Maymay's Point of View
Friends Again
" Buang. Bat ka naman magseselos? Eh wala nga akong matandaan sa mga pinagsamahan natin. Bakit? Meron bang tayo dati? " tanong ko. Gusto kong malaman kung anong tingin niya samin dati.
Napatingin siya sakin sabay napakibit balikat . Mukhang wala naman pala siyang paki samin dati. Pero bat ang kwento ni Bayb nung ma comma ako, lagi siyang andun. Hays! Siguro kinwento lang yun ni Bayb para mapagaan ang loob ko dahil si Edwardo agad ang hinanap ko nung magising ako ..
" There's nothing on Us. At pinagsisisihan ko yun. Sana pinaglaban kita.. Gaya ng paglaban mo noon " napangiti ako dahil sa sagot niya . Hindi ko kasi inaasahan na ganyan ang sasabihin niya e. Akala ko wala siyang pake
He cupped my face at bahagyang yumuko para pantayan yung mukha ko " But now.. I can't promise to win you back. Cause promises are meant to be broken. I'll just do it nalang. I'll do everything. Ipapaalala ko sayo lahat " sabi niya
Napahawak ako sa mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ko habang tumango tango bilang sagot.
Inilapit niya yung mukha ko sa kanya para halikan yung noo ko. Sana hindi na matapos to..
Niyakap niya ako ulit " Pwedeng makalimot ang utak.. Pero ang puso hindi. . " Untag niya
Hindi ka naman talaga nakalimutan ng utak ko e. Lalo na ng puso ko..
" Jusq! Kung sinabi niyo na gusto niyo palang mapag isa, edi sana binigay ko yung susi ng kotse ko . Para don kayo sa loob! " napatingin kaming parehas sa lalaking nasa likod ko . At sa Boses palang na iyon, alam naming si Marco yon!
Tiningnan lang siya ng masama ni Edwardo habang nakahawak padin sa bewang ko
" Buang. Nag Usap lang kami.. Asan si Bayb? " pagbabago ko ng usapan " Andon na sa Shakey's. Nakalimutan niya yung planner niya sa loob kaya ako ang pinatakbo niya dito " iritableng sagot niya sabay nilagpasan kami papuntang kotse niya
" Nako bro! Under ka pala ni Vivoree e! " Pang aasar sa kanya ni Edwardo kaya naman tinapunan lang siya ni Marco ng middle finger . Tawa naman siya ng Tawa dahil don.
Nakakamiss yung tawa ni Edwardo na ganto. Yung alam mong wala siyang iniisip na problema
" Tara na nga! " ng makuha na ni Marco yung Planner. Sumunod nadin kami sa kanya.
Tahimik lang kaming naglalakad ng may biglang lumapit na tatlong babae sa dalawa. Luh? Sino sila?
" Marco right? And Oh!! Edward! Mas pogi ka na kay Marco! " natawa naman ako bigla sa sinabi nung isang babaeng halos kita na ang kaluluwa dahil yung ngiti ni Marco kanina ay biglang nawala
" I told yah bro! " sabay suntok kay Marco ng mahina " Pwedeng magpa picture? " tanong naman nung babaeng naka sandong hapit at maikling shorts na parang panty na sa kanya. Jusq tong mga babaeng to!
Kaya lumayo ako ng paunti unti para diko na makita yung mga kakirehan ng dalawang to at pasimpleng tinext si Bayb na nasa tapat lang kami ng shakey's at may lumalandi sa fiancee niya
" Ahm, Ate Girl? Pwede mo ba kaming picturan? " ngumiti ako ng mapait sa kanila sabay tanggap nung cellphone sa binibigay nung babaeng maharot na to
Pipicturan ko na sana sila ng makaisip ako ng kalokohan. Buti nalang ang pwesto nila ay nasa magkabilang gilid yung dalawang lalaki, kaya naman zinoom ko para yung tatlo lang ang makita sa picture
" Sige isa pa! Wacky naman!! " sigaw ko
Kung ano anong pabebeng pose ang ginawa nung tatlo. Natawa naman ako ng biglang sungayan nung dalawang lalaki yung mga katabi nila. Buang talaga tong mga to!
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...