Maymay's Point Of View
FutureWife
" Naayos mo narin ba yung gamit ni Ate May? "
Nagising ako nang marinig ko iyong boses ni Bayb. Napaangat tuloy ako ng ulo ko mula sa pagkakadapa habang nakatingin kila Kisses at Rita na nag aayos na sa gilid ko. Lumingon din ako sa kabilang side kung nasan sila Bayb at Fenech na nag aayos na din.
Bumangon ako at sabay sabay silang napatingin sakin.
" Lah Ate May! Gising ka na pala. Ano kamusta? " Nanlaki yung mata ko ng bigla nalang nagtatakbo pumunta si Bayb sa tabi ko at hyper na itinanong iyon.
Sumunod din yung tatlo.
" Hala? Bakit? Ano bang nangyari sakin? " Tanong ko din sa kanila pabalik na nagtataka. Naguguluhan kasi ako base sa mga ekspresyon ng mga mukha nila
Napatingin ako kay Rita na nakamewangan pa sa gilid namin
" Maaga kang natulog kagabi. Ni hindi ka nga man lang kumain ng hapunan . "
" At sobrang nag alala kami nun. Kagigising mo lang kasi tas tulog ka ulit " Dagdag ni Kisses
Napabuntong hininga ako saka yumuko.
Naalala ko na naman yung about sa Reunion. Bakit ba kasi kung kelan maayos na saka naman ganto? Reunion yun, Imposibleng wala si ..
" Si Heaven ba? " Napaangat ako ng tingin kay Fenech na nakahawak sa kamay ko habang nakatingin saakin akin
Tiningnan ko sila isa-isa. Alam kong nag-aalala sila sakin kaya ngumiti ako . Gusto kong isipin nila na kaya ko na. Na wala nang dapat alalahanin. Na handa na ako pero ang totoo, Hindi ko alam kung kakayanin ko
I shook my head gently
" Aga niyo namang mag ayos ng gamit. " Pag iiba ko ng usapan. Habang nakatingin sa mga bag na inaayos nila
Ramdam ko naman na hindi sila kumbinsido sa ngiti kong iyon pero thankful ako kasi naiintindihan padin nila ako dahil isa isa nila akong niyakap at nagsabi na lagi lang silang nasa tabi ko
" 10 am na po kaya. Dinalhan ka na nga ng manliligaw mo ng agahan oh. Kagabi naka ilang punta yan dito. Tanong dito, tanong don. kaloka! " Si Bayb habang dala dala yung tray na may pag kain ko saka inalapag sa kama namin
Napangiti naman ako. Mukhang consistent nga siya sa mga sinasabi niya ah?
" Kain ka na Ate May. Para magpakita ka na sa kanila. Sobrang nag alala sila sayo kagabi. Lalo na si Edward. " Natatawang kwento ni Rita sakin habang pinagpapatuloy na yung pag aayos ng bag niya
" Ha? " nakangiti kong tanong sa kanya
" Pano ba naman tong si Bayb, Sabihin ba naman na may Sakit ka? Sakit sa ulo at sakit sa puson kaya ka masungit at natulog ng maaga " Si Fenech na ang nag tuloy .
Nagtawanan naman kami nang biglang sumabat si Bayb na syempre naman daw. Baka mahuli pa bahala na. Magsimba nalang daw sa Manila pag uwi.
Mga baliw talaga tong mga to!
Nagkkwento padin sila about kagabi. Si Luke daw halos dito na daw matulog sa tabi ko. Kung hindi pa daw kinaladkad palabas ni Rita, Hindi pa daw talaga siya aalis sa tabi ko
Habang si Edwardo naman daw, Maya't maya daw ang tayo sabay punta sa pinto ng kwarto namin saka kakatok at magtatanong kung kamusta na ako
" Mga baliw sila Ate May! " Natatawang komento ni Bayb habang papunta sa Shower room para maligo na
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...