Maymay's Point of View
I Like You Too
Unknown:
Hey Girl, Can we meet?napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang text na iyon. Kaya tinext ko siya pabalik at tinanong kung sino siya.
Nasa bahay ako, Asa kwarto nakahiga. Ako lang mag isa. Si mama nasa trabaho habang si baby Ryu naman ay nasa school pa niya. Himala nga eh wala akong bisita. Si Kisses daw kasi may dinadamdam. May Dalaw daw kaya tinatamad mag punta dito. Si Bayb naman ayun, sumusupport sa boyfriend niya, May laban daw kasi sila Marco sa Basketball ngayon. Yung Laro laro lang ba. Niyaya nga ako kaso ayoko, Tinatamad din ako eh! Hekhekhek!
Unknown:
It's me Heaven.Maikling sagot niya. HEAVEN!? PANO NIYA NAKUHA NUMBER KO!!!? nagulat ako ng may magtext ulit.
Unknown:
its not important where I got your number. Let's meet on the ground at your Village , 6pm.Ano na naman bang kaylangan nung babaeng yon? hays!
tumingin ako sa orasan. 11:30am . Lah? magtatanghalian na pala! wala pa akong nilulutong pagkain!!
Di na ako nag abalang replyan pa si Heaven. Inilapag ko na sa lamesang katabi ng higaan ko yung phone ko at tumayo na. Grabe! Ganon ba ako katagal na nakahilata sa higaan kaya inabutan ako ng tanghalian?
Dumeretcho ako sa C.r para maghilamos na. Di na ako nagtoothbrush, kakain din naman ako kaya sayang ang colgate no! itinali ko lang yung buhok ko. Naka pantulog padin ako as usual walang bra na suot. Siguro pag tapos ko nalang kumain saka ako maliligo. Tiningnan ko ng mabuti yung sarili ko sa salamin bago lumabas. " Ganda mo talaga marydale! " Sabi ko sa sarili ko sabay kindat sa sarili
Masaya akong lumabas sa kwarto ko pero bigla nalang nawala iyon ng may bigla akong narinig ng kung anong kaluskos at ingay sa kusina .. Napatigil ako sandali at diko malaman kung anong magiging reaksyon ko.. Hala! may magnanakaw ba sa tanghali!?
Dahan dahan akong naglakad papuntang kusina.. Naghanap ako mg pwedeng ipampalo. Ng may makita akong Walis na nakakalat sa dinadaan ko kinuha ko iyon para ipampalo dito.
ng nasa loob na ako ng kusina namin.. nakatalikod yung lalaki kaya dahan dahan akong lumapit para paluin siya pero nakapikit ako. Ayoko ngang makita yung mukha ng lalaking to no!
" Yaaah! walang hiya ka! " Sigaw ko sa kanya habang pinagpapalo
" Aray! ouch! Teka teka!!! " sigaw niya pabalik pero nakapikit pa ako habang pinagpapalo siya " Paano ka nakapasok dito? kapal ng mukha mo! " sigaw ko ulit
" Hey aray! Teka nga maymay! " napatigil ako sa pagpalo ng hawakan niya ung dalawang kamay ko
" EDWARD!? " bulalas ko ng makita ko siyang nakangiti sa harap ko
" At your service Buang ko.. " Bulong niya
Bushaaak! bat siya andito? at paano siya nakapasok dito!???
" Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko sa kaniya ng di man lang nag iiba ang pwesto namin
" Well I'm preparing foods for you " Sagot niya sa akin at tumalikod. Tiningnan ko lang siya papuntang lamesa at dun ko lang napansin na ang daming pagkaing nakahanda sa lamesa. " may fiesta ba? Dadating ba sila Kisses? " tanong ko sa kanya pero umiling lamang ito habang inilalapag yung gatas sa lamesa.
" Its just you and me today .. " Maikling sagot niya sabay hila sa akin papuntang upuan para umupo doon. Teka nga, gusto niya ba ako patabain?
" Di mo pa sinsagot yung tanong ko kanina. pano ka nakapasok dito? " tanong ko ulit sa kanya habang nakatingala ko siyang tinitingnan dahil nilalagyan niya pa ako ng pagkain. Diko tuloy malaman kung nagugutom na ba ako o kinikilig lang ako dahil sa kung anong meron sa tyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/102128768-288-k180716.jpg)
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...