chapter twenty

1.5K 83 17
                                    

Maymay's Point of View

Truth or Dare

"Truth or Truth? " tanong saakin ni Aizan . Ha? Akala ko ba Truth or Dare tong nilalaro namin?

" Bat walang DARE!? " reklamo ko dito. Alas Dose na ng madaling araw at naglalaro kami ng Spin the bottle. Tas kung sino yung matapatan siya ang tatanungin habang tatanungin naman siya nung nag ikot.. gets niyo ba?

" Special ka eh. ano nga? Truth or Truth ? " As if namang may choice pa ako eno?

tumingin ako kay Kisses na kumakain ng chichirya habang katabi si Christian. aba! pinanindigan na talaga no?

" Ano na te may!? " Napatingin ako kay Yong. hays Oo na Truth na!

" Sige Truth " sagot ko sa kanila. nakita ko naman na ngumiti si Aizan pero yung ngiti na yon diko gusto!

Napayuko ako dahil don at napainom ng tubig

" okay te may .. may pag asa ba si Edward? " Napabuga ako ng tubig dahil sa tanong na iyon at napatingin sa kanila

" Yuck Te may!!!! " sigaw ni Marco kaya natawa ang lahat dahil sa kaniya halos napunta yung nabuga kong tubig dahil siya ang nasa harap ko.

Bale ako , sa kaliwa ko si Yong , katabi si Bayb, tas si Marco , Si Kisses, Christian at sa kanan ko si Aizan.

Nag peace sign naman ako sa kanya at tumawa. Nakakagulat naman kasi ang tanong e!

" Ewww! " sigaw din ni Kisses . Grabe man ni! Ka O.A ha!

" Hahahaha! Maymay! We don't need to be showered by your water mixed your saliva !! " sigaw ni Edwardo

" Ay .. " saglit akong napatigil at napatingin sa kanya " Grabe man siya uy! " dagdag ko . Kaya nag peace sign siya

" Sigeeeee! " sigaw ko sa kanya

" hala sigi na. Sino na ba? " ani Yong. Ooops buti nalang nakalimutan na nila

" Woy! Di pa tapos si Te may!! " biglang sabat ni Aizan

hays. Akala ko nakalimutan na eh! Bayern

" Eh diba may boyfriend na ako at may Heaven na siya?? So para saan pa yung tanong na yun? " ani Ko

" Kung wala. . Kung walang Tanner walang Heaven.. " si Aizan . Sandali akong nag isip at tumingin kay Edward pero nakatingin nadin ito sa akin

Hala nabuang na bai!

sigaw ko sa utak ko at napahawak sa dibdib ko dahil yung kabang naramdaman ko kanina eto na naman..

" Te may! " Sigaw nila . Grabe sila!

" Hmm siguro?? " sagot ko ng di man lang natingin sa kanila. Aba! bat ba ako ganto ngayon?

" Ahhh.. " Sabay sabay nilang sabi

" Uy siguro lang ha! Kay Gwapo man si Edward.. Tas Mabait kahit na lagi akon- "

" Hep! that's it. dami pang sabi e. spin mo na yung bottle te may " putol sa ako ni Aizan. napakamot naman ako ng ulo.

Oo nga ano? bat pa ako nagpaliwanag? eh Meron siguro at wala lang naman ang sagot. Wala namang sinabi si Aizan na bakit.. Nabuang na!

Iniikot ko na yung Bote at sa kasamaang palad.. Ay Charot lang! Pag kaikot ko napatigil ito sa tapat ni Edward ..

" yowwwwn! " Sigaw ni Yong at Aizan. ano bang problema ng dalawang to?

" Tanong na Te may! " Ani Bayb kaya napatingin ako sa kanya sabay lipat kay Edward

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon