chapter fourty five

1.4K 76 28
                                    

Maymay's Point Of View

Fight For Him

Dalawang linggo na.. Dalawang linggo nang nakakalipas simula nung mangyari ang lahat ng iyon. Dalawang linggo narin na wala si Edwardo .. Ni Text o tawag wala man lang

Namimiss na kita Edwardo..

sa isip isip ko sabay buntong hininga. Papunta na ako sa modelling group para mag file ng leaving of group dahil madami narin akong namiss na practice..

Andon din kasi sila Luke kaya iiwas nalang ako

" You sure about this? " nakakunot na tanong ni ser Wil ng basahin niya ang binigay ko. Nakangiti akong tumango " hays. Sayang ka kasi. Alam mo yun, may future ka sa pag momodel " sabay buntong hininga niya

" may nangyari lang po. At tsaka malay niyo makabalik ako dito ulit. " sabi ko nalang para di na siya magtanong pa.

Tumingin siya sandali saakin at ngumit. Kinuha ang ballpen at saka pinirmahan yung papel na hawak niya

" di ka ba magpapaalam sa mga ka grupo mo? " tanong niya ulit ng ibinigay na niya yung papel. Andito kasi kami sa mini office niya . wala parin naman sila Rita kaya di pa nila alam

Umiling ako " wag na po. Di naman sila magugulat kung mawawala ako " ani ko

" aw dont say that. Malungkot nga akong umalis ka na sa grupo ko e. Pero it's your decision so I should respect that. " sagot naman niya saakin at saka nanghingi ng yakap mula saakin.

" Will miss you here.. " bulong niya " Nako ser mamimiss din kita. Sige po. Salamat ng marami " paalam ko sa kanya at saka lumabas na sa office nya

" Uy Te may! "

" Ay bushak! " sigaw ko ng magulat ako sa biglang pagsulpot ni Bayb sa Tabi ko kaya naman tawa siya ng tawa pero natahimik din siya ng mapansin niya yung hawak ko kaya tinanong niya kung ano yun

" Ah eto? " sabay angat ng bahagya " File of leaving sa group ko. " simpleng sagot ko sa kaniya kaya napa sigaw na

" W-what? Leaving of group? B-baket? Teka! Hala! Say-"

" Hep! Ayan ka naman. Madami ka na namang tanong.. " putol sa kanya sabay tawa " Gusto ko lang buohin ulit ang sarili ko. Alam ko na hindi pagtakbo ang solusyon sa problema pero pwede namang magpahinga diba? " paliwanag ko sa kanya

Sa dalawang linggo kasing nagdaan, masasabi kong hindi pa talaga ako nakakalimot. Yun bang parang bago padin. Lalo na siguro kung makikita ko parin yung isa sa taong nanakit saakin diba?

Gusto kong magpahinga para mag ipon ng lakas. Dahil gusto ko nang maka usap si Edwardo. Gusto ko na siyang makita at mayakap ulit. Mag sorry at masabing mahal na mahal ko siya

Pero paano ko iyon masasabi kung siya mismo yung tumatakbo palayo saakin?

" hmm o..kay but if you need me I'm just here ha? You know what ate May.. " tumango naman ako saka inakbayan siya para magsabay ng maglakad. Nasa room na kasi yung iba, galing din daw kasi siya group niya kaya nakita niya ako dito

" Hindi parin nagpaparamdam si Edward. Even on Ate Laura. She said, Edward keeps ignoring her calls and texts. So hindi parin niya alam kung nasang lupalop naroroon si Edward "

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, tanging guilt lang ang nararamdaman ko dahil sakin hinei na siya nakakapasok. Kung kelan naman malapit nang matapos ang taon saka siya nagkakaganto

" Ate may.. Can I ask you something? " eh nagtatanong na siya e. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya habang paakyat na sa room namin " Do you still love him? " tanong niya kaya naman napatigil ako

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon