[GMARTL4]

3K 118 26
                                    

Geoffs POV

"What the heck, Eunice! Kaaalis lang ng tita Jessie mo, nagkakalat ka na!" kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili, "Eunice! 'Wag ka diyan, Eunice!"

Kanina pa patakbo takbo ang makulit na chikiting na ito. Talo pa niya ang bagyong signal number four kung makapanira sa mga gamit ko sa office.

'Di pa rin siya tumigil sa pagtakbo at tuloy lang ang pamiminsala niya sa walang kamalay-malay na opisina ko. "I want , Tita Jessie! I want her! I won't stop until Tita Jessie returns!" at ang table lamp ko naman ang napagdiskitahan niya ngayon. Pinatay-sindi niya iyon at  tuwang-tuwa pa.

"Ugh! Stop that! Masisira 'yan! Oh, you want ice cream?" naisip ko, this is the third time na inalagaan ko si Eunice habang wala ang yaya niya. Sa bawat pag-aalaga ko sa kanya, puro di maganda ang kinalalabasan pero lagi naman siyang tumitigil kapag binibigyan ko na siya ng ube flavored ice cream. 

Tumigil siya sa pagtakbo at unti-unting ngumiti, sumilay na rin ang ngiti sa mga labi ko pero laking dismaya ko ng tumakbo siya ulit.

"I want tita Jessie! I want Tita Jessie!"

Mukhang wala na talaga akong pag-asang mapatigil si Eunice kahit tabunan ko siya ng ilang gallon ng ice cream. Napaupo ako sa swivel chair ko para lamang muling mapatayo! "Eunice! 'Wag kang pumasok sa CR! 'Wag ang tissue, Eunice!"

Lumabas si Eunice hila-hila ang isang rolyo ng tissue paper. Nagkalat na ang tissue sa paligid at ni-wrap ni Eunice ang kanyang kaliwang binti dahilan para magmukha siyang mummy.

Nassan na ba ang kaluluwang 'yun? Kaninang 10 AM pa siya umalis at ngayon, 11:30 na.

Lumapit ako sa kinalalagyan ng telepono. "Dyna," kausap ko sa kabilang linya nang may dumampot 'nun.

"Haha! Oo nga, eh..." narinig ko pa ang tawanan ng magaling na front desk na nasa ibaba bago tumikhim at pumormal na, "yes, sir?"

Sa wakas at sumagot na rin. Nakikipag-chismis'an pa talaga.  "Come up here, magdala ka ng pagkain for Eunice at para sa 'kin. And please bring companions with you, help me clean Eunice's mess."

Ibinaba ko na ang telepono.

"Tito, you need this?" tinaas ni Eunice ang magazine kung saan ako ang cover.

"No."

After a while, "what's that, Eunice!?"

“I cut pictures! Sabi mo, 'di mo na kailangan, eh! Bakit ka galit ngayon? ‘Ala akong kasalanan diyan! Bata lang ako," humagikgik pa siya..

Wala na akong nagawa kundi pagmasdan ang gutay-gutay na magazines ko. Nag-iisang copy pa man din iyon sa akin.

May kumatok sa pinto, "sir, papasok na po kami."

"Okay, Dyna."

Pumasok na nga sila, kasama ni Dyna ang dalawang janitor, alam na talaga nila kung ano ang gagawing paglilinis sa opisina ko, sanay na rin kasi sila. Habang naglilinis, tahimik lamang na nakatayo sa isang gilid si Eunice na parang hindi siya ang may gawa sa kalat. Nang matapos ay agad din silang umalis.

"Come over here, lets eat," aya ko kay Eunice, "Eunice, come here."

"Wah! Ayaw!" nagsimula na naman siyang tumakbo. Hinabol ko siya habang buhat-buhat ang plato.

"Eunice! Kain na kasi, Eunice! 'Kita mo! Natapon tuloy 'yung kanin! Eunice! 'Wag mong galawin 'yang papers ni Tito! 'Yung ballpen ko, nahulog! Kain na kasi Eunice!"

Normal na sa 'kin ang mga pangyayaring ganito at talagang hindi titigil ang bubwit na ito unless aantukin siya na batay sa tantiya ko, dalawang oras pa mula ngayon. Wala na tuloy akong natapos na trabaho sa loob ng apat na oras dahil puro paghabol lang sa kanya ang ginagawa ko.

Buti pa 'pag nandito si Jessie, kahit pareho silang hindi nasasaway ni Eunice, nagbe-behave ang bata kasi nag-uusap sila. Birds with the same feathers, flocks together talaga. Pareho kasi silang butas-butas ang utak.

"Hihi! Habol tito! Don’t want to eat! Tito talaga! Ang bagal!"

Wala na akong nagawa, naupo na lang muli ako at pinanood uli si Eunice na paikut-ikot lang sa opisina ko. Full battery pa talaga ang batang 'to. 

"Poof!"

Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na napigilan pa ang pagmumura. Nakita ko ang galaerang anghel na si Jessie.

"Bad words ka talaga!" sabi pa sa akin ni Jessie at ngumiti, "musta ang life mo? Mukhang pahirapan ang pagkuha mo kay Eunice, ah? Yuhoo! Eunice! Baby girl! Come here!"

Sa inis ko, agad na lumapit si Eunice kay Jessie. Habang ako kanina, isang libong beses ko na 'atang sinabi ang pangalan ni Eunice pero 'di pa rin siya lumapit sa 'kin, bagkus ay lalo pang lumala ang sitwasyon kanina. Binuka pa ng bata ang bibig niya. Sinubuan ko na lang siya kahit na ang gusto ko ay ipalunok na rin sa kanya pati 'yung kutsara.

Paano na kaya ako kung 'di pa rin dumating si Jessie? Mukhang may kabutihang hatid din ang babaeng 'to sa buhay ko kahit na nagtutunog manok sya sa umag, kahit videoke queen siya sa tanghali at lullaby ko sa gabi.

Napailing na lang ako sa tinatakbo ng isipan ko.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon