Maymay's Point of View
Tanner Mata
Isang bagong umaga na naman para sa akin! napakagandang umaga ! .Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong mas nauna pa akong gumising kesa sa wake up call ko.
Diko na inantay yun dahil excited na ako sa gagawin namin mamaya sa School. Sana lang talaga matanggap ako kahit isa lang .. Jusq
Naligo na ko at nagbihis para makakain nadin ako.
Kisses:
Te may, Are you ready na ba? Omg! Im really Excited na!
Napangiti naman ako dahil sa message ni Kisses. Hay nako, Mas Excited ako kahit kinakabahan.. Huhuhuh Good Luck na talaga sa akin.
"Oh napaka Ganda naman " Bati sakin ni Mama ng makita niya akong papalapit na sa lamesa
Napangiti naman ako dahil mama ko nga talaga siya!
"Aba syempre naman po! " Sagot ko sa kanya
"Ganda ng Ngiti mo.. maganda ba umaga? " Nawala naman ang ngiti kong yun dahil sa dinagdag niya
" Nah Grabe naman si mama! Hindi po ba ako maganda? " Nakakunot na noo at malungkot kong tonong tanong kay mama
"Maganda.. ang ngiti mo anak .. Halika ka. Tulog pa si Ryo. Kumain ka na " Grabe talaga tong mama ko
Umupo na ako sa pwesto ko at nagsandok na ako ng sinangag at itlog. Yuuuum! ang saraaaap naman
"Oh, Ito na kape mo. Nagtimpla na ako para sayo. Baka mamaya inumin mo na naman yung akin " at inilapag nga ni mama yung kape ko. Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis tamis kahit may laman pa yung bibig ko at nag peace sign ka mama
Tiningnan lamang niya ako at umupo nadin sa pwesto niya.
"Kamusta first day? " Tanong ni mama
"Ah Okay naman po mama. Kahit subrang masasamang nangyari. muntik nakong masagasa-"
"Ha? Sino? Bakit? pano? " Putol ni Mama sa akin
"Lah? grabe ka naman mag React ma! Muntik lang naman po. Tas alam mo ba ma, Sobrang gwapo nung muntik ng makasaga sa akin.. Ang puti , Yung mga mata niya.. Yung Muscles niya ma ay Grabe bai! Pamatay! Hayss.. Para talaga siyang- Awww Araaaaay Ma! Yung tenga ko!!! " sigaw dahil bigla akong piningot. Ano na naman bang Problema nito -.-
"Ikaw talaga maymay! tama na muna yan. Mag aral ka muna. Kung kelan naman matatapos ka na saka ka mag haharot! "
" Ay grabe sya! Nako ma, Di po ba pwedeng humanga ?? Eh sa Ang gwapo eh! Huhuhu sakit ng tenga ko " hinimas himas ko yung tenga kong siguro Mapula na ngayon.. Hay nako!
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...