[GMARTL23]

2.6K 97 32
                                    

[GMARTL23]

Jessie’s POV

6am

I looked at my body once again…

At lumakad na ako palayo sa hospital room ko.

Mga yabag ko lang at mahinang pintig ng puso ko ang naririnig ko…

Naaalala ko pa rin si Geoff…this is goodbye.

Tss.

Naglalakad lakad lang ako at tumitingin tingin sa paligid. Ang mundong kinalakhan ko ay tuluyan ko ng iiwan. J at ang katangi tanging lalaking nagparanas sakin ng tamis ng unang halik…at nagpatikim sakin ng kasaklapan ng unang pagkawasak ng puso…ay tuluyan ko na ring iiwan.

“I will miss you, people!”

Ngumiti ako.

Bukas pa yung ulan sabi nila pero makulimlim naman ang langit ngayon.

Nagpunta ako sa simbahan mga 11am.

“Uulan ngayon,” sabi ni lola.

Umiling ako, “naku, lola, bukas pa daw. Pramis!”

“Hindi,” kontra pa rin nya, “uulan talaga ngayon.”

“Ang kulit mo din , lola…” nagdasal na lang ako kesa makipagdebate kay lola.

Krug! (di ko makuha yung right sound!)

Kumulog ba? Kulog yun?

Tanghali na so dapat mainit na,, pero hindi eh.

“Sabi ko sayo, uulan eh.,” parang batang sabi ni lola sa kin.

“Ha? Hindi maaari! Bukas pa sana to!”

Di ko na hinitay yung sasabihin ni lola, tumakbo ako palabas ng simbahan.

Pagtingala ko…

Naramdaman ko yung isang patak na dumampi sa ilong ko… hindi to totoo…

Kanya kanyang nagtakbuhan ang mga tao sa kung saan may silong.

Chuweng!

“Hoy!”

“Ha?”

Nagpalinga linga ako.

So, nasa langit na ako ngayon.

Andun si Peter sa sofa na puti, nakaharap sa TV, at alam nyo kung ano pinapanood? Tom and jerry kids. Isip bata talaga.

“Ang daya! Bukas pa dapat yung ulan ah!” Angal ko.

“Sino meh sabi?”

“Yung forecaster.”

“Hindi lahat ng sinasabi ng weather forecaster, dapat mong paniwalaan. Ano ka ba… hehe.lika, may pupuntahan tayo.”

“Saan na naman?”

“Jan lang oh, papasok lang tayo sa pinto na yan,” may tinuro sya sa likuran ko.

“Wala namang pinto kanina ah?”

“Ngayon nga meron na, ang dami mong reklamo. Tara.” Inakbayan pa nya ako at giniya sa pinto.

Pagpasok namin, nakakita ako ng dalawang papel na kulay yellow tsaka dalawang ballpen.

“Ngayon magsulat na tayo ng hiling natin… oh, eto sayo…” inabot nya sakin yung isang papel tsaka ballpen.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon