[GMARTL11]
Jessies POV
Bumaba na ng kotse si Geoff, tumagos naman ako at sinundan sya.
"Bat ka umalis?” Paakyat na sya ng hagdan.
Di man lang nya ako nilingon, ''dahil gusto ko.”
"Ba't di mo ko tignan?!"
"Dahil ayaw ko."
Takte! Patirin ko sya eh! "Ba't ka nagmamadali?!"
"Dahil may pupuntahan ako."
Eeh! Naririndi na ako sa question and answer portion na to ah! Nagdabog ako, eksakto namang sinara nya yong pinto ng kwarto nya, nang-aasar ba sya?!
Tatagos ako sa pinto! Kala nya ha!
Nang…
Toogsh!
Napahawak ako sa noo ko na nakipaghalikan sa pinto. Takte talaga! Bat di ako tumagos?! Kailan pa nya pinahalagahan tong sinumpang pinto na to?! Hinawakan ko yong seradura ng pinto at binuksan yon.
"Langya naman, pre! Kailan mo pa binigyang halaga yung pinto mo?" Hawak-hawak ko pa rin yung noo ko, di nya ko sinagot kasi… "ba't ka nag-eempake?!"
"Dahil wala kang pakealam."
Eto na naman po yung Q and A namin. "Di ako nakikipaglaro sa yo ah!"
"Bakit ba? Aakyat ako sa Baguio, masaya ka na?"
"Iiwan mo ako rito? Paano na ang misyon ko? Sino na ang tutulong sa kin? Wala! Tapos ngayon, aalis ka pa?! Katukin mo nga yang ulo mo at nang magising ka sa realidad!" Ako na mismo kumatok sa ulo nya.
"Ano ba? Di ka ba sasama?"
"Ha?" teka, nabingi ako, "sama ako? Promise?"
"Ah ewan ko sayo." Binuhat na nya maleta nya palabas ng pinto, sumunod ako… bumaba na sya, sunod uli ako… punta sa garahe, sunod uli….
Sumusunod lang ako, "anong drama mo ngayon, pre?"
"Sasama ka ba o hindi?" Nilagay na nya sa backseat yung maleta nya at pumwesto na sya sa drivers seat.
"Sama syempre! Wutwo! First time ko sa baguio kung ganun! Ano ba nandun? Hihi. Malamig daw doon eh, tama ba?"
"Oo." Nilabas na nya sa gate yung sasakyan, automatic naman yung gate kaya no problem na sya doon.
Excited na talaga ako. Di ako mapakali sa kinauupuan ko… "matagal pa ba? Gusto ko ng mmakita ang Baguio, pre!"
"Dyan na lang sa kabilang kanto."
"Ulol!" Di ko na pinatulan yung sinabi nya, baka mamaya eh ihulog nya ako sa bangin sa Baguio, "hehe, basta Baguio, here we come!"
Tumahimik na ako at nanonood lang sa view na nalalagpasan namin.
1 hour and 30 mins… amboring naman talagang kasama itong si Geoff oo! Nakamamatay talaga sya! "Susuko na talaga ang Bataan pero di ka pa rin magsasalita noh?"
Di sya sumagot. Di ko naman alam kung narinig nya ako pero ayw nya akong sagutin o nagbibingi bingihan sya kasi ayaw nya akong sagutin… hmm… pareho lang naman ata eh.
BINABASA MO ANG
Give Me a Reason to Live
Fantasy☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan niyang gawin iyon bago ang unang patak ng ulan sa taong iyon. Ang unang taong makakakita sa kanya ang dapat magbigay sa...