Maymay's Point of View
Alien
Makikita mo talaga na kakilala na talaga nila yung isat'isa dati pa dahil sa closeness nilang lahat dito. Nagtataka nga ako e, kasi diba first time lang naming magkakilala ni Laura pero eto close na kami agad. Lagi nga siyang nasa tabi ko at kung ano anong pinagtatanong sa akin tungkol sa kapatid niya. Diko nalang iniintindi dahil hindi ko talaga maintindihan!
Nagkamali ako ng pagkakakilala kay Laura. Hindi siya masungit.. Sobrang bait nga niya eh! Biruin mo pinalaro niya yung boys sa Tom's world habang kami nagshoshopping!? Nakakahiya nga kasi sila naglalabas sila ng pera pero ako? Si Laura ang lahat ng nagbabayad. Kahit nga di ako pumili.. Maya maya may paper bag nang ibinibigay itong si Laura
Tapos tuwang tuwa din ang mga Bruha, Paano sabi ni Laura. Make over daw, Libre niya. Kasi mukha daw di pa kami naliligo. Ito namang mga kaibigan ko, Ako lang ang tinuro. Well, Totoo naman kasi. Ni hindi pa nga ako nakakauwi sa bahay. Ni Hello kay Mama at Ryu diko pa nagagawa ngayong araw. Diko din alam kung san napulot ni Edwardo itong pinasuot niya sakin. Patawarin ako ni Lord dahil sa mga ginagawa ko ngayon huhuhu! Tas mukhang magtatagal pa kami. Jusq Anong ipangbabayad ko? Ni wala nga akong pera eh! Pero sabi nga niya LIBRE daw . Kaya wala na akong kawala.
Andito kami ngayon sa Salon. Lahat daw, Manicure, Pedicure, Hair, Masahe pati daw make up kaya sobrang tuwa don si Kisses. Hay nako! Diko alam kung anong ginawa ko para maging ganto kabait si Laura sa akin kahit kabago bago palang naming magkakilala..
" Omg. Laura! Nice to see you here again! " Napatingin kaming lahat sa biglang sumulpot na bading at pinagyayakap si Laura. di pa kasi siya ginagalaw ng mga bading dito. Iikot, Uupo, mangangamusta siya saamin na ware sa kanya itong Salon na ito.
Si Kisses, at Bayb kasi sa Hair sila nakasalang. Habang si Fenech naman nasa Footspa, tas kami ni Rita nagpapa Pedicure palang ngayon.. Nakakahiya nga yung paa ko e, akala mo pwede nang magtanim ng patatas! Kadiri! HAHAHAA!
" My Goodness! Yes! Nice to see you here too! How's our business? Is it going so well? " Napakunot naman ang noo ko dahil don. Napatingin pa nga ako kay Rita sabay lipat kay Fenech dahil sila ang mga nasa tabi ko.
Ngumiti saakin si Rita, " Ate Laura owns this. " Maikling sabi nito. Napansin niya siguro ung pagkalito at pagtaka ko sa mga nangyayare
" Talaga? Mayaman pala talaga yang sila Edward no? " Tanong ko sa kanilang dalawa. Medjo malayo kasi sila Kisses at bayb. Ang laki naman kasi ng Salon na ito. Pero sobrang ayos at ganda. Di talaga nakakapagtaka na kay Laura ito.. Kasing ganda niya e
Tumango tango naman yung dalawa. Maya maya tinanong ako nung nagpepedicure saakin kung anong kulay ang gusto kong ilagay niya, Ayoko naman ng sobra. Minsan kasi ang sobra, nakakasama. HAHAHA! Charoot! Colorless lang ang pinalagay ko pero may color blue sa dulo. Diko alam ang tawag dun. Basta yun nalang. Tip ata.
Habang nilalagyan ako ni Ate Bading ng Cutics, diko maiwasang makinig sa pag uusap nila Laura tsaka nung isa pang bading kanina, na katiwala daw pala iyon ni Laura dito. Fashion Designer din pala itong si Laura sa New York no? Wala Narinig ko lang. Kinamusta kasi nung bading yung Business niya don. Ayun maganda daw, Madami daw bigating models ang nagsusuot ng mga gawa niya . Awtomatikong napa ngiti ako nung marinig ko ung salita MODEL sa mismong bibig niya..
Napapaisip tuloy ako, Madami pa pala akong di alam sa pamilya ni Edwardo no? Puro Problema at Tanner kasi ako nitong mga nakaraang araw e. Tapos dagdagan mo pa na mainlove ako kay Edwar-- Ay, Mali! mali! mali! Idagdag mo pa yung pang aaway ni Heaven sakin dahil kay Edwardo.. Tapos si Luke dumating pa ng diko inaasahan. Kapag magkasama naman kami ni Edward, laging kasama ang barkada. Walang Oras ng kami lang dalawa ..
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...