[GMARTL12]

2.9K 104 18
                                    

[GMARTL12]

Jessie’s POV

Nasa labas ako ng bahay habang nakamasid sa makapal na hamog. Ang lamig lamig siguro. Buti na lang at sinabay ni Peter sa klima ang porma ko ngayon, jacket na may hood, jeans at rubber shoes.

Bumuntong hininga ako habang nakasubsob yung mukha ko sa braso ko na nakapatong sa mga tuhod ko...

-flashback-

Tumigil na ba sa pag-inog ang mundo?

Kamay na ba ang ginagamit sa paglalakad?

Nakakapagsalita na ba nag mga ibon?

Ahh!

Then unti unting lumayo mukha ni Geoff sa kin... may evil grin sya sa labi. Err. Ohlala. Gift of God para sa mga kababaihang tulad ko. Ang gwapo nya! Tch! Ngayon gwapo na sya sa paningin ko, nahalikan lang nya ako. Tch! Kaluluwa nga lang ako pero ang landi landi ko na!

Tug tugsh tug tugsh tug tugsh

Ano vey!? Nakakawala ng concentration eh! ilang dipa lang layo ng mukha ni Geoff sa kin kaya pag lumapit lang ako ng kunti sa kanya, siguradong magdidikit na nman mga lab--- stop! Look! And listen! Ang landi ko! 

Nakikisama na rin puso ko sa kgulohan. Gusto pa ata nyang lumabas na lang sa rib cage ko eh!

Nanlalaki pa rin mga mata ko habang nakatingin pa rin kay Geoff... sh!t! Wag kang ngumiti!

"Hfgaksdywtqopcvnxj!" tapos binaraan ko na sya ng alis.

-end of flashback-

Heto nga ako ngayon, nagmumukmok habang naghihintay ng makakakita sa kin at maghuhulog ng piso sa harapan ko.

Chuweng! "Hey, beybe!"

"Oy, anjan ka pala." Walang ganang tinignan ko si Peter at bumalik uli sa dati kong pwesto kanina, "japorms tayo ngayon ah, saan ang lakad?" naka-jacket din kasi sya, pants tsaka rubber shoes. ngayon ko lang sya nakitang nakasuot ng ganun, lagi kasing puti, puti at puti.

Nginisihan nya ako, "wala ka na there."

"Okay."

"So musta ang first kiss?"

Sabi ko na nga ba, makikibalita sya eh. "Sira ulo. Semplang nga eh. Napamura pa ako sa harapan nya..."

"Panis ka naman pala eh!"

Toinks. "Alam mo kasi yun? Yong ano... ano---"

"Nataranta ka."

"Oo. Nataranta ako tapos di ko ano---"

"Di mo alam ang gagawin mo."

"Oo rin, di ko alam ang gagawin ko.... kasi nga ano---"puro na lang ako 'ano'!

"Kasi mahal mo na sya."

"Oo nga, kasi mahal ko na--- ano?!"

Jessies brain--- shutting down.

Call 911. Emergency. Emergency.

SOS.

SOS.

This is important.

Roger? Can you hear me? Roger? Roger?

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon