[GMARTL26]

2.6K 80 13
  • Dedicated kay Vee-Jei EipIyou
                                    

[GMARTL26]

Jessie’s POV

“Alam mo, kanina pa ako nahihilo sa iyo. Baka mapairi pa tuloy ako ng wala sa oras, eh. Umupo ka nga rito.”

“Ate,” tumigil ako sa pagpaparoon at parito, “tama ba ang ginawa ko? Tama ba 'yung naging desisyon ko? Psh...” sabay kagat sa mga kuko ko.

Nagtaas ng kilay si ate Mylene, “ako ba ang magpapasakal---pft... kasal?”

“Nagpadalus-dalos ba ako masyado?”

“Ako ba ang sumagot ng ‘oo’?”

“Thank you for your support.” Inismiran ko siya. Umupo ako sa tabi niya at kinulong ang mukha ko sa mga palad ko, “Gosh. 23 lang ako.”

“Kow. Nasa tamang edad ka na. Dapat lumandi ka na noon pa, eh,” at absent-minded na binatukan niya ako kaya halos mapasubsob ako sa walang carpet kundi sementong sahig namin. “Ops. Sorry.”

“At may balak ka pa yatang burahin ang ilong ko, eh,”napuruhan talaga ang ilong ko. Feeling ko tuloy pumaloob ang matangos kong ilong. “Makaalis nga muna.”

“Saan ka pupunta?”

“Diyan lang sa tabi-tabi.”

'Di na ako pinigilan ni ate. Pupunta lang ako kay Geoff. Baka kasi lumalandi siya pag nakatalikod ako, eh, mahirap na. 'Nung isang lingo lang niya ako niyayang magpakasal at ilang araw na rin akong 'di makapagisip ng matino kasi laging umuukilkil sa isipan ko kung tama ba 'yung pagpayag ko. Lalo na ngayon at 'di na nagpaparamdam ang walanghiyang si Geoff.

Naglakad lang ako patungo sa may kanto. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao. Saan ka ba naman kasi nakakita ng babaeng nakadress, doll shoes at shades na patalun-talon pa habang naglalakad? Tss.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay ni Geoff.

Pagdating doon ay nagdoorbell ako... inulit-ulit ko pa iyon kasi walang sumasagot.

“Oo na, nandyan na!” wika ni Marie, ang katulong, na nagbukas ng gate para sa akin, “Kayo pala Ma'am Jessie,” kilala na niya ako kasi pinakilala na ako ni Geoff noon pa. Mukhang asiwa ang ekspresyon niya.

“Nandiyan ba siya?” pasilip-silip ako sa loob. Wala yatang balak 'tong chimay na ito na papasukin ako. Ang liit lang ng pagkakabukas nya ng gate at halatang sinasarahan niya lahat ng siwang na maaari kong silipan. Sipain ko 'to, eh. “Pwedeng pumasok? Nakabara ka kasi sa daraanan ko, eh,” at ako na mismo tumulak sa kanya.

Dire-diretso ako sa pagpasok sa loob.

Walang tao sa sala

“Ma'am, ano po kasi...”

“Ssh, Marie. Kukumustahin ko lang naman, eh.” Talagang sinusubukan ako ng chimay na 'to, ah.

Sa kusina naman ako pumunta ngunit wala pa ring tao.

“Ah. Sa kwarto ba?”

“M-maam...”

'Di na nakasunod pa sa akin si Marie 'nang pumanhik ako sa itaas.

Nakahanda na ang pagkatok ko sa kwarto nung marinig ko yung naguusap mula sa kwarto...

“Ahaha, looks good, aha? Wanna try it?” boses babae yun.

At parang... boses ni Angelie!

Sunud-sunod na pagkatok ang ginawa ko na halos ikagiba ng pinto.

“Ah, shit! Marie, I told you not to disturb us!”

Isang galit na galit na Geoff ang bumungad sa pagmumukha ko kasunod ang makapal ang make-up na si Angelie.

“Hello, fiancé,” bati ko sa napamulagat na si Geoff, “hello, malanding ex ng mas malanding fiancé ko.” Mariin ang pagbibitiw ko ng mga salita.

“Ahm...” nahimasmasan na marahil si Geoff, “ah. Jessie. Si Angelie---“

“Kilala ko. 'Wag mong sabihing sya ang substitute ko kapag di ako um-attend ng kasal?” nakakainis!

Napatawa si Angelie at namula si Geoff, “oh, come on girl. I know naman na mas maganda ako sa 'yo, 'no? Pero sa 'yo na si Geoff. Promise! I'm just your wedding gown designer, cake designer, reception designer at lahat na ng klase ng designer diyan. Okay?”

"At talagang ginawa mong hanapbuhay ang magiging kasal namin, ano?" 'Di pa rin natatanggal ang pagkakakunot noo ko 'nang harapin ko si Geoff. Tumango siya sa akin. Kahit papaano ay napahiya ako sa inasal ko pero naisip ko na lang na may karapatan pa rin akong magalit kasi ;di niya sinabi na si Angelie ang kukunin niyang designer. At teka... 'di ba model lang si Angelie?!

“Come on in, Jessie, para naman malaman mo na ang mga detalye.” Inalalayan pa ako ni Geoff. Umupo kami sa kama habang si Angelie ay naupo sa single sofa.

“Two months from now ang kasal niyo. Rush lang 'to pero okay na rin naman kasi money talks naman, eh. Umpisahan natin sa gown mo, kulay niya ay parang pinkish---"

“Bakit pink?” 'di man lang ba nila ako tatanungin kung ano talaga ang gusto kong kulay?!

Si Geoff ang sumagot, “sabi kasi ni Angelie na maganda daw iyon para sa iyo.”

Tumango na lang ako pero di pa rin ako payag dun.

“Tapos eight layers lang ang cake na floral ang design---“

“At bakit eight? 'Di kaya masyadong mataas naman?”

Si Geoff na naman ang sumagot, ”mas maganda na rin daw kasi 'yun para kahit rush, special pa rin.”

“Sinong nagsabi?”

“Si Angelie.”

“Right. Ako nga. Oh, eto pa, ang design sa reception is parang pink and blue flowers. Ganun din ang entourage nyo----“

“Hulaan ko, ikaw na naman ang nagsabing maganda, 'no?”

“Uh-uh. Isn’t it cute?”

Tumayo na ako. “Mukhang di naman pala ako kailangan dito, eh. Tapos kayo na rin pala ang nagplano ng lahat lahat ng akala  niyo ay maganda kahit hindi naman talaga.” Naglakad ako patungong pinto, bago ako lumabas ay hinarap ko sila, “ay, oo nga pala, bakit 'di na lang kayo ang magpakasal para mas maganda?” Pabalibag ko pang sinara ang pinto.

Kaya pala ayaw akong papasukin ni Marie kanina. Nakakapang-init ng ulo.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon