Maymay's Point of View
Snobberong Palaka
"Miss Mary Dale, doon na ang tamang upuan mo sa subj ko. Katabi mo si Miss Delavin. " bumalik ang diwa ko ng biglang magsalita si Miss, tumingin ako sandali sa kanya at tumingin ulit kay Edward
Oo si Edward nga.. Di ako nagkakamali. Andito si Yong so Siya talaga iyon! Bushaaaaaak Ang gwapooo talaga niyaaaa!
Gustong gusto nang magwala ng mga Taba ay este ng mga buto ko dahil sa kilig pero kaylangang magpigil!
"A-Ah O-opo .. opo Miss " Sagot ko ng di man lang tinitingnan si Miss
"Are you okay?" Hinawakan ako ni Miss sa balikat at iniikot para harapin siya. Lumaki naman ang mata ko habang nakanga-nga ang bibig ko
"Marydale!?" Tumango tango ako at pinilit kong ngumiti
"Mam baka natatae na yan? " Biglang singit nung isang lalaking mataba sa gilid namin kaya nagtawanan yung mga kaklase ko
"Aba Hoy Dong, Baka ikaw ang kaylangang tumae? para naman mabawas bawasan yang Taba mo. BABOY! " sagot ko sa kanya
"Wooooohooo! Burn ka ngayon Bijey! " Sumigaw naman ang isang babaeng may pagkamorena, Maganda. Parang may lahi
"Tss. daganan kita jan eh! " Aba tamo to! sasagot pa
"Tusukin kita jan eh! " Kala mo ah
"Mary Dale, Bijey magsitigil kayo. Ikaw Mary dale kabago bago mo pa lang may nakakaaway ka na. At Ikaw naman Bijey, Umayos ka kung ayaw mong isama kita sa Office ko" Napayuko naman si Bijey ng bigla iyong sabihin ni Miss. Buti nga sa kanya hahahaa
"Okay, That's for now guys. Assignment nalang yan. May Meetings kami for an incoming Events na mangyayari dito sa school. So You can have your breaktime now. " Biglang sabi ni Miss ng mahimasmasan na kami
Nagpunta na ako sa Upuan ko dahil napagod ako kakatayo sa Harap. Pero bago ako tuluyang makaupo, pinasadahan ko muna ng tingin ang pwesto nila Yong at naabutan kong nakatingin sa akin si Edward.
Kaya dali dali akong naglihis ng tingin
"Hi, Mary Dale right? I'm Heaven. " Nagulat naman ako ng biglang sumulpot tong babaeng maputi na to sa harap ko. Nakalahad yung kamay niya para makipag shake hands kaya inabot ko din ito kaso inalis agad niya
" tss Arte kala mo naman Maganda " Bulong ko sa sarili ko
"Excuse me? May sinasabi ka ba? " Mataas na tono niyang tanong
" Ha? A-ah W-wala sabi ko Ang GANDA mo. Sana pati ugali mo maganda din" at binigyan ko siya ng fake smile. Bagay sa fake niyang ugali hmp!
" I know right. Sige Nice meeting you. Sana maging masaya ka sa pag transfer mo dito. " sabay talikod sa akin
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...