[GMARTL20]

2.6K 86 12
                                    

[GMARTL20]

Jessies POV

“Sun-check! Cloud-check! Hangin-check!” Lumingon ako, “gwapong Geoff--- malaking check! Okay pa naman ang panahon, yippee!”Nasa garden ako at nagwe-weather forecast with matching kalandian… nasa loob naman si Geoff, naghahanda ng breakfast slash snack nya.

Ding… dong… ding… dong… naalala ko tuloy si Whity. Musta na kaya sya kina Eunice? Hmm.

“May tao na naman! Wooshoo! Sino kaya yun?”

Lalabas na ako.

Nakita ko naman si Geoff na binubuksan yung gate habang nili-lick nya yung daliri nyang may mayonnaise.

“Surprise, honey!” With matching deep kiss sa na-shock na si Geoff na ganito ang ekspresyon

(O(     )

Iba na talaga ang panahon ngayon, yung babae na ang humahalik.

“Oh! Angelie!” Shocked si Geoff. Sa wakas ay nailayo na nya yung  babaeng parang linta kung makakapit.

“What? Di mo ko na-miss?” Nag-pout pa si Angelie.

Di ba break na silang dalawa??? Andun pa nga ako nung maghiwalay sila eh! ('_')

“Angelie… ahm…” speechless naman tong si Geoff.

Ngumiti uli si Angelie na nakakapit pa rin sa braso ni Geoff, yung as in na yakap-yakap nya talaga, “joke lang naman nung i-break mo ko… as in, hell-o! Hell-o! Bakit mo naman ako ibe-break di ba?”

“Ahy ang kapal naman ng apog ng babaeng to!” Nanlaki agad ang butas ng ilong ko.

“Hah---“ bitin yung pagak na tawa ni Geoff kasi siniil uli sya ng halik ni Angelie.

For…

Goshness…

Sake talaga ng todo todo!

“Inosente ako!!!” Sigaw ko bago nagmartsa papasok ng bahay.

What a nice moment to welcome my 13th day! As in na apat na araw na lang ako pero di ko pa rin magawa ng tama yung misyon ko!four days!

Pumasok na rin silang dalawa pagkalipas ng ilang minutong paghahalikan siguro. Kaloka sila!

Parang di ko makeri yung ginawa ni Angelie, ang ganda pa mandin nya at mukhang kagalang-galang. At lalo namang hindi makeri ng kagandahan ko yung hindi pagtanggi ni Geoff!

“Honey, bat di natin i-try mag-ano sa room mo? Lagi na lang tayo sa guest room noon eh…” seductive yung boses ni Angelie habang nananalaytay yung kamay nya sa dibdib ni Geoff.

Gravety! Di ko pa nga magawa kay Geoff yun eh! At-------at……..at di ko pa rin gagawin yun kahit may pagkakataon noh! Oo!tama…… di ko yun gagawin!

Nakakawala ng katinuan! Kaya pala wala akong ma-vision sa kama ni Geoff kasi sa guest room sila gumagawa ng milagro ng jowangwang nya! kainis talaga! K

Nakatalungko lang ako sa sofa habang nakamasid sa kanila.Pasulyap sulyap din sa kin si Geoff…parang naiilang… “oo nga naman , Geoff, bat di nyo i-try mag-ano sa room mo?” Nang-iinis pa yung nakapaskil na ngiti sa labi ko, “ako magiging audience nyo. Tara.”

“Ahm, Angelie, wag muna ngayon okay?”

Wag muna ngayon? So may balak talaga sya NEXT TIME? Ahy shemay momay !

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon