"Mainggit ka! Ang sarap ng soup! Wow! Hmm. Ang sarap-sarap talaga..." Bigla-bigla ay tumatawa na naman siya... ano ba?!

"Ahm...” biglang may tumikhim sa likuran ko, “sir? He-he, salamat naman po at nasarapan kayo sa luto ko."

‘Takte! Si Marie! Unti-unti akong napalingon at hiyang-hiya na napatingin sa katulong ko. "’Di ba dapat tulog ka na?"

"Opo dapat, sir. Akala ko kasi may bisita kayo kasi nagsasalita po kayo mag-isa," parang siya pa ang nahiya.

"Sige na, ako na ang bahala dito," umalis na nga siya. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Hayan kasi, ang dali ng karma mo. Masarap pala, ha?” tumawa pa siya, “si Geoff na matapang at masungit, napapahiya rin? Oy! Nagba-blush siya!" tukso pa niya sa akin.

"Tumigil ka nga diyan."

"Eh, nakakatawa ka naman kasi! Bwahaha!"

Paano ko ba mapapatigil ang isang ito?! Nakakainis. Ang dami pa niyang sinabing nakapang-aasar sa kin pero ‘di ko na siya pinansin. Pagkatapos kong mailigpit ang pinagkainan ko ay umakyat na ako sa kwarto ko.

♪♪♪"Theres a fire starting in my heart

Reaching a fever pitch it’s bringing me out the dark

Finally I can see you crystal clear

Go 'head and sell me out and I’ll lay your ship bare

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon