Maymay's Point of View
Forever
Tama nga sila, Ang bilis bilis lang ng panahon.. Parang kelan lang, Ang gulo gulo pa dahil kay Heaven.. Naalala ko pa kung gaano ako nasaktan dahil sa kagagawan ko. Kung paano ko pinaglaban ang lahat para lang maisaayos .. At buti nalang, May magandang kinahinatnan yung pagsasakripisyo ko
" Hindi parin ako makapaniwalang okay na sila Ate May at Edward " Napatigil ako sa pagkain ng pop corn ng marinig ko iyon mula sa bibig ni Rita
Andito kasi kaming Lima sa Unit ko, Totoong Bridal shower na daw ito for Bayboree. Simple lang naman daw ang gusto niya, Makasama kaming apat bago daw siya matali kay Marco
" Bakit naman aber? " Taray naman talaga ni Bayboree
" Syempre, Anak pala ni Edward si Keisha talaga pero tinanggap padin ni Ate May? Edi parang nagtaksil padin si Edward nun! Diba? Hindi Loyal mga bai! " Natawa naman ako sa paliwanag ni Rita. Actually, Hindi lang pala ako. Lahat pala kami, Except sa kanya dahil mukhang seryoso siya sa pinaglalaban niya
Alam ko naman na ganon ang iisipin nila, Pero ang dami dami na naming pinagdaan ni Edwardo. At Alam kong hindi naman niya sinasadya yun, Kaya walang problema sakin. Ako din naman ang may gawa kung bakit nangyari yun kila Edwardo at Heaven e.
" Yes! And You now what? I can sense na minagic din niyang Heaven na yan yung DNA!! Alam mo na, Connections.. Duh! " Sabay irap na saad ni Kisses
" Hoy! Teka nga. pinagdudududahan niyo ba yung Testing na ginawa namin ni Ate May? " Si Bayboree
Si Fenech, Tahimik lang na nanunuod sa movie na pinapanuod namin ngayon habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ko. Kahit kelan talaga, Yung tatlo lang ang madaldal eh!
" Slight.Eh kasi naman! Ikaw ba ate May naniniwala ka sa result!? " Baling sakin ni Kisses kaya napatingin ako sa kanya
Ang totoo? Hindi.. Dahil una ko palang nakita si Keisha, Nakikita ko si Luke sa kanya, Although mas malakas ang dugo ni Heaven. Still, I can see Luke's smile on her. Wala man lang bahid ni Edwardo.
Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Fenech .
" No. Ni wala man lang ngang nakuha kay Edward eh. I can see Luke . Especially when she's smiling... "
" Tamo! Kahit si Fenech, Si Luke talaga!! Hay nako! Wala na talagang nagawang maganda yang si Heaven! Buti nga sa kanya na--"
" Rita!! " Putol ko sa kanya
Kahit na masama na ang ginawa niya, Hindi parin maganda yung ganon. Wala na nga siya, Hinihiling pang ganon, Double dead na yon.
" Ewan, Yun kasi ang nakalagay, Tsaka bakit nakikita ko si Edward sa kanya? " Pilit ni Bayboree
Hindi na ako nakipagdebate sa kanilang tatlo. Basta kaming dalawa ni Fenech ay seryosong kumakain at nanunuod ng Beauty and the Beast.
" Ganon talaga! If you love him, You should fight for him. Give and Take lang dapat. And I knew Edward. He fought for Ate May too, Medjo shunga shunga lang talaga tong si Ate May, Ipinamigay yung true love nya " rinig kong saad ni Bayboree
Hindi ko alam kung paano sila nakarating sa ganto. Kanina kasi tungkol sa DNA test, tapos ngayon sa pag mamahal na
" Excuse me, Masama bang tumulong sa nangangailangan? " Nakangiti kong sagot sa kanila
" So Ginawa mong donation si Edward? " Natatawang saad ni Rita
Kaya naman nagtawanan kaming lahat. Gawin ba namang donation si Edwardo? Mga baliw talaga tong mga to kahit kelan.
![](https://img.wattpad.com/cover/102128768-288-k180716.jpg)
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...